CHAPTER 5
Isang linggo na ang nakakalipas simula noong uminom kami sa condo ko at pagkatapos non ay malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin na parang walang nangyari at wala siyang sinabi.
He consistently avoids being around me so much that whenever I approach him, it feels like he's always getting angry with me, Kahit man lang isang sulyap sa 'kin ay hindi niya magawa.
He always pretending na busy siya, kahit parang pakiramdam ko ay hindi naman at sa tuwing uutusan niya akong bumili ng mga ingredients para sa mga lulutuin niya ay pinapasabi niya nalang kay Maxine.
Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko Ito, imposible namang masaktan ako dahil...dahil halos mag dadalawang linggo palang akong nagtatrabaho dito at aaminin kong may gusto ako dito sa boss ko, 'yong tipong paghanga lang kumbaga.
Pero bakit nasasaktan ako sa tuwing iniiwasan niya yung presensiya ko? Para bang hindi ako nag e-exist sa mundo dahil sa mga pinaparamdam niya sa'kin.
Alam ko namang walang ibig sabihin sakaniya lahat ng Ito, but why am I still hoping until now? Kahit alam ko namang yung sinabi niya sa'kin sa condo ko ay dahil lang sa kalasingan niya. Sigurado naman akong iba ang naiisip niya noong time na 'yon at hindi ako.
I'm fucking damn curious...
Imposible namang mahal ko na siya? Mahal ko na nga ba siya? In almost 2 weeks? Ang bilis naman yata mahulog ng puso ko kung gano'n. naniniwala pa rin naman ako sa sarili kong nasanay lang ako sa presensiya niya kaya siguro ganito ang mga nararamdaman ko ngayon. Oh, baka naman puro deny lang ako sa sarili ko na gusto ko lang siya pero ang totoo mahal ko na talaga siya. Syet! delikado kana, Thea!
"Sir, pinapatawag niyo daw po ako?" Mahinahon kong sabi habang nakayuko. Nasa kusina kasi ako kanina dahil kausap ko si Max at nag aaya nanaman ang bruha na pumunta sa bar dahil kung hindi daw ako sasama pupuntahan nila ako sa condo ko. eh, as if naman may choice ako.
Hindi siya lumingon sa'kin dahil naka tuon ang buong atensyon niya sa laptop at notebook na pinag susulatan niya.
Kung hindi niya pala kayang tumingin sa'kin bakit niya pa ako pinatawag dito?!
"My food." malamig niyang sabi habang nag t-type sa kaniyang phone. "A-ah sige, Chef." maikli ko ring sagot.
Napansin ko naman sa gilid ng mata ko ang pag sulyap niya sa'kin ngunit panandalian lang iyon.
"Anong gusto mo, Chef?" Tanong ko habang deretsyong nakatingin sa kaniya "Coffee and rice." iyon lang ang tanging naging sagot niya. Kaagad ko namang tinawagan ang mag d-deliver ng pagkain niya dahil kanina ko pa gustong umalis dito sa mala impyernong office niya.
Paglingon ko sa kaniya halos mangunot naman ang noo ko nang makitang parang may nilalaro siya. Bahagya naman akong lumapit sa table niya para makita kung ano ang nilalaro niya sa kaniyang phone.
Parang hindi niya naramdaman ang presensya ko dahil nakatuon lang ang buong atensyon niya dito.
Pumunta ako sa harap at inikot ko ang swevil chair niya sa akin. Wala akong sinayang na oras, I immediately sat on his lap, medyo nakakahiya...hindi pala medyo, nakakahiya itong ginagawa ko, pero kasi hindi ko talaga kayang iniiwasan niya ako ng ganito. Ang pwesto namin ay nakatalikod ako sa kanya at ang dalawang kamay niya ay naka kulong sa'kin habang hawak ang kanyang cellphone.
YOU ARE READING
The Trace Of Yesterday (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 1) COMPLETED
Romance𝐅𝐎𝐍𝐓𝐀𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀 𝐁𝐑𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝟏 [COMPLETED] In the vibrant city of Manila, Althea confronts the loss of her grandmother by embracing independence, determined to forge her own path despite her affluent background. As she embark...