Ines' POV
I woke up with a slight headache.
Dahan-dahan akong bumangon at nilibot ang aking paningin. Hindi ko na masyadong matandaan ang mga nangyari kagabi. Ngayon nga lang yata ako timaan ng alak nang ganito kalala.
"You're awake."
Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Nemesis na kapapasok lang sa loob ng kuwarto na may dalang tray ng pagkain.
"How are you feeling?" he calmly asked me.
Bahagya namang nangunot ang aking noo nang may maalala akong nangyari kagabi. Hindi ko nga lang alam kung totoo ba o panaginip ko lang ang pag-iyak at pagsabi ko kay Nemesis ng kung ano-ano.
"Kumain ka muna." Naupo siya sa aking tabi at inilapag ang dalang tray sa kama. "May lakad ka ba ngayon?"
Umiling naman ako bilang tugon.
Dumako ang aking mga mata sa laman ng tray na kaniyang dala.
May scrambled egg, dalawang french toast, isang bowl ng soup, at isang basong tubig. 'Yan ang mga nakalagay sa tray na kaniyang dala. Mukha mang masarap ang mga pagkaing nasa harap ko ay tila ba wala akong ganang kumain.
"Have some soup first," he said as he grabbed the bowl and a spoon.
Sumandok siya roon gamit ang kutsarang hawak niya at inihipan muna ito bago itinapat sa bibig ko.
Napatingin muna ako sa kaniya bago ko ibunuka ang aking bibig at isinubo ang kutsarang nakatapat sa aking bibig.
Bakit parang iba ang mood ngayon ni Nemesis? Bakit parang ang kalmado naman yata niya masyado. I mean, kalmado naman talaga siya palagi, kaya lang parang may kakaiba talaga sa kaniya ngayon. 'Yong mukha niya kasi ngayon ay para bang maganda ang gising niya ngayong umaga. Ano kaya ang nangyari?
"Are you feeling well?" tanong niya bago ako muling sinubuan.
Tumango naman ako. "Yeah, kaya ko naman kumain mag-isa. Ako na." Akma ko pa lamang na kukunin sa kaniya ang bowl at kutsara nang ilayo niya sa akin ang mga ito.
"I insist," tipid niyang sagot.
Ano bang mayroon sa kaniya ngayon? Bakit parang kakaiba talaga siya ngayong umaga? Dapat na ba akong matakot?
Don't tell me kaya siya ganiyan ay dahil may lason 'tong pinapakain niya sa akin?
"Bakit ba parang iba ang mood mo ngayon? Bakit parang ang gaan ng aura mo? May lason ba 'tong pinapakain mo sa akin? Magaan ba ang mood mo dahil alam mong mamamatay ako sa lason?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
Bahagya naman siyang natawa nang dahil sa aking sinabi.
"Bakit naman kita lalasunin?"
Nagkibit-balikat naman ako. "Malay ko. Baka mamaya–"
"Ano? Iniisip mo pa rin na kasabwat ako ni Vinz?" putol niya sa aking sinasabi. Kaagad na naglaho ang kaniyang ngiti ngunit hindi rin 'yon nagtagal at nagpilit siya ng isang ngiti.
Humigop siya ng sabaw mula sa bowl at kumagat sa french toast na nasa pinggan. Kumain din siya ng scramble egg at matapos niyang malunok ang lahat ay uminom siya ng tubig mula sa basong nasa tray.
"Sabay tayong mamamatay kung may lason man ang mga pagkain na 'to." Muli siyang nagpilit ng isang ngiti. "But do keep in mind that killing you never crossed my mind."
Hindi ako nakaimik at nanatili lamang akong nakatitig sa kaniyang mga mata.
Nakatatawa dahil kahit na wala siyang suot na salamin ngayon ay hindi na ako natatakot na makipagtitigan sa kaniya. Hindi ko alam kung kailan nagsimula na mawala sa aking isipan na ang mga mata niya ay kaparehas sa kapatid niya na sumira sa mga pangarap ko.
BINABASA MO ANG
Loving Nemesis
RomanceA social media influencer and a socialite raised with a golden spoon, who would have thought that Ines Victoria Santillanes was the notorious jewel thief? Her robberies were the talk of the town, and no one could even catch her, not even the well-kn...
