Chapter 26: Secrets

339 10 2
                                        

Ines' POV

"M-Miss Ines, I'll cover these up p-po, ah?" nahihiya at nauutal na wika ng makeup artist na kasalukuyang nag-aayos sa akin.

Napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin na nasa harapan ko at tiningnan ko ang tinutukoy niya.

Hindi ko naiwasang makaramdam ng hiya at nakita ko pa ang bahagyang pamumula ng aking mukha bago ko iyuko ang aking ulo nang makita ko kung ano ang kaniyang tinutukoy na tatakpan niya raw.

Kainis ka talaga, Nemesis!

"G-Go ahead," nahihiya kong sagot.

Mas lalo pa akong nakaramdam ng kahihiyan nang makita ko ang mga nakalolokong ngiti ng mga taong nag-aayos sa akin. Parang gusto ko namang manapak nang makita kong maski si Lily ay nakaloloko na ring nakangiti at nakatingin sa akin.

Alam ko na ang mga nasa isipan nila at mas naiinis ako!

I covered up all the hickeys on my neck with a concealer earlier. Kaya lang, hindi ko naman inasahan na magsusuot lang pala ako ng tube para sa photoshoot na ito kaya hindi ko tuloy natakpan ang iba na nasa ilalim na ng leeg ko.

Napakagat ako sa aking ibabang labi habang pinagmamasdan ko sa salamin ang pag-aayos sa akin ng makeup artist.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng magkahalong lungkot at sakit habang inaalala ang lahat ng mga nangyari kagabi. Hindi ko kasi talaga inakala na sa isang iglap lang ay babalik na naman kami ni Nemesis mula sa simula.

Masakit para sa akin dahil hindi niya ako kayang harapin at bigyan ng kasagutan at paliwanag ang mga katanungan ko pati na rin ang mga bagay na bumabagabag sa isipan ko.

Gusto ko rin talagang magalit at mainis sa kaniya dahil nagawa niyang magtago ng sikreto sa akin, habang alam niya ang lahat ng mga tinatago ko.

Alam kong hindi niya kasalanan na alam niya ang mga sikreto ko dahil ako naman ang nagkusa na magsabi sa kaniya ng mga iyon. Pakiramdam ko nga lang talaga ay unfair para sa akin na alam niya ang lahat ng tungkol sa akin at naging open ako sa kaniya para ipaalam ang mga bagay na mahirap para sa akin na ilabas at ipaalam sa iba, samantalang siya ay hindi niya ako kayang hayaan na sumilip man lang kahit kaunti sa mga bagay na tungkol sa kaniya.

Marami siyang alam tungkol sa akin at sa buhay ko, samantalang ako naman ay walang kaalam-alam tungkol sa kaniya at sa buhay niya. Ni hindi ko nga alam na kapatid niya pala si Chloe Martin na nakasama ko sa ballet noon, tapos nalaman ko pa kagabi na kapatid niya rin si Vinzcent Dupont na pinaka-hate ko sa balat ng lupa.

Hindi ko nga alam na ang lawak pala ng pamilya niya. Nagugulat na nga lang ako na mga kapatid niya pala ang mga taong nakilala ko noon. Ano? Sino pa kaya ang susunod niyang kapatid? Baka mayroon pa at kilala ko rin.

Speaking of kapatid at Vinzcent, I'm wondering kung bakit hindi sila magkaparehas ng apelyido. Step-brother niya rin kaya si Vinzcent? But it makes so much sense kung bakit noong una ay nakikita ko ang mga mata ni Vinzcent sa mga mata ni Nemesis sa tuwing hindi sinusuot ni Nemesis ang salamin niya.

"Miss Ines, smile ka naman sa camera, kanina ka pa nakabusangot diyan, paano natin ipo-post 'yang video mo?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pagbulong ni Lily sa aking gilid.

Nagising naman ako sa reyalidad at kaagad na nagpilit ng ngiti sa harap ng camera.

Muntik ko nang makalimutan na nagvi-video nga pala ako para sa a day in my life mini vlog ko.

"Sorry, pakisabi na lang sa editor na i-cut na lang 'yong mga parts na hindi ako nakangiti at hindi ako maayos. Salamat," bilin ko kay Lily bago muling nagpilit ng ngiti.

Loving NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon