Chapter 12: Stalker

375 6 0
                                        


Ines' POV

My life is back to normal.

Uma-attend na ulit ako sa mga social gatherings, active na ako sa social media, at maayos ko na ring naaasikaso ang Vanders. Ang lahat ng ito ay nagagawa ko dahil palagi namang wala si Nemesis.

It's actually a good thing na palagi siyang wala dahil malaya kong nagagawa ang mga dapat at gusto kong gawin.

Karamihan din sa fans naming dalawa ay suportado ang pagppapakasal namin. Sadyang hindi lang talaga maiiwasan ang bashers, lalo na ang mga taong maraming say sa buhay ng iba.

Well, wala naman na akong magagawa sa mga sinasabi nila. Basta ang mahalaga lang sa akin ay marami pa rin ang sumusuporta sa akin.

Let them hate if they want to.

Napasandal ako sa leather seat ng sasakyan kasabay ng pagpikit ko sa aking mga mata.

Hating gabi na at nagpaalam naman ako kay Nemesis na late na akong uuwi dahil may event akong pupuntahan.

Wala akong pake kung wala siyang pake, basta nagpaalam lang ako para hindi niya na ako ulit pag-lock-an ng gate.

Lantang gulay na talaga ako sa sunod-sunod na events na pinuntahan ko nitong mga nakararaang linggo.

Masyadong nakakapagod lalo na't marami rin akong inaasikaso ngayon, pero wala naman akong magagawa dahil ito ang buhay na ginusto ko.

Sa lahat ng pinuntahan kong events, palaging nasisingit sa usapan ang tungkol kay Nemesis lalo na ang tungkol sa relasyon naming dalawa.

Mabuti na nga lang at magaling akong um-acting at magsinungaling, kaya naman effortless kong nasasagot ang mga tanong nila.

Hindi rin maiiwasan na may magtanong sa akin tungkol kay Julia. Lumabas na kasi sa balita na peke ang mga alahas na naibenta nila sa kanilang mga customer. Medyo wala na nga lang ang excitement noong nakita ko ang balita na 'yon online.

Ilang linggo ko na kasing inaabangan 'yon tapos noong isang araw lang lumabas. Nakatatawa rin dahil halatang hindi chine-check ni Julia ang mga alahas na binebenta niya dahil ilang linggo na ang nakalipas matapos kong palitan ng pekeng alahas ang mga alahas na 'yon.

She's really stupid.

Kapag tinatanong din ako ng mga tao lalo na ng media tungkol sa nangyari na 'yon ay sinasabi ko na lang na dapat na imbestigahan ang nangyari.

Hindi ko naman puwedeng sabihin sa media na wala akong pake kay Julia dahil sa harap ng ibang tao ay matalik kaming magkaibigan.

Nakapapagod talagang umarte palagi. Mas bagay nga yata sa akin ang maging artista, eh. Pumasok na kaya ako sa showbiz?

Napamulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang paghinto ng sinasakyan kong kotse.

Hindi ko namalayan na nakahinto na pala ito sa tapat ng main door ng bahay ni Nemesis.

Bumaba ang aking driver at pinagbuksan ako ng pinto.

Nanlalata naman akong bumaba at pumasok na sa loob ng bahay.

Kulang na lang yata ay bumagsak na ang mga talukap ko sa sobrang antok at pagod ko ngayon. Kung puwede nga lang ay matutulog ako ng tatlong araw, kaya lang ay may lakad pa ako bukas at puno rin ang schedule ko ngayong linggo kaya halos hindi ako makakapagpahinga.

"Did you have fun?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa sala.

Dim lights na lang ang bukas kaya naman may kadiliman pa rin ang paligid. Paglingon ko sa aking gilid ay nakita ko sa Nemesis na nakaupo sa sofa habang may nakapatong na laptop sa kaniyang mga hita. Seryoso ang tingin niya roon, at base sa nakikita kong repleksyon nito sa kaniyang salamin ay mukhang nagbabasa siya ng isang dokumento.

Loving NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon