Ines' POV
"T*rantado ka!" Inis na inis kong inihampas kay Nemesis ang unan na nadampot ko.
Hindi niya ito nailagan kaya naman tumama ito sa kaniyang mukha. Kahit na malakas ang pagkakahampas ko ay nagawa niya pa talagang tumawa.
"Umiyak ako para lang sa wala? Nag-alala lang ako para sa wala? Ano? Ginagawa mo na akong katatawanan lang ngayon?!" Muli ko siyang hinampas ng unan ngunit sa pagkakataong ito ay nakaiwas na siya.
"I just wanted to know what you were thinking about the situation. I'm glad to know that you're worried about me." I heard him chuckle as he placed the pillow on his side.
Hindi ako mapaniwala na nagdrama at nag-alala ako para sa wala. Mas lalong hindi ko rin inakala ang mga nangyari habang tulog ako.
Umamin na raw si Blaine sa pagpatay niya sa kaniyang girlfriend. Napansin daw nila na parang wala na ito sa tamang pag-iisip kaya naman pinatingnan nila ito at nakumpirma ngang unti-unti na siyang nasisiraan ng bait.
Gusto raw sanang palabasin ni Blaine na may nagnakaw sa bahay ng girlfriend niya at pinatay ito, pero natagpuan naman sa trunk ng kotse niya ang mga nawawalang gamit ng kaniyang girlfriend, pati na rin daw ang kutsilyong ginamit nito sa pagpatay.
Nabuksan daw nila ang cellphone ni Karyle na siyang girlfriend ni Blaine gamit ang facial recognition. Doon nila natagpuan ang usapan nila ni Blaine sa text. Kinukulit daw ni Karyle si Blaine na tigilan na si Vinzcent at ayusin ang buhay niya. Tinanong nila si Blaine tungkol sa mga nakitang mensahe at dito inamin ni Blaine na nagawa niyang patayin ang girlfriend niya dahil nag-away sila. Pinipilit daw kasi siya nito na putulin na ang ugnayan kay Vinz at tigilan ang mga hindi tamang gawain.
May kaugnayan sina Blaine at Vinzcent. Dito na rin nagsimulang maging kumplikado ang lahat.
"So you mean nakilala mo ang handwriting ni Blaine mula sa nakasulat sa sticky note na nakita natin sa loob ng envelope na hinahanap ni Vinzcent?" paglilinaw ko kay Nemesis. Hanggang ngayon kasi ay hindi maiproseso ng aking utak ang lahat ng mga nangyayari.
Tumango naman siya at sumerysoso ang kaniyang mukha. "Yeah. at 'yong search warrant na nakalagay sa loob ng envelope ay xerox copy ng tunay na search warrant na misteryosong inatras. At ang mga picture na nasa loob ng envelope ay si Vinzcent kasama ang kaniyang mga kasosyo sa mga illegal na negosyo."
Hindi ako makapaniwala na maski ang illegal na mga gawain ay pinasok na rin pala ni Vinzcent. Ayon kay Nemesis, ilang beses na raw nagkaroon ng pag-iimbestiga patungkol sa mga illegal na gawain kung saan sangkot si Vinzcent. Hawak daw ni Blaine ang pag-iimbestiga kasama ang ilan pang mga pulis. Mayroon na raw naging search warrant para sa isang pinaghihinalaang tagong lugar kung saan nangyayari ang mga illegal na gawain at transaksyon, pero hindi raw natuloy ang paghahalughog at nakatakas ang mga dapat na hulihin. Pinaghihinalaan nila na pinagtatakpan nina Blaine at ng mga kasama niyang pulis ang mga illegal na gawain kung saan kasama si Vinzcent, pero wala raw umaamin sa kanila kahit na halata naman na ang mga nangyayari.
Ipinakita raw ni Nemesis ang mga laman ng envelope kay Blaine, at umamin naman daw ito na galing ito sa kaniya. Ginawa niya raw 'yon at ipinadala kay Vinz para i-blackmail ito.
"Inamin niyang may ugnayan sila pero ayaw niyang aminin na pinagtatakpan niya ang mga ginagawa ni Vinzcent?" natatawa kong wika. "Sira na nga ang ulo niya."
Muling tumango si Nemesis.
"Pero ano ang eksaktong ugnayan nila ni Vinz? I mean, halata namang pinagtatakpan nila si Vinz. Pero bakit? Tingin mo ba ay kasama rin si Blaine sa mga illegal na gawain?" sunod-sunod kong tanong.
BINABASA MO ANG
Loving Nemesis
RomansaA social media influencer and a socialite raised with a golden spoon, who would have thought that Ines Victoria Santillanes was the notorious jewel thief? Her robberies were the talk of the town, and no one could even catch her, not even the well-kn...
