Ines' POV
"Wait what?! Blaine's girlfriend was found dead in their house?!" I asked, shocked and confused.
Hindi pa nga ako nakaka-move on sa mga nakita kong laman ng envelope tapos biglang may ganito na naman? Feeling ko talaga pinaglalaruan lang kami ng mga nangyayari ngayon.
"Yeah," Nemesis answered. His eyes remained on the road as he removed the disposable nitrile gloves from his hands and put them aside. "Keep those, Ines. Don't let other people see those, or worse, have those." He pointed to the envelope that I was currently holding.
Bago kami umalis sa unit ni Aiden kanina ay pinasadahan ni Nemesis ng tingin ang mga laman ng envelope at hindi maipinta ang naging reaksyon niya.
"Okay," I answered as I kept the envelope inside the glove compartment of the car.
"I'm sure Blaine's there, too. Be careful with that b*stard." He looked at me, and his words sounded like a warning.
Noon pa man din ay masama na ang kutob ko sa Blaine na 'yon.
Nothing and no one can make me like him. Ni hindi ko nga inakala na may girlfriend pala siya. Such a flirty and sh*tty b*stard.
"Do they live together? I mean, Blaine and his girlfriend?"
Umiling naman si Nemesis. "They're not living together. Nakatira ang girlfriend ni Blaine sa bahay ng mga magulang niya. Base sa sinabi sa akin ni Abigail kanina, out of town daw ang parents ng girlfriend ni Blaine, at maski ang mga kapitbahay nila ay may kaniya-kaniyang mga lakad sa araw na ito."
Nangunot ang aking noo at may mga mahahalagang katanungan na sumulpot sa aking isipan. "Kung wala ang parents niya at wala rin ang mga kapitbahay nila, then sino ang nag-report? I mean sino ang nakakita na patay na siya? Matagal na ba siyang patay?"
Muling umiling si Nemesis. "According to Abigail, the corpse was still fresh, meaning she was killed a few hours ago. And it was Blaine who reported and saw the corpse of his girlfriend. Sabi niya ay binisita niya raw ang girlfriend niya pero nagtaka raw siya kung bakit walang sumasagot sa loob ng bahay. He barged in, and there he found his girlfriend, lying on the floor with a pool of blood. Sinubukan na rin daw nilang i-check ang mga CCTV sa bahay pero wala silang nakita dahil nasira daw ito bigla kaninang umaga. 'Yan ang mga sinabi sa akin kanina ni Abigail."
Mas lalong nadagdagan ang mga katanungan sa aking isipan. Hindi ko rin maiwasan na pagdudahan si Blaine sa nangyari.
Binisita lang niya ang girlfriend niya tapos nakita niya patay na? Tapos siya pa ang nag-report? Tapos nasira pa 'yong CCTV? Cliché.
Base sa sinabi ni Nemesis noong nakaraan ay magaling sa mga bagay na may koneksyon sa pangha-hack. Hindi na talaga ako magugulat kung siya ang suspect sa likod ng pagkamatay ng girlfriend niya.
"Sino sa tingin mo ang pumatay?" may kuryosidad kong tanong kay Nemesis.
Nagkibit-balikat naman siya. "Hindi ko pa alam. Hindi pa namin alam, kaya aalamin namin ngayon. We can't jump to conclusions, Ines," seryoso niyang sagot.
Napatango naman ako sa kaniyang sagot.
Tama naman siya, pero hindi ko lang talaga maiwasan na pagdudahan ngayon si Blaine at makaramdam ng kakaibang kutob mula sa kaniya.
Alam kong medyo bias ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil hate na hate ko siya, pero kakaiba talaga ang kutob ko sa lalaking 'yon.
"Do you remember what I told you before?" tanong ko kay Nemesis kasabay ng pagtingin ko sa kaniya.
Napalingon naman siya sa akin at bahagyang naningkit ang kaniyang mga mata. "Which one?"
"That sometimes it's the criminal that reports the crime first."
BINABASA MO ANG
Loving Nemesis
Roman d'amourA social media influencer and a socialite raised with a golden spoon, who would have thought that Ines Victoria Santillanes was the notorious jewel thief? Her robberies were the talk of the town, and no one could even catch her, not even the well-kn...
