CHAPTER 23

32.7K 307 8
                                    

CHAPTER 23


"Hello?" Bungad ko sa kabilang linya habang kinukusot ang mata.


Naka ilang ring na ang phone ko kanina ngunit hindi ko ito sinasagot dahil hindi ko pa kayang idilat ang mata ko ngunit wala akong choice dahil dito ako natulog sa kwarto ng anak ko. Napilitan akong sagutin ang tawag dahil baka magising si Ria.


["May balita na ba kay Max?"] Tanong ni Katrina. "Wala pa, hindi siya nag reply sa mga message ko kaya pupuntahan ko nalang siguro siya sa bahay nila."


["Wow ha? Hindi ka man lang magsasama?"]



"Ang laki-laki mo na, Katrina. Kaya mo na 'yan!"


["Hintayin mo na lang ako susunduin kita."] Saad niya. "H'wag na, papasok pa ako sa trabaho ngayon."


["Sure ka? Sure ka na ba sa desisyon mong iyan?"] Kumunot ang noo ko sa kanyang tanong. "Anong ibig mong sabihin?"


["Baka kasi pagsisihan mong pumasok ka ngayong araw,"] Wika niya "Hindi kita maintindihan..."



["Basta! malalaman mo rin kapag pumasok kana."]


I felt a sudden nervousness because of the words she uttered. I don't know, but there is a part of my body that wants to know the reason why she says I will regret the decision I will make.

["Nag research ako about sa restaurant na 'yan at alam kong magsisisi ka kapag nalaman mo."]


"Ano bang pinagsasabi mo, Kat? Bahala ka nga! Osiya sige na, mamaya nalang, see you nalang sa bahay nila Max."


Malalim na buntong hininga ang naging sagot niya na para bang nagpapahiwatig na hindi maganda ang aking gagawin.


Kaagad kong binaba ang phone ko sabay lingon sa anak ko na mahimbing na natutulog. She looks like a princess, she slept soundly and seemed to have no problems in life.


Mabuti nalang ay wala siyang pasok ngayon dahil sabado kaya makakapag pahinga siya.



Dahan-dahan akong bumaba sa kama upang makapag bihis. Pagkalabas ko ng kwarto ni Ria ay naabutan ko ang parents ko sumisimsim ng kape sa sala.


"Anak," bungad nila kaya napalingon ako sabay mano. "Bakit po, Ma?" Tanong ko.


They exchanged glances as if they had something to say, yet they couldn't speak as if something were holding them back.


Kumunot ang noo ko at tumaas ang bawat sulok ng aking kilay. "Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin. Ma, Pa."

Napalunok si Mama at nag iwas ng tingin kaya lumingon ako kay Papa upang bigyan siya ng tanda na siya nalang mismo ang magsalita. 


Napahawak siya sa kaniyang sentido bago sumagot. "Wala ka bang balak hanapin si Ryle, Anak?" 


I was taken aback by what my dad said. It was the first time they broached this topic since Denver left me. They avoided discussing it before because they know, that I'm not ready to talk about that kind of thing yet.


"Pasensya na anak- naawa din kami sa Apo namin, sa tuwing wala ka dito sa bahay kami ang nakakasaksi kung pano umiyak ang anak mo dahil gusto niya na daw makita ang Ama niya,"


"Pero hindi naman niya hinahanap kapag kaharap niya ako." buong pagtataka kong sagot. Hindi kasi hinahanap ni Ria si Denver sa tuwing magkasama kami kaya nakakapagtaka naman ang sinasabi ng parents ko.



The Trace Of Yesterday (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now