EPILOGUE

49.6K 388 189
                                    

EPILOGUE


"ATEEE!!" halos mapalundag ako nang marinig ko ang boses ni Dana sa'king tabi. "Ano bang problema mo?" iritang tanong ko. "Ate kanina pa kita tinatawag diyan, hindi ba ngayon ang schedule mo para magpa check-up sa doctor?"


Dahan-dahan akong tumango ng may pag aalinlangan. "Ilang araw ka ng ganiyan, ate, may problema ba?"

It's been several days since Denver left. After we had dinner at their house, I quickly excused myself and went home due to a headache. Since then, I haven't been able to reach Denver; we haven't communicated at all, and he hasn't even visited Ria.

Sobra na ang pag aalala ko dahil ang sabi niya sa'kin ay babalik din siya. Ano ba ang importante niyang ginawa at hanggang ngayon ay wala parin siya? Pilit kong winawaksi sa'king isipan na may masamang nangyari sa kaniya. Magpapakasal pa kami. Iyon ang huling katagang Iniwan niya bago kami pumunta sa bahay ng parents niya. Wala man siyang singsing na Iniwan ay alam kong tutuparin niya ang salitang binitawan niya.

"Malungkot ka parin ba, ate, dahil wala parin si Kuya?" walang pag aalinlangang tanong ni Dana at simpleng tango nalang ang naisagot ko.

Hindi muna ako nagiging active sa lahat ng social media account ko at nakakapag takang hindi man lang din active ang group chat namin nila Katrina, hanggang ngayon din ay wala parin akong communication kay Max. Bakit ba lahat ng taong nasa paligid ko ay tila unti-unting nawawala?

Ayoko munang mag aya sa bar kaya hindi muna ako sumasama kila Katrina, hindi rin naman sila nag aaya. Siguro nga ay busy sila sa kani-kanilang mga trabaho.

"Moma? Hindi parin po ba uuwi si Dada?" malungkot na wika ni Ria, bakas sa kaniyang mukha na miss na miss niya na si Denver.

Lumapit ako sa kaniya at nginitian. "Babalik si Dada ha? Busy lang siya sa work." sa totoo lang, iyon nalang din palagi ang sinasabi ko sa'king sarili upang pakalmahin ang paulit ulit na gumagambala sa'king isip.

"Ate, magpapa check-up kaba ngayon?" tanong ulit ni Dana, napalingon kami ni Ria sa kaniya. "Bihisan mo na si Ria, isasama natin siya." sagot ko at kaagad na pumunta ng kwarto upang magbihis.

Nang matapos ako ay bumaba na ako upang tignan si Ria "Moma, Where are we going po?" nagtatakang tanong ni Ria, ngumiti ako at inayos ang ilang hibla ng kaniyang buhok "Papasyal tayo, Anak."

Napagdesisyunan na naming umalis at ilang oras lang din naman ang biyahe mula sa Doctor ko, ilang araw na rin ang nakalipas simula noong sinabi ko sa parents ko na buntis ako ngunit hindi pa daw sila makaka uwi dahil marami pa daw silang inaasikaso.

Pumasok kami sa loob at nadatnan namin ang Doctor ko na busy sa pagbabasa. "D-doc," saad ko. "Good morning po."magalang kong wika. "Oh Thea? mabuti naman at narito ka-"

Hindi na natapos ni Doc ang kaniyang sasabihin nang biglang mag ring ang aking phone kaya dali-dali ko naman itong kinuha mula sa'king bag.

["Anak,"] Panimula ni Papa.

"Yes, Dad? Bakit po kayo napatawag?" nagtatakang tanong ko.

["Where are you?"]

"Nandito po sa Doctor ko, schedule ko po ng check-up ngayon." Sagot ko.

["O-okay, I'II just call you later."]

Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang i-end ang call kaya humarap nalang ako sa Doctor. "Sorry Doc, tumawag lang po si Dad." Sambit ko.

Ngumiti ito at tumango, inumpisahan niya na ang mga bagay na dapat niyang sabihin. Niremind niya din ako sa mga dapat at hindi ko dapat gawin. Alam ko naman na ang mga bagay na iyon....

The Trace Of Yesterday (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now