Ines' POV
It was supposed to be a two-month vacation in Paris, but I don't want to go back anymore.
"Ines, darling, come here. I'm going to give you something." It was Grand-mère. Nemesis' grandma. She's living alone in their mansion in Paris, where Nemesis and I are currently staying.
I was in the garden, drinking tea while looking at the flowers she had grown, when she walked in and called me.
I smiled at her as I stood up. "You've been giving me a lot of gifts, Grand-mère." I slowly walked towards her and held her hand. "I'm afraid nothing will be left for you."
She laughed with grace. She's the most sophisticated woman I've ever met. "I don't mind giving you everything I have, darling." The wind blew, and she tucked in the strands of hair that were covering my face. "You deserve everything." She then gave me a meaningful smile, and I eventually knew what she was about to say. "You can think of this as me bribing you. You know, I really want to have great-grandchildren."
I chuckled. Sabi ko na nga ba. "Grand-mère, you know it's hard to bear children."
She shook her head. "You and Matt are still young. All I'm asking is for you to give me great-grandchildren before I die."
My smile dropped. "You'll live a long life. Don't think about dying, Grand-mère."
She smiled. "I'm not thinking about death. I know I'll live a long life. I just want to make sure you guys will give me what I want." She held my hands, and she gently caressed both of them. "Ah, silly me, why am I putting the pressure on you? It's Matt who I should pressure. He's always out and busy. How could you have some time to work on the thing that I'm asking for?"
Hindi ko napigilang matawa nang dahil sa kaniyang sinabi.
Totoo naman kasi ang sinabi niya dahil parang ako nga lang yata ang nagbabakasyon dito. Si Nemesis kasi ay busy sa pagtulong kay Aiden na i-manage ang negosyo nila rito sa France. Hindi ko nga alam kung wala na bang ibang alam na gawin si Nemesis kundi ang magtrabaho.
"Let's go, darling. I'm so excited to give them to you!"
Hindi na ako nakaimik at hinayaan ko na lamang siya na dalhin ako papunta sa kaniyang kuwarto.
Nanlaki ang aking mga mata nang malaman kong ang mga tinatago niya palang alahas ang ibibigay niya sa akin.
Tatanggi pa sana ako, pero mukhang sa maikling panahon na magkasama kami ay kilalang-kilala niya na ako.
Pilit niyang ibinigay sa akin ang mga alahas niya na sigurado akong milyon-milyon ang halaga.
"I've been waiting for so many years to pass this down to a woman who will join our family," she said as she gave me a jewelry box containing most of her jewelry. "I'm glad that I finally found the woman who will have these."
· • -- ٠ ✤ ٠ -- • ·
Panay ang bigay sa akin ni Grand-mère ng mga alahas niya. Noong una ay todo pa ang tanggap ko, ngunit noong napansin kong padalas na nang padalas ang pagbigay niya sa akin ng mga alahas ay tinatanggihan ko na ang mga iyon. Tinatanggap ko na lang ang lahat dahil alam kong magagalit siya kapag hindi ko tinggap.
Madalas ay galing mismo sa koleksyon niya ang mga binibigay niya sa akin, pero minsan naman ay bagong bili talaga.
Hindi ko alam kung bakit niya talaga 'to ginagawa. Ang lagi niyang sinasabi sa akin ay kaya raw niya ako binibigyan ng mga ganoong bagay dahil gustong-gusto niya raw ako. Natutuwa raw siya na naging parte ako ng pamilya nila.
Masaya ako sa pananatili ko rito. Nakakakuwentuhan ko kasi si Grand-mère patungkol sa mga bagay na hindi naman maiintindihan ni Nemesis. Palagi rin kaming nagbo-bonding ni Grand-mère at masaya ako dahil nakikita kong masaya siya sa akin at sa mga ginagawa namin.
BINABASA MO ANG
Loving Nemesis
RomantikA social media influencer and a socialite raised with a golden spoon, who would have thought that Ines Victoria Santillanes was the notorious jewel thief? Her robberies were the talk of the town, and no one could even catch her, not even the well-kn...
