CHAPTER 22

31.7K 310 23
                                    

CHAPTER 22


"Ria!" Naka ilang tawag na ako sa kaniya ngunit wala paring Ria na bumababa. 

"Ria!" Ulit ko pa.

"Wait, Moma!" 

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkatapos ay tinuon nalang ang atensyon sa Cellphone.

Ilang taon na rin ang nakakalipas simula noong nangyari ang malaking pagsubok sa aking buhay. It's been 5 years and I'm still hoping na bumalik siya. Mag isa kong tinaguyod ang aking anak habang ang kaniyang ama ay abala sa ibang bansa. 

I attempted to ignore the news about him, but no matter what I did, I couldn't escape the reality that I still love that man. kahit anong pigil ko sa aking sarili ay palagi kong chine-check ang kaniyang social media accounts ngunit palagi rin akong nabibigo sapagkat naka private na ito.

After kasi nung nangyari noon i-nunfriend ko siya at i-nunfollow, ewan ko ba! Nagsisisi nga ako ngayon kung bakit ko ginawa 'yon before. Hindi ko tuloy siya ma-stalk hays.

Nabaling ang atensyon ko nang makita ko si Ria na pababa sa hagdan.

"Moma!"

Kaagad akong niyakap ng aking anak at ginantihan ko naman ito ng mas mahigpit. sa tuwing titignan ko ang maamong mukha nitong anak ko ay naalala ko ang lalaking mahal ko at minsan ng naging bahagi ng buhay ko. 

Magkamukhang magkamukha sila. Maging sa asul niyang mata, makapal na kilay, mahabang pilik mata at maninipis na labi. Ang tanging nakuha lang sa'kin ng anak ko ay ang puti at kinis.

"Are you ready, Baby?" Nakangiting tanong ko sa kaniya. Ito ang unang araw niya sa school dahil katatapos lang ng birthday niya noong isang araw.

"Yes, Moma!" Masigla niyang sagot. "If you are ready, how will you introduce yourself to your classmates and teacher?" 

Napahawak siya sa kaniyang baba na para bang nag iisip ng malalim. Hindi ko ba alam kung 5 years old Itong kausap ko dahil parang matanda kung kumilos.  


"Hello everyone! My name is Maria Celéste Anastasia Garcia," mangiyak ngiyak niyang wika. "Oh why are you crying, Baby?" Tarantang tanong sabay punas ng konting luha sa kaniyang pisngi gamit ang aking palad.


Hindi ko pa pinapagamit sa kaniya ang apelyido ni Denver dahil hindi naman kami kasal.

"My name is too long, Moma. pwede bang Ria Garcia nalang? hindi na kasya iyan sa papel ko."

Natawa ako sa kaniyang sinabi at sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang aking kamay. "And Moma, after I introduce myself  I will dance!" Saad ni Ria sabay masayang pumalakpak.


Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. Ano nanaman ang balak nitong anak ko? Nako! sinabi ko na nga ba manang-mana siya sa maganda niyang nanay. 


"Can I see?" Nakangiting tanong ko. Kaagad naman siyang umayos ng pwesto. My eyes almost widened when I saw what she did. Napatutop din ako sa aking bibig sa labis na pagkagulat. 


"A-anak," Hindi makapaniwalang wika ko. "Ayos ba, Moma?" Tanong niya.

"S-sinong nagturo sayo mag T-twerk?"

"Yes! Yes! My dear! I'm here na." napalingon ako sa paparating na si Katrina "Hoy babae! May kinalaman kaba dito sa pag sayaw ng anak ko?" Nakapameywang naman na salubong ko sa kaniya.


"Sa twerk ba?" Mahina muna siyang natawa. "Yes, tinuruan ko nga ang inaanak ko para paglaki niya maging sexybomb siya!"


"Tanga ka! Wala ka talagang kwentang ninang!" Inis na sambit ko pagkatapos ay inayos ang buhok ni Ria. "Wow ha? Nahiya naman ako sa'yo tuwing pasko!" Sagot ni Katrina.

The Trace Of Yesterday (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now