CHAPTER 25
"Hoy hindi mo man lang ako sinama kagabi nung umuwi ka!" Mahinang pinalo ni Jaspher ang balikat ko kaya napalingon ako sa kaniya. Nandito kasi kami ngayon sa BGC dahil mamaya pa ang pasok ko.
"Bakit naman? Ang laki-laki mo na, Jaspher! Don't tell me hindi mo pa kayang umuwi mag isa?" Nakataas kilay na tanong ko sabay kain ng shawarma.
"Jusko, kahit kailan napaka slow mo talaga, ang tanda-tanda mo na slow ka parin!" Pabulyaw niyang wika. "Eh, ano ba kasing pinuputak mo diyan?"
"Halos mamatay na ako kagabi sa titig ni Ryle sa'kin. Hindi naman sa natatakot ako pero natatakot talaga ako tangina!" Malambot niyang sabi.
"Baka bet ka niya," walang gana kong sagot.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang siya sa pagkain na inorder niya. "Kilala mo ba yung babaeng kasama niya?" Tanong ko.
"Hindi ko pa siya nakita before kahit pa halos magkababata na kami ni Ryle, pero nababanggit siya sa topic namin minsan dati," seryoso litansya ni Jaspher.
"Bakit mo natanong? Anong meron?"
Tumingin siya sa'kin habang naghihintay ng sagot ko. "Nag seselos ka 'no? Halata namang may feelings kapa diyan sa Ex mo. Hindi ka naman uuwi kagabi kung hindi ka naapektuhan sa pag akbay niya sa babaeng 'yon,"
Lumunok ako sa sinabi ni Jaspher, alam na alam talaga nila ang bawat kilos ko. "Hindi ako nagseselos," pretending. Gusto ko lang malaman kung kilala na ba talaga nila ako.
"Ay sus, nakita ko Thea. Kitang-kita ng dalawang mata ko na hindi mo naman tinawagan ang anak mo!"
I looked away because of what he told me. No matter what excuse I make, they already know the real reason why I left last night. They didn't speak because they knew I was hurting inside. I don't want to deny my feelings for that man. If this is what my heart wants, I will accept it.
Ayokong sabihin na makalipas ang limang taon ay hindi ko na mahal ang taong iyon, ayokong sabihin na naka move on na ako kay Denver. Ayokong magsinungaling sa ibang tao at mas lalong ayokong ipakita sa kanila na matapang ako kahit ang totoo ay nanghihintay parin ako sa taong alam kong hindi na babalik sa'kin.
"Oo na, Mahal ko pa siya. Happy?"
Humagalpak siya sa tawa kaya napatingin sa kaniya ang ibang mga tao.
"Nako, pasensya na po ha? Hindi ko po siya kilala. Baliw po talaga siya." paghingi ko ng pasensya sa mga taong nakatingin sa'kin. Hindi naman ako yung tumawa pero parang ako yung gustong magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan.
"Kung mahal mo pa yung tao, Thea, dapat sinasabi mo ng diretsyo sa kaniya, Baka maunahan ka,"
"Hindi naman kasi ganon kadali 'yon, bakla! Mahal ko pa siya pero hindi naman ibig sabihin non ay gusto kong mahalin niya rin ako pabalik, Malay mo naman ay may pamilya na si Denver. Pareho naman nating hindi alam 'yon dahil matagal natin siyang hindi nakasama." Mahaba kong litansya.
"May point ka naman do'n, mahirap ang sitwasyon mo ngayon dahil may anak pa kayo. Nagkita na ba kayo ni Helios?"
Umiling ako sabay inom ng tubig "Ang alam ko ay nasa ibang bansa siya?" Patanong kong sabi "Oo nga, sino ba nagsabing nandito siya?" Pamimilosopo namag ng bakla.
"Naka drugs kaba?" Tanong ko.
Hindi siya umimik dahil nakatitig lang siya sa mga lalaking dumadaan. "Hindi pa kami nagkikita o nagkakausap man lang. Busy siguro siya sa mga kasong hinahawakan niya ngayon,"
YOU ARE READING
The Trace Of Yesterday (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 1) COMPLETED
Romantiek𝐅𝐎𝐍𝐓𝐀𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀 𝐁𝐑𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝟏 [COMPLETED] In the vibrant city of Manila, Althea confronts the loss of her grandmother by embracing independence, determined to forge her own path despite her affluent background. As she embark...