Chapter 28: Envelope

271 1 0
                                        

Ines' POV

Nadagdagan lamang ng mga katanungan ang aking isipan nang mabasa ko ang mga text message mula kayna Vinz at Julia.

'Give me back the envelope.'

'Yan ang text message ni Vinz kay Aiden na tumatak sa aking isipan at nagbunga pa ng mga katanungan.

Base sa date ng text ay halos isang linggo na magmula noong ipinadala ito ni Vinz. Ang mga sumunod na text messages ay tungkol pa rin sa envelope, at ang mga sumunod pa rito ay death threats na para kayna Aiden at Chloe.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit iginigiit ni Vinz na may kinalaman si Chloe sa sinasabi niyang envelope.

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto.

"Ate? Dinner na tayo, nagluto na ako.'

Boses iyon ni Chloe na sinundan pa ng ilang mga pagkatok.

Tumayo naman ako sa kama at binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin si Chloe na nakangiti at may suot na apron.

"May ginagawa ka ba, Ate? Sorry sa istorbo, gusto lang sana kitang tawagin para kumain."

Sandali akong napatulala habang inaalala ang tungkol sa envelope na paulit-ulit na binabanggit ni Vinz sa mga text message niya kay Aiden.

"S-Sige, susunod na ako," sagot ko sa kaniya kasabay ng aking payak na pagngiti.

Tinanguan ako ni Chloe bago siya tumalikod sa akin at naglakad papalayo.

Bumalik muna ako sa loob ng kuwarto ni Nemesis at nagtungo sa banyo.

Naghilamos ako at marahang tinapik ang aking mukha.

Sa hindi ko malamang dahilan ay parang mas nabagabag ako ngayon lalo na dahil sa nabasa kong death threats ni Vinz kay Aiden na sarili niyang kapatid.

Vinz is a crazy person. Kaya niyang patayin si Aiden kung gugustuhin niya kahit na magkapatid pa sila.

Natatakot na rin ako ngayon para kay Aiden at mas dumoble ang pag-aalala na nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi ko na rin maiwasan na maisip na baka mamaya ay patay na talaga siya lalo na't higit isang linggo na siyang nawawala.

Pero kung pinatay man siya ni Vinz ano naman ang dahilan? Sigurado naman akong hindi si Julia ang dahilan dahil ni isang beses ay hindi nabanggit ni Vinz si Julia sa kaniyang mga text kay Aiden.

Dahil kaya roon sa envelope na sinasabi niya? Ano ba kasi ang laman ng envelope na 'yon?

· • -- ٠ ✤ ٠ -- • ·

Pagkarating ko sa dining room ay naghahain na ng pagkain si Chloe sa lamesa. Suot niya pa rin ang apron na nakita ko kanina at nakangiti pa rin siya na para bang wala siyang problema. Parang wala nga yata siyang hangover, eh.

"Nag-text sa akin si Kuya, pauwi na raw siya pero mauna na raw tayong kumain," wika niya kasabay ng kaniyang paghubad sa suot niyang apron. "Gusto mo pa ba siyang hintayin, Ate? Hindi pa naman ako nagugutom at kaya ko pa naman din maghintay. Hintayin na lang ba muna natin siya?"

Napalunok ako kasabay ng pagkagat ko sa aking ibabang labi.

Ayaw talagang mawala sa isipan ko ang tungkol sa lintek na envelope na 'yon.

"Chloe, I want you to be honest with me," seryoso kong wika dahilan upang mabura ang ngiti sa kaniyang labi.

"Sure. Ano 'yon. Ate? May problema ba? Is there something bothering you?" Maging ang tono niya ngayon ay seryoso na.

Loving NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon