CHAPTER 17

44K 376 50
                                    

CHAPTER 17

"Ano? tuloy tayo bukas ha?" Bulong ni Max sa'kin. "Ano nanaman 'yang sinasabi mo diyan? Anong tuloy?" Tanong ko. "Ulyanin kana talaga, girl! Sa guest house nila Katrina! Diba nga birthday mo na? Pati ba naman birthday mo nakalimutan mo na?"


"Alam ko naman 'yon, pero kailangan ba talagang mag party?"


"Ano ka ba! Gano'n kasi ang usapan namin noon kapag may nag birthday ang isa sa'min, dapat mag-party."


Magsasalita pa sana ako nang makaramdam ako ng presensya sa likod ko. "Back to work." saad ni Chef sa baritonong boses. "Sandali naman, Kuya! Nakikipag Chickahan pa ako sa assistant mo."


"Chef." pagtatama ng boss ko. "Sorry na kuya- Chef Pala." saad ni Max. "'Nga pala, Chef, may pupuntahan ka ba bukas? Hindi ka ba sasama sa guest house?" Tanong pa ni Max.


"I don't know." He answered coldly. "Wala ka bang alam, Chef?" Takang tanong ni Max. "Nothing, why?"


Kumirot ang puso ko dahil sa sagot niya. Hindi ba niya alam na birthday ko?


Lumingon sa'kin si Max at ngumiti. "Gano'n ba? Basta sumama ka nalang bukas, Chef, ha?" Saad ni Max at simpleng tango nalang ang naging sagot ni Chef Denver.



Hinarap ako ni Chef at hinawakan ang aking bewang. "Hindi mo ba sasabihin?"




"Ang alin, Chef?" Takang tanong ko. "I don't like the way you call me 'Chef'."



Yumuko ako at pinaglaruan ang daliri ko "S-sorry, nasanay lang." utal kong sambit "Hindi mo ba talaga sasabihin sa'kin hmmm?" Hinakawan niya ang baba ko at inangat ang aking ulo. "Ang alin po ba, Chef?"




Humugot siya ng malalim na buntong hininga at pagkatapos ay lumingon kay Maxine sabay tango.



Mahigpit na hinakawan ni Chef ang kamay ko at iginaya ako papuntang elevator. Nang bumukas ang elevator ay kaagad kaming dumiretsyo sa kaniyang office.



Umupo ako sa couch habang siya ay nakatayo.


"A-anong meron?" Puno ako ng pagtataka. "Birthday mo bukas, hindi ba?"


Laglag ang panga ko siyang tinignan ang buong akala ko kasi ay hindi niya alam na birthday ko bukas. "P-paano mo naman iyon nalaman, Chef?" I asked. Lumuhod siya sa harap ko at ipinatong niya ang kan'yang braso sa'king hita. "Hindi ko ba pwedeng malaman?"



"Ahh... H-hindi naman sa gano'n."



Nawala na rin kasi sa isip ko ang birthday ko dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Hindi parin kasi tapos ang problema ko dahil hanggang ngayon ay tuloy na tuloy pa rin ang kasal namin ni Jaspher. Hindi ko pa nagagawang sabihin sa parents ko ang totoo.



Mahina siyang natawa at sinuklay niya buhok niya gamit ang kan'yang kamay. "Can you come with me tonight?"
Kaniyang tanong pagkatapos ay umayos ng tayo.


Naglakad siya papunta sa kan'yang swevil chair pagkatapos ay umupo. "Ahh-anong ibig mong sabihin, Chef-"


"Stop calling me 'Chef'."


"Ano ba kasing ibig mong sabihin?" Tanong ko at mahina siyang natawa pagkatapos ay sumandal sa kanyang swevil chair at pinaglaruan ang kanyang ballpen. "What you have in mind is wrong, Adi."


Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman gano'n yung naiisip ko no! Hindi talaga promise! "S-saan ba tayo pupunta?"


"House."

The Trace Of Yesterday (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now