Ines' POV
"Are you sure hindi na kita ihahatid pauwi?"
Kasalukuyan kaming naglalakad palabas sa restaurant at kanina niya pa ako paulit-ulit na tinatanong tungkol sa paghatid sa akin pauwi.
Pagkalabas na pagkalabas namin sa restaurant ay natanaw ko na kaagad ang aking kotse at ang driver kong nakatayo sa labas nito.
Humarap ako kay Detective Geometry at humalukipkip. "Kaya ko ang sarili ko, hindi na ako bata."
Agad na akong tumalikod at hindi pa man din ako nakahahakbang ay nagpintig na ang aking tainga sa kaniyang naging tugon sa sinabi.
"Oh, akala ko pa naman baby kita," nang-aasar niyang biro sa akin. Bakas sa boses niya na gusto niya lang akong asarin kaya niya sinabi ang bagay na 'yon, at hindi naman siya nagkamali dahil naasar niya talaga ako. Pakiradam ko nga ay na-high blood na ako, eh.
Nnagigigil ko siyang hinarap at doon ko nakumpirma na tama nga ang hinala ko. Halatang pigil na pigil ang kaniyang pagtawa at halata ring natutuwa siya sa ginagawa niyang pang-aasar sa akin.
"Can you stop?! Hindi ako natutuwa sa'yo." Pinandilatan ko pa siya ngunit imbes na matakot ay kumawala na ang kaniyang tawa.
Kainis! Bakit ba ayaw niya akong seryosohin?!
Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi upang pigilan ang kaniyang tawa. "Ayaw kong paniwalaan na ikaw ang babaeng nakausap ko sa bar last time. Para kasing kakaiba ka ngayon."
Ganoon din naman ang nararamdaman ko ngayon. Parang hindi nga siya 'yong detective na nakikita ko sa mga video at article. Ang Detective Geometry kasi na nakikita ko sa internet ay seryoso, pero itong nasa harap ko ngayon? What the heck is this?
Tinalikuran ko na siya pero nakaiisang hakbang pa lamang ako ay hinawakan niya na ang aking palapulsuhan.
Kunot noo naman akong napalingon sa kaniya. "What do you want this time?"
"Your number." Binitawan niya na ang aking palapulsuhan at inilabas niya ang cell phone niya mula sa kaniyang bulsa. Iniabot niya iyon sa akin at agad naman akong umiling.
"Wala akong number," pagsisinungaling ko.
Tumaas ang isa niyang kilay. "Puwede ba 'yon? Kung ayaw mong ibigay sa akin ang number mo, ibigay mo na lang sa akin ang pangalan mo sa dummy account mo."
Nangunot lalo ang aking noo. "Dummy account? Mukha ba akong may dummy account?"
"May mga dummy account ang mga kilalang personalidad online. Dummy account or personal secret account, whatever man ang tawag sa account na 'yon." Muli niyang iniabot sa akin ang cell phone niya. "Sige na, para ma-contact kita."
"Wala akong ganoon at sira ang phone ko ngayon. If you want to contact me, then contact my manager."
Tinalukuran ko na siya at naglakad papalayo.
I feel very strange around him. Pakiramdam ko talaga ay may hidden agenda siya.
· • -- ٠ ✤ ٠ -- • ·
February 05, 2024, 1:02 AM.
Halos sumabog na sa rami ng mga tawag at notification ang bago kong bili na cell phone.
Na-unblock na ang mga card ko at nakabili na rin ako ng bagong cell phone. May iba pa naman talaga akong cell phone bukod sa nabasag na isa, kaya lang ay trip ko lang din na bumili ng bago.
Sinira ko na ang sim card ng cell phone na 'yon para naman hindi ako maistorbo ng pamilya ko. It will take them some time para malaman ang bago kong number kaya magiging mapayapa ako kahit na papaano.
BINABASA MO ANG
Loving Nemesis
RomanceA social media influencer and a socialite raised with a golden spoon, who would have thought that Ines Victoria Santillanes was the notorious jewel thief? Her robberies were the talk of the town, and no one could even catch her, not even the well-kn...
