Chapter 32: Apology

63 0 0
                                    

Nemesis' POV

Nagpaalam sa akin si Ines na pupunta lang daw siya sa restroom, pero lagpas sampung minuto na siyang wala at nagsisimula na akong mag-alala.

Nilingon ko si Chloe. "Matagal ba talaga kayong magbanyo?"

Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Ha?" naguguluhan niyang wika bago uminom ng champagne mula sa hawak niyang champagne glass.

"Ang tagal ni Ines. Kanina pa siya nagpaalam na magbabanyo. Nag-aalala na ako."

Mas lalong tumaas ang kilay ni Chloe. "Malay mo naman nagna-number two siya."

Nangunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. "Number two?"

"Tumatae! Ikaw naman, Kuya, slow mo." Inirapan niya pa ako. "Babalik din 'yon. Masyado ka namang praning."

Tumango na lamang ako.

Baka nga masyado lang akong nag-aalala. Sino ba naman kasi ang hindi mag-aalala? Ayon kay Dad hindi raw sumasagot sa tawag si Vinz. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa o mag-alala dahil wala siya rito ngayon. Kung nandito kasi siya ay mababantayan ko ang bawat kilos niya. Hindi tulad ngayon na napakatahimik niya at ayaw na namang magpa-contact sa amin.

Malaki ang naging kamalian at pagkukulang ni Dad kay Vinz, at alam kong ang lahat ng 'yon ang nagtulak sa kaniya para maging kung sino at ano siya ngayon. Hindi ko sinasabing tama ang mga ginagawa niya ngayon, at mas lalong hindi ko sinasabi na katanggap-tanggap ang mga ginagawa niya ngayon dahil naligaw siya ng landas dulot ng mga kamalian at pagkukulang ni Dad sa kaniya.

Alam kong mali si Vinz sa kahit na anong anggulo, at alam kong dapat niyang pagbayaran ang lahat ng mga ginawa at ginagawa niya. Sa kabilang banda naman ay nakararamdam ako ng awa para sa kaniya. Napapaisip din ako kung magkakaroon ng pagkakaiba ang mga nangyayari sa kaniya ngayon kung nabigyan lang siya ni Dad ng tamang gabay at pansin, lalo na ng pagmamahal na ni minsan ay hindi niya naramdaman kay Dad.

Naghiwalay sina Dad at ang biological mom ni Vinz bago pa siya ipanganak. Dito siya sa Pilipinas ipinanganak dahil kaagad na nakahanap ng bago ang kaniyang nanay. Limang taon pa lang si Vinz nang mamatay ang nanay niya. Ayon sa mga narinig ko noon ay ayaw raw siyang alagaan ng naging step-dad niya, kaya naman ibinalik siya sa France, kung saan nandoon si Dad.

Noong nakasama ni Vinz si Dad ay buntis na si Mom kay Aiden kaya naman hindi siya masyadong napagtuunan ng pansin ni Dad. Sunod akong ipinanganak at panghuli si Cole. Pansin ko noon pa man na hindi pabor si Dad kay Vinz, ngunit ganoon pa man ay pilit na ipinaparamdam sa kaniya ni Aiden na parte pa rin siya ng pamilya namin kahit na magkaiba kami ni nanay.

We tried to make him feel at home, especially Aiden, but his heart was already hard at a very young age. He despised us so much that he cut us off when he graduated from college, changed his surname to his mother's, and before he left, he threatened to make our lives a living hell.

Huli na ang lahat nang mapagtanto ni Dad ang mga kamalian at pagkukulang niya kay Vinz.

Everything's too late.

Muli akong napatingin sa aking relo. Hindi ko namalayan na higit thirty minutes na palang hindi bumabalik si Ines. Masyado akong nadala ng mga iniisip ko, pati na rin ng mga taong nasa paligid ko na panay ang tanong at kausap sa akin.

I excused myself from the group of gentlemen that I was currently talking to and walked in the direction of Chloe. She's currently talking with other girls, who I assume were her friends because I saw them with her before.

Bahagya kong binangga si Chloe sa balikat dahilan upang mapalingon siya sa akin.

Tumaas ang kaniyang kilay kaya naman tinaasan ko rin siya ng kilay.

Loving NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon