CHAPTER 3

62.7K 774 100
                                    

CHAPTER 3

Warning: medyo SPG po siya pero kahit na gano'n, hindi pa rin dapat basahin ng mga bata, so kung hindi kapa 18 above, skip na, h'wag na makulit.



Nagising ako nang makarinig ng nag-uusap mula sa paligid ko, hindi ko alam kung nasaan ako ngayon dahil hindi ko pa masyadong naimulat ang mata ko.


Wala na rin ang kaninang sakit ng ulo ko, kinusot ko ang mata ko, I looked around and every corner of this room where I am now was almost full of white.



Hindi na ako nagulat at hindi ko na inabala pa ang sarili kong magtanong kung nasaan ako ngayon dahil halata naman sa damit ko na nasa hospital ako, obvious naman, eh! papahirapan ko pa ba yung sarili kong mag tanong?



Huminto ang tingin ko sa isang lalaking nakatayo at nakasandal sa pintuan, He was already wearing a white long-sleeved shirt that hugged his body, with the sleeves rolled up to his elbows, ang kaniyang mga buhok ay bagsak, dahil paniguradong walang gel at ang kaniyang isang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pants niya, the other one was holding cigarettes.


Ang hot niya!


Ngayon ko lang din nalaman na naninigarilyo pala siya? Sabagay, hindi ko pa naman masyadong kilala itong boss ko.



Nang makita niya akong gising na ay kaagad niyang tinapon ang sigarilyong hawak niya na hindi naman naka sindi, lumapit siya sa'kin habang ang kaniyang mga mata ay deretsong naka tingin sa'kin.



"How's your feeling?" He asked coldly.


"Ayos lang, bakit ako nandito?" Kunot noong tanong ko "I'm too lazy to explain."


"Kuya," rinig kong tawag ng isang lalaking doctor mula sa likuran ni Chef Denver.


"What?" Seryosong tanong ni Chef Denver habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa'kin.



"Your girlfriend condition is now okay, so pwede na siyang umuwi," walang emosyong sabi ng doctor.


Bakit parang pakiramdam ko na may connection sa isa't isa ang dalawang lalaking na sa aking harapan? When I look at this doctor and my boss, they appear to resemble each other, with the only noticeable difference being that Chef Denver is slightly taller, gwapo rin kasi ang doctor na Ito at parang professional din kung gumalaw.


Oh, malamang, Thea! Gaga ka ba? Doctor siya, eh!


Pero teka? Girlfriend? Ako? girlfriend ng cold na Chef na'to? In my dreams siguro! Pwede ko siyang gahasain sa panaginip ko, pero sa personal pucha baka ipakulong pa niya ako!


"She's not my girlfriend." walang ganang sabi ni Chef Denver "Aw, tinanggi ba naman? What's your name, Miss?" Tanong ni Doctor.


"Maria Althea Garcia the wife of this idiot chef," Sabi ko habang malawak ang ngiti sa labi nang tignan ko naman si Chef Denver nakakunot na ang noo niya at naka cross arm.


"Oh, I didn't know that my older brother had a secret Wife," natatawang sabi ng doctor kaya mahina na rin akong nakitawa.


Older brother?


"By the way, I'm Dr. Zephyr Rusian Fontavilla." pagpapakilala niya at sabay alis.


"Why did you do that, Miss Garcia?" Tanong ng magaling kong boss nang maka-alis na ang doctor ko. "Why did you tell my brother that you are my wife?"


"Sabi mo kasi, Chef, hindi mo ako girlfriend, edi asawa nalang! ayos ba Chef?" Sabi ko sabay kagat ng labi at binasa ito gamit ang dila ko kaya naman napaiwas siya ng tingin.



The Trace Of Yesterday (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now