CHAPTER 26

36.1K 338 16
                                    

CHAPTER 26



"Customer or not?" Malamig na tanong ni Denver kay Katrina sabay cross arm. kitang kita ko ang pag igting ng kaniyang panga.



"Ahhh-ano kasi-" mahina kong hinila si Katrina upang senyasan na huwag niya munang sasabihin ang totoo. Dahan-dahan namang lumingon ang bruha at lumunok. "Ahh Oo, C-customer ako. O-order na sana ako kaso nakita ko si Thea."



Tumango si Denver at sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang isang kamay. "Okay." Malamig niyang wika sabay alis ng kaniyang uniform.



Ang akala ko ay wala siyang damit pang loob kaya napaiwas ako ng tingin. Mabuti nalang ay may white T-shirt siya sa loob ng uniform niya.




Hinila ko si Katrina kung saan malayo kay Chef. "Ano kaba! Pinakaba mo ako doon, ang akala ko ay narinig niya yung usapan natin,"



"Ano naman kasi kung malaman niyang may anak kayo, Aber?" Pasigaw na sagot ni Katrina ngunit sapat lang iyon upang kami lang ang makarinig.


"Sinabi ko naman kasi sa'yong hindi pa ako ready at isa pa, hindi ko alam ang status niya sa buhay. Ayokong makasakit ng ibang tao nang hindi ko nalalaman," mahaba kong litansya.



"Eh, ano namang kaso doon? Anak din ni Denver si Ria, Dugo at laman!" sambit niya.



Umiling iling nalang ako dahil sa kakulitan ng bruha. Kung siya ang nasa pwesto ko ay maiintindihan niya rin ako. Mahirap din naman sa'kin na itago sa anak ko ang totoo.



"Oo na, kung hindi mo sasabihin ngayong month na ito ay mapipilitan kami nila Trixy na gumawa ng paraan para malaman ni Chef ang totoo." sagot niya sabay ngisi.



Tumango nalang ako para hindi na humaba pa ang usapan namin. Katrina decided to order food while I was just waiting at the table. Hindi parin umaalis si Kristel dahil nandoon parin siya sa kusina kasama si Chef.



"Oh ano? Nasaan yung babaeng kinakasama ngayon ni Chef?" Tanog ni Katrina na kababalik lang dala ang isang tray ng order "Bakit?" Tanong ko.



"Gusto kong makita, dapat mas maganda ako don ha" saad niya.


Ito talagang babaeng ito! Parang hindi niya nakita sa Bar.



"Hindi, wala kapa sa kalingkingan niya." biro ko. Kahit ang totoo ay pareho naman silang maganda ngunit parang magkaiba lang sila ng vibes, si Katrina kasi ay iyong tipo na babaeng parang kinatatakutan sa school base sa kaniyang pananamit. Mean girl kumbaga. May tattoo siya sa ibang parte ng kaniyang katawan ngunit hindi naman masyadong halata iyon.



"Ang sama mo namang bestfriend!" irap niya sabay inom ng drink.



Sasagot na sana ako nang biglang dumating si Chef, napalingon kami sa likod niya nang makita naming nakasunod si Kristel.



"'Yan na ba 'yon? Bakit parang-" Humawak si Katrina sa kaniyang baba na para bang mayroong iniisip. "Parang kamukha niya.....si Jheryza?"


I frowned and suddenly thought about what she said, I looked at Kristel closely and noticed that she looked like Jheryza. Gano'n naman siguro, may mga kamukha ang tao.


"Gano'n naman talaga, tanga kaba? Posible namang may kamukha ang isang tao, eh!" Wika ko. "Seryoso kasi! Kamukha niya talaga," mahina niya akong niyugyog habang titig na titig siya kay Kristel.



"Tumigil ka nga sa pagyugyog, Katrina! Para kang batang hindi nabilan ng candy!" inis kong bulong.



"Gusto niyo bang maki join?" Ngumiti si Kristel sa'min ngunit halatang pilit. Tatanggi na sana ako nang magsalita si Katrina. "Saan?"



The Trace Of Yesterday (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now