CHAPTER 28
"Ate," napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Dana. Ang kasambahay naming nag aalaga kay Ria.
"Bakit?" Maikling tanong ko habang busy sa pagluluto. "May lalaki kasi sa labas, ate. Ang Gwapo ni fafa!" Wika niya Kaya napatigil ako sa pagluluto. Alam ko, Hindi niya man sabihin ay alam ko na kung sino ang kaniyang tinutukoy..
Tatlong araw na din ang nakakalipas simula noong malaman ni Denver ang tungkol sa anak namin. Hindi ako pumapasok o lumalabas man lang dahil nandito lang ako sa bahay, alam kong nakabantay si Denver sa labas.
Ang sabi sa'kin ni Dana minsan ay hindi na daw siya umuuwi kakahintay na lumabas kami. Hindi pa ako handa, natatakot ako......
"Sabihin mo ay busy ako-" naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang malakas na pag-iyak ni Ria.
Kaagad akong nagmadali upang lapitan siya dahil kanina pa niya ako pinapanuod na mag luto. "Anong nangyari?"
Napatingin ako sa kaniyang kamay habang may umaagos na Dugo. Kumabog ang puso ko dahil ayokong nagkakaroon ng sugat ang anak ko at mas lalong ayokong may nakikita siyang Dugo.
"Baby, don't cry, anong nangyari? Please tell me."
"Nasugat po ako sa knife, Moma."
"W-what?! Anak bakit ka kasi humawak ng ganoon? Hindi ba ang sabi sa'yo ni Moma, diyan kalang sa isang pwesto?" Pangaral ko.
"Ate, kanina pa kasi malalim ang iniisip mo kaya hindi mo naririnig na kanina kapa tinatawag ng anak mo." Saad naman ni Dana. Hindi ko siya pinansin at inutusan nalang ng kumuha ng first aid kit.
Nang maka kuha siya ay kaagad kong ginamot ang kaniyang kamay sabay luhod upang pantayan siya. Hindi ko alam kung nasaan na si Dana ngayon dahil umalis din siya kaagad noong pagkabigay niya sakin ng first aid kit.
"Ria, makinig ka sa Moma, okay? Para hindi ka napapahamak," mahinahon kong sabi sabay halik sa kaniyang noo.
"I'm sorry po, gusto ko lang pong matuto kung paano po mag cook, Moma."
Ngumiti nalang ako upang matigil na siya sa pag iyak. "It's okay, baby. Bata kapa upang matuto para diyan," saad ko sabay punas ng kaniyang luha.
"Dana," tawag ko sa kasambahay namin. Napakunot ang noo ko nang walang Dana na dumating. "Baby, stay here. okay? Hahanapin ko lang si Ate Dana mo."
Tatayo na sana ako nang bumukas ang pinto. Hindi ko Ito nilingon dahil inaayos ko ang first aid kit.
"Dana, saan kaba nag punta kanina pa kita tina-"
"What happened?"
Napatigil ako sa pag aayos ng First aid kit nang marinig ko ang seryoso at baritonong boses ng isang lalaki. Kahit hindi ko ito tignan ay kilalang kilala ko na kung sino ito, maging ang style ng kaniyang pagsasalita.
Ramdam na ramdam ko ang pag titig ni Ria sa Tatay niya kaya Dahan-dahan akong lumingon sa pwesto ni Denver.
He was wearing a white plain T-shirt with a gold necklace around his neck. He paired it with black pants and white sneakers. He had a black cap and eyeglasses hanging from his T-shirt.
"Dana," kitang-kita ko ang panginginig ng kasambahay namin nang tawagin ko ang pangalan niya.
May pag aalinlangan siyang lumapit sa'kin habang nakayuko. "Paano nakapasok iyan dito?" Bulong ko. "Ate, narinig niya po kasing umiiyak si Ria,"
YOU ARE READING
The Trace Of Yesterday (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 1) COMPLETED
Romance𝐅𝐎𝐍𝐓𝐀𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀 𝐁𝐑𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝟏 [COMPLETED] In the vibrant city of Manila, Althea confronts the loss of her grandmother by embracing independence, determined to forge her own path despite her affluent background. As she embark...