CHAPTER 30
Nagising ako nang masakit ang pangangatawan, hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa pagod sa byahe o dahil sa nangyari kagabi. Oo alam ko, hindi naman maitatanggi na namiss ko ang bagay na iyon ngunit masyado nga lang ba talaga akong nadala sa emosyon ko at bumigay nalang kaagad sa kaniya?
He is much better now.
Kinusot ko ang mata ko at nagpalinga linga. Pagkatapos nang nangyari kagabi ay nakatulog kaagad ako. Hindi ko alam kung umalis ba siya o nag stay siya dito kagabi.
He wasn't by my side, so I quickly got up and went to the kitchen. I won't be surprised if there is food served on the table; I know he prepared it before he left.
Napakunot ang noo ko nang makita ang isang note sa table. Kaagad ko itong binasa at umupo.
Good morning, eat your breakfast, Adi. Umalis ako para tignan si Ria. I'll be back later.
-Your future husband.
Napangiti ako. Kaagad kong kinain ang hinanda niya at dumiretsyo kaagad sa banyo upang maligo. ako na ang pupunta sa room nila dahil nais ko ring makita si Ria.
Binilisan ko nalang din ang pagligo at pagbibihis. nagsuot lang ako ng makakapal na damit dahil sobrang lamig dito sa Korea.
Nang matapos ako ay kaagad akong pumunta sa kanilang room. When I was in front of the door of their room, I immediately knocked but no one opened, kaya ako nalang din ang gumawa. Maikli lang kasi ang pasensya ko, hindi naman kasi ako garter.
Walang lumabas sa words sa bibig ko nang makita ko si Ria at ang kaniyang dad. nalaglag ang panga ko nang makita ko si Denver na binibihisan at sinusuklyan si Ria. hindi ako nagsalita at pinanuod lang silang dalawa. kitang kita ko sa mukha ng anak ko kung gaano siya kasaya.
I dreamed of us being together, with Denver fulfilling his role as a father. I envisioned Ria growing up with both her parents looking out for her. Unti-unti na itong natutupad, ngunit maibabalik pa kaya ang pagsasama namin ni Denver?
Hindi parin ako nagsalita at pinagmasdan lang silang dalawa. Hindi nila ramdam ang presensiya ko kaya pinagpatuloy ko lang ang panonood. Nang matapos nang ayusan ni Denver si Ria ay dumiretsyo sila sa kusina.
Naglakad ako at sinundan silang dalawa nang hindi nakakagawa nang kahit ano mang ingay.
Pinaupo niya si Ria at nagsimula nang kumuha ng ingredients mula sa ref. I witnessed how he taught my daughter how to properly cut vegetables, he also taught him how to properly use a knife.
I smiled when I saw them both.
Naglakad ako palapit sa kanila. "Hey,"
Kaagad na napalingon si Ria at Chef. "Moma!" Nagmadali ang anak ko palapit sa'kin at kaagad akong niyakap. "I miss you, baby. How was your sleep?"
"Fine, Moma, but Daddy wasn't there last night, all I know po is that he went to your room?"
Napalunok ako. "Yey, may kapatid na ako!" pumapalakpak na saad ni Ria. Napatingin ako kaagad kay Denver nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang nakangiti habang naghihiwa ng mga gulay.
"Ginalingan ni Daddy, baby" saad niya habang nakatingin sa akin sabay ngisi.
Magsasalita na sana ako nang mag ring ang phone ko kaya kaagad ko itong kinuha mula sa aking bulsa. Lumayo ako ng kaonti nang makita ko ang name ni Katrina sa screen.
YOU ARE READING
The Trace Of Yesterday (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 1) COMPLETED
Romance𝐅𝐎𝐍𝐓𝐀𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀 𝐁𝐑𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝟏 [COMPLETED] In the vibrant city of Manila, Althea confronts the loss of her grandmother by embracing independence, determined to forge her own path despite her affluent background. As she embark...