Ines' POV
Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Pagod na ang aking mga mata sa pag-iyak. Akala ko nga kanina ay papatayin na ako ni Vinz pagkatapos kong tawagan si Nemesis. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa na hindi niya pa ako pinatay, o kung dapat ba akong matakot dahil paniguradong may ibang bagay na tumatakbo sa isipan ni Vinz.
Nagising ako sa malakas na pagbukas ng pinto. Sunod-sunod na pumasok ang mga tauhan ni Vinz at laking gulat ko nang kalagan nila kami ni Aiden.
Mas lalo tuloy nakakakaba dahil hindi ko na alam kung ano na ang mga susunod na mangyayari.
"He's quick, huh?" Vinz said as he leaned on the door frame. He's directly looking into my eyes, and I can see what he's talking about. "I told him to go alone. What a hard-headed man he is."
Napatingin ako sa aking gilid nang tumunog ang kadena na tinanggal sa aking katawan.
Nangunot ang aking noo sa pagtataka nang tanggalin ng isa sa mga tauhan niya ang posas sa aking paa. Hindi ko tuloy alam kung papalayain niya na kami o papatayin na talaga.
Muli akong tumingin kay Vinz at isang nakalolokong ngiti lamang ang kaniyang ibinigay sa akin bago siya tumalikod at naglakad papalayo.
"Dalhin n'yo sila sa taas," utos niya.
Marahas akong hinawakan sa magkabilang braso ng kaniyang dalawang tauhan. Pilit nila akong pinatayo, bagay na nahirapan akong gawin dahil nanlalambot na ang aking mga binti.
Napalingon ako sa aking likod at nakita kong hawak din ng dalawang lalaki si Aiden. Ngayon ko lang din nakita ang mukha ni Aiden at kaagad akong naawa sa kalagayan niya. Puno ng mga sugat ang kaniyang mukha. Puro din dugo ang suot niyang puting polo at halos hindi na rin siya makatayo tulad ko.
Nagtagpo ang aming mga mata at binigyan niya ako ng isang payak na ngiti. Masyado talagang masayahin si Aiden dahil nagagawa niya pa akong bigyan ng isang ngiti sa kabila ng kalagayan namin ngayon.
Pansin ko na magkahawig sila ni Nemesis, ang pinagkaiba nga lang nila ay kulay tsokolate ang kaniyang mga mata, at isa pa ay mukhang palangiti na tao si Aiden kaysa kay Nemesis.
"Lakad!" Marahas akong hinatak ng lalaking nakahawak sa aking kanang braso.
Ibinalik ko naman sa harapan ang aking tingin at pilit akong humahakbang sa kabila ng panlalata na aking nararamdaman.
Hirap akong lumakad dahil masakit ang aking paa. Masyado yatang napahigpit ang pagkakalagay nila ng posas sa paa ko. Hindi pa rin ako nakakakain kaya nagpadagdag ito sa panlalatang aking nararamdaman. Dumagdag din ang suot kong damit sa pagpapahirap sa akin sa paglalakad.
Nang makalabas kami sa kuwarto ay dinala kami ng mga tao ni Vinz patungo sa dulo ng pasilyo. Nandoon si Vinz at nakatayo sa labas ng elevator. Nang makita niyang malapit na kami ay pinindot niya ang up button.
Sumakay kami sa loob ng elevator na 'yon ay nakita ko ang pagpindot ni Vinz sa button na may numerong thirty.
Nakita ko rin ang pag-flash ng floor kung saan kami nanggaling at doon ko lamang napagtanto na nasa basement pala kami ng isang malaking building.
Napatingin ako kay Vinz nang bigla siyang tumawa. May pinindot siya sa telepono bago niya ito itinapat sa kaniyang tainga. "I guess you now know kung saan kami papunta."
'Yon lamang ang sinabi niya at kaagad niya na ring ibinaba ang kaniyang telepono.
Tumingin siya sa akin kasabay ng kaniyang pagngisi. "Let's make a bet, Victoria." Iniabot niya sa kaniyang tauhan ang cellphone bago niya ipinamulsa ang kaniyang dalawang kamay. "If Nemesis wins against me, then all of you are free to go." Nagpalipat-lipat ang kaniyang tingin sa akin at kay Aiden. "But if I win against him, all of you will live the rest of your lives like hell."
BINABASA MO ANG
Loving Nemesis
RomantiekA social media influencer and a socialite raised with a golden spoon, who would have thought that Ines Victoria Santillanes was the notorious jewel thief? Her robberies were the talk of the town, and no one could even catch her, not even the well-kn...
