CHAPTER 20
"Sure ka ba diyan?" Tanong ni Jaspher. Sumasabay siya sa bilis ng lakad ko. "Ano ba 'yang amoy mo? Ang baho!" Ngunit imbis na sagutin ko ang kaniyang tanong ay napatakip ako ng aking ilong dahil hindi maganda ang naaamoy ko.
Kumunot ang noo niya at inamoy ang sarili. "Ano? Excuse me, girl, ha? Halos ipaligo ko na nga ang pabango sa damit ko tapos sasabihan mo lang ako ng mabaho?"
"Eh, ang baho nga!"
"Oh bakit ka sumisigaw? Kung hindi ka lang buntis, sinuntok ko na tiyan mo."
"Oh, bakit hindi mo gawin?!" Nakataas kilay na tanong ko. Hindi ko alam pero nag-iinit talaga ang dugo ko dito kay Jaspher at ayaw na ayaw ko ang amoy niya.
"Kapag sinuntok ko yang tiyan mo, Thea, lalabas 'yang fetus diretsyo sa pechay mo."
Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretsyo sa parking lot. "Ikaw mag drive." sambit ko. 9 weeks na ago noong pumunta ako sa bahay para ipaalam sa parents ko ang nangyari. "Saan ba kasi tayo pupunta?"
Ang totoo ay balak ko talagang pumunta sa office ni Helios dahil ang usapan namin nila mama ay kailangan ko daw magpa DNA test. Mas makakabuti na siguro iyon para malaman ko ang totoong ama.
"Kay Helios." sagot ko. "Ano naman natin gagawin natin sa office niya?" Takang tanong ng bakla. "DNA test."
"Ha? Bakit naman nasali dito ang kapatid ni Ryle?"
Mariin akong pumikit. Nakalimutan ko nga palang hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang nangyari "Noong birthday ko kasi..." lumunok muna ako at tumingin sa kanya "Katabi ko ang kapatid ni Chef paggising ko"
Yumuko ako at pinaglaruan ang aking daliri "Eh, katabi mo lang naman pala, bakit siya ang pinaghihinalaan mong ama ng dinadala mo?" Sambit niya "Nakahubad siya at iba na ang suot ko that time Jas-"
"Jessica..." pagtatama niya.
"Fuck you ka talaga sagad!"
Mahina siyang natawa kaya napailing nalang ako. "Ayoko namang I-claim na si Denver ang ama ng dinadala ko hangga't hindi pa naman ako sigurado. Oa na kung Oa basta maging sure lang ako."
"May point ka naman diyan, susuportahan kita, sis, hangga't hindi kapa nalilinawan."
Tahimik naming tinungo ang office ni Helios sa Quirino malapit sa manila Ocean park.
Tinupad nga ni Chef ang sinabi niya na bibigyan niya ako ng space hangga't hindi pa ako handang kausapin siya. I really miss that man so bad. Gusto ko siyang makita at mayakap. Hindi ko alam pero sabik talaga ako sa kaniya.
Binati muna kami ng guard bago papasukin. Mabuti nalang ay kilala niya si Jaspher. "Sure kana talaga?" Ulit pa ng bakla "Bakit ba tanong ka ng tanong?"
"Eh, kasi attorney ang kakausapin mo, sis, nakakatakot kaya! Si Ryle nga nakakatakot, si Helios pa kaya?" Saad niya.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. May nadaanan kaming babae na tila secretary ni Helios. "Ahh-hello, Miss? Pwede mag tanong?" Nakangiti kong sabi.
"Nagtatanong na po kayo, Ma'am." nawala ang ngiti ko sa kanyang naging sagot. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jaspher. Umiinit ang ulo ko sa babaeng Ito. Maging ang Amoy niya ay hindi ko rin gusto. Tila naduduwal ako.
YOU ARE READING
The Trace Of Yesterday (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 1) COMPLETED
Romance𝐅𝐎𝐍𝐓𝐀𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀 𝐁𝐑𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝟏 [COMPLETED] In the vibrant city of Manila, Althea confronts the loss of her grandmother by embracing independence, determined to forge her own path despite her affluent background. As she embark...