Chapter 30: Worried

36 2 0
                                    

Ines' POV

"Daddy," a little girl cried as she sat in the corner of a dark and empty room.

This place and memory again.

I remember being in this room. A room that has no window and was always covered by darkness. It was humid during the day and cold as the night breeze.

Gabi na kaya naman napapayakap na ang batang babae sa kaniyang sarili. Naririnig niya rin ang pagpatak ng ulan sa bubong ng bahay na kinaroroonan niya. Alam at ramdam ko kung gaano niya tinitiis ang kalagayan niya ngayon, lalo na't alam niyang mahaba ang gabi at siguradong lalamigin siya, lalo na kapag natulog siya mamaya sa malamig na simento.

I hate being here, and I hate recalling this memory. I know that this is a dream, and I hate it so much.

Hanggang ngayon ay paulit-ulit ko pa ring tinatanong ang sarili ko kung bakit umabot sa ganito. Kung bakit kailangang mapagdaanan ng isang inosenteng bata ang ganitong klaseng kalagayan.

Bakit nga ba sa dinamirami nang puwedeng ikulong sa kuwartong ito ay siya pa? Bakit siya pa ang kailangang magdusa? Bakit kailangan pa siyang madamay sa mga ganitong klaseng bagay? Bakit?

Naiinis ako dahil kahit sa panaginip ay hindi ako makagalaw at hindi ko matulungan ang batang nagdurusa at umiiyak sa sulok.

Umiiyak na naman siya. Magulo at marumi na ang kaniyang paboritong damit. Maging ang kaniyang buhok ay magulo na rin at natanggal na ang ribbon na nakakabit dito.

The sweet, innocent, and playful girl was now a mess.

Sabay kaming napatingin nang magbukas ang pinto. Iniluwa nito ang malaki at matipunong lalaki na siyang nagdala sa batang babae sa madilim at maliit na kuwarto. Siya rin ang naglayo sa bata mula sa pamilya nito.

"Oh! Pagkain mo! Hindi ka pa puwdeng mamatay hangga't hindi pa namin nakukuha ang pera!" Lumapit ito sa batang babae at pabalang na inilapag sa tapat nito ang isang pinggan ng pagkain.

Lumuluhang napatingin ang bata sa pinggan. Pritong hotdog at kanin ang laman nito. Kumakalam na ang kaniyang sikmura ngunit hindi siya kumakain ng ganoong pagkain. Nandidiri man ay alam niyang wala siyang ibang magagawa kundi kainin ito upang masolusyunan ang gutom na kaniyang nararamdaman.

"Kumain ka, ah!" Dinuro pa siya ng lalaki bago ito lumabas ng kuwarto.

Bago tuluyang isara ng lalaki ang pinto ay naaninag ng batang babae ang isang batang lalaki. Sumisilip ito mula sa labas at hindi niya mawari kung naaawa ba ito o natutuwa sa kalagayan niya.

Maging ako ay napatulala sa mukha ng batang lalaki, lalo na't ngayon ko lang napagtanto na may kamukha siya.

"I'm sure you clearly remember your childhood, Ines. I know what happened to you when you were a kid because I was there. I saw you suffering inside that dark and cold room. I was there. I saw everything."

Ah, now I'm sure who that kid is. It was Blaine. It was him when he was young.

Napasinghap ako sa malakas na pagsara ng pinto at 'yon din ang naging dahilan upang magising ako mula sa panaginip na 'yon.

Nagising ako na hinahabol ang aking hininga habang nanginginig ang aking buong katawan. Tila yata hindi ko rin tuluyang maibukas ang aking mga mata dahil sa bigat ng mga ito.

"Ines! Are you okay?!" natataranta at nag-aalalang wika ng isang lalaki.

Napalingon ako sa aking gilid at nakita ko si Nemesis.

Nakaupo siya sa aking tabi habang marahang hinahaplos ang aking noo. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha habang hinihintay niya akong sumagot.

"Yeah, binangungot lang ako," wika ko kasabay ng aking dahan-dahang pagtayo.

Loving NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon