Ines' POV
"Mommy?"
Sunod-sunod ang paghikbi ng isang bata at kasabay rin no'n ay ang pagsikip ng aking dibdib.
"Daddy? Mommy? I'm scared."
A dark, empty, and humid room. I've been here before.
Gusto kong lapitan ang batang nanginginig sa isang sulok. Gusto ko siyang yakapin at sabihing magiging ayos din ang lahat at tutulungan ko siyang makaalis dito pero hindi ko magawa. Nakatayo lamang ako sa kabilang sulok ang pinapanood siyang magdusa.
Kahit na anong pilit kong gawin ay hindi ako makagalaw upang lapitan at tulungan siya. Wala na naman akong nagawa."I'm scared." I saw her shiver as tears fell down her white and rosy cheeks.
She's wearing a lavender dress with her white doll shoes. Her hair was tied into two pigtails with a lavender ribbon on both of them. I've seen this before.
"I'm tired and hungry." She cried as she hugged her knees.
Hindi ko maiwasang masaktan habang pinapanood ang pagdurusa ng isang inosenteng bata. Mas lalo akong nasasaktan dahil wala akong magawa para sa kaniya.
I saw her bite her lip as she stood up. She stood up despite her shaking legs.
Matapang. Palagi naman siyang matapang. Wala siyang ibang ginawa kundi ang maging matapang dahil kailangan niya at hindi dahil gusto niya.
She was always left with no choice but to be brave and strong because that was the only way she could survive.
Nakaaawa. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kaniya na hindi niya kailangang maging matapang palagi.
Kung sa iba ay magandang natututuhan ng isang bata ang ganitong bagay, para sa akin naman ay hindi ito nararapat, lalo na kung matututuhan ng isang bata na maging matapang dahil 'yon lang ang paraan para mabuhay siya sa magulong mundong mayroon siya.
Naglakad ang batang babae patungo sa pinto ng kuwarto. Malakas niya itong hinampas at paulit-ulit siyang sumigaw ng tulong.
Bumukas naman ang pinto, ngunit hindi nga lang ang tulong na inaasahan niya ang dumating.
Isang malaki at matipunong lalaki ang nagbukas ng pinto. Kaagad niyang mahigpit na hinawakan ang batang babae sa panga dahilan upang mas lalong lumakas ang pag-iyak nito.
"Ano ba 'yang mga magulang mo1 Ayaw pang ibigay sa amin ang pera!" bulyaw ng lalaki sa bata.
Hindi ko maiwasang masaktan kahit na hindi naman ako ang kausap at hinahawakan ng lalaking 'yon. Maski ako ay gusto ko na ring humagulgol dahil nadarama ko rin ang nararamdaman ng batang 'yon.
"Pakawalan n'yo na po ako," pagsusumamo ng bata.
"Hindi ka namin pakakawalan hangga't hindi namin nakukuha ang perang hinihingi namin!"
Nanlaki ang aking mga mata nang biglang itulak ng lalaki ang bata hanggang sa matumba at masubsob ito sa sahig.
Gusto kong tulungan ang bata na tumayo at mas lalong gusto ko siyang itakas mula sa lugar na ito pero wala pa rin akong magawa. Hindi pa rin ako makagalaw at para bang inilagay lang ako rito para panoorin siyang magdusa.
Bakit ba palagi na lang akong walang magawa?
"Ginagamit ka pa ng mga magulang mo para makuha ang simpatya ng mga tao at mapagtakpan ang mga ginawa nila1 Hayop talaga ang pamilya n'yo! Mga leche!" sigaw pa ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Loving Nemesis
RomantikA social media influencer and a socialite raised with a golden spoon, who would have thought that Ines Victoria Santillanes was the notorious jewel thief? Her robberies were the talk of the town, and no one could even catch her, not even the well-kn...