Chapter 11: Ella's Misery

184 13 1
                                    

*happened about an hour ago*

ANGELA'S POV

Ano ba yan?! Bakit wala masyadong nagpapatayan! Kailangan na rin namin kumilos.

"Jom, kumilos na din tayo!", yakag ko kay Jom.

"Sino? Sino namang papatayin ngayon?", tanong niya.

"Uhm... Maghahanap tayo, tutal patay pa naman ang ilaw.", nakangiti kong sabi. "Wait lang, may kukunin ako.", at lumapit ako sa maleta ko at kinuha ang dalawang baril.

"Jom, tig-isa tayo oh!", sabay hagis ko sa kanya nung baril. Syempre nagulat siya.

"Saan mo nakuha 'to Angela?", gulat niyang tanong.

"Iyang hawak mo, kinuha ko kay Kuya Kim at etong akin, dala ko.", paliwanag ko sa kanya.

"Paano mo naipasok dito 'yan?", nagtataka niyang tanong.

"Jose Martin, ang dami ko nang napatay dito. Simpleng pagpapasok ng baril, hindi ko pa ba magagawa?", sabi ko sa kanya sabay tawa ng malakas. "Bilisan mo! Kumilos na tayo.", sabay takbo namin palabas ng kwarto.

ELLA'S POV

Naglalaro kami nila Angelica ng spin the bottle, hinihintay namin ngayon si Sharica. Kung kanino matatapat ang bote, siya ang maghahanap kay Sha. At kamalas-malasan, sa akin pa tumutok.

"Oh Ella, labas na.", nakangiting sabi ni Angelica.

"Nanay, sigurado ka ba? Mas matapang ka sa'kin eh.", sabi ko sa kanya.

"Ella, alam mo namang lahat sila ay pumapatay na ngayon diba? So ako, kaya ko ring gawin 'yun. Ngayon, hinahayaan kitang tumakas dahil baka ikaw ang una kong mapatay.", sabi ni Angelica.

Sa takot at kaba ko, mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto. Nagsusumigaw ako dito sa hallway dahil madilim, at natatakot ako.

"Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako! Waaaaaahhhhh!", hanggang sa may humila sa buhok ko. "Aray ko! Ouch. Sino ka ba?!", tanong ko at hinila ako sa gilid nito tapos biglang bumukas ang ilaw.

"Long time no see Ella.", nakangiting sabi ni Angela. Oh no! Mamamatay na ko.

"Angela, please. Nagmamakaawa ako sa'yo itigil mo na 'to.", umiiyak kong sabi.

"Nagmamakaawa ka?! B*llsh*t Ella, nung ako ba nagmamakaawa sa inyo noon, tinigilan niyo ba ko? Hindi! Ngayon sino ka para hingin sa'kin yan?", galit na galit na sabi ni Angela.

"Yun ba? Yun ba ang dahilan kung bakit mo ginagawa sa'min ito? Edi Sorry!", sigaw ko sa kaniya.

"Sana nga ganun kadaling magpatawad Ella. Yung pag sinabi mong sorry, mawawala lahat ng sakit. Lahat ng pait, pero hindi Ella eh. Hindi niya nabawasan yung sakit na naramdaman ko.", naluluhang sabi ni Angela. "Kaya ngayon, wala na akong ibang hangarin kundi mapatay kayo at maghiganti sa lahat ng ginawa ninyo sa akin!", sigaw niya at pinukpok niya ang ulo ko ng baril.

Napadapa ako at pinilit tumayo. Ika-ika akong naglakad palayo pero mas mabilis si Angela, binaril niya ang hita ko pati ang likod para masigurong hindi ako makakalayo. Lumapit siya sa'kin at pinagsisipa ako. Sa ngayon, ang tanging pwede ko na lang gawin ay magdasal para sa buhay ko.

"Hahahaha! Masarap ba Ella, masarap bang masaktan?!", sigaw ni Angela habang tumatawa at sinisipa ako sa tiyan, sa mukha, at kung saan man.

"Angela, tigilan mo na muna 'yan! May mga nagpapatayan na dun, magpahinga na muna tayo.", malabo ang nakikita ko pero alam kong boses ni Jom yun. "Hayaan mo na si Ella dyan, mamamatay na din naman yan.", sabi ni Jom. Ito ba? Ito ba ang kahihinatnan ng ilang taong pagsasamahan namin? Basta sana kahit bago ako mamatay, may matulungan ako.

Maya-maya, nakita kong tumatakbo si Zhy at rinig ko ang sigaw niya, hinahabol siya ni Mot na hawak na kutsilyo. Ililigtas ko si Zhy, hinawakan ko ang paa ni Mot kaya nadapa siya at nakatakbo ng malayo si Zhy.

"Anong ginagawa mo?! Bitawan mo ko!", sabi ni Timothy habang pilit na inaalis ang kamay ko sa paa niya.

"Wala kang kwenta! Malapit ka na ngang mamatay nanakit ka pa!", sabi ko sabay sinaksak ko ang kamay niya.

Sinaksak ni Mot ang kamay ko na nakahawak sa paa niya.

"Ang sakit! Bakit mo ginagawa ngayon 'to. Akala ko ba mahal mo ang Ravens?", sabi ko sa kanya.

"Ella... Wag ako. Hindi lang ako ang pumapatay dito ngayon.", sagot niya.

"Wag mo na silang gayahin!", sigaw ko.

"Ella, nasaan yung iba mong kasama kanina? Ililigtas kita kapag sinabi mo kung nasaan sila.", madiin na sabi ni Mot.

"Ayoko. Patayin mo nalang ako tutal mamamatay din naman ako eh. Hindi ko sasabihin sa kahit sino!", umiiyak na sigaw ko.

"Your wish is my command.", nakakatakot na sabi ni Mot hanggang sa tinusok niya ng kutsilyo ang gitna ng noo ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

***

ANGELA'S POV

"Angela, bakit ba ayaw mo pang itigil ito? Wala na ba talagang paraan para mapatawad mo sila?", sabi ni Jom.

"Meron naman. Kapag patay na silang lahat.", sagot ko.

"Angela...."

"Alam mo ang pinagdaanan ko Jom! Alam mo lahat kung bakit ko ginagawa 'to. Kaya hinding hindi ako titigil. Hindi!", naalala ko nanaman ang lahat.

________________

Next Chapter: Past

4D26S3KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon