CHAPTER 24
Sinundan ko ng lingon ang babae hanggang sa makapasok Ito ng Restaurant. Sino iyon?
Nagdesisyon akong pumasok nalang din dahil baka bisita Ito ni Denver o ni Jheryza. May pagtataka man sa puso ko ay pinanatili ko parin ang sarili kong kalmado.
Nangangamba ako sa mga pumapasok sa'king isip at the same time ay kinakabahan na rin. Huwag sanang tumama ang hula ko sapagkat hindi ko pa kayang hamunin ang bagong problema na dadating sa'king buhay.
Alam kong over react ako masyado kahit hindi pa naman ako sure kung may ibang Ryle pa nga ang restaurant na pinapasukan ko ngayon dahil katatanggap ko palang naman sa trabaho kahapon.
Nang makarating ako sa tapat ng restaurant ay napabuntong hininga ako pagkatapos ay mariing pumikit at nagdalawang isip kung papasok na ba ako sa loob o mananatili muna ako dito hangga't hindi pa lumalabas iyong babae.
Pero nauwi din ako sa pagpasok sa restaurant dahil baka may kailangan siyang iutos sa'kin.
I headed straight to the kitchen where the chefs were cooking, but I felt disappointed when I didn't see Denver there, Nag stay nalang muna ako sa isang sulok at umupo habang naghihintay kung anong iuutos nila.
Limang taon na ding hindi nag tat-trabaho si Jaspher sa Restaurant ni Denver. Hindi pa kasi sila nagkakaayos nang dahil sa'kin. Alam ko naman kasing kasalanan ko ang lahat kung bakit nasira ang pagkakaibigan nila, kung hindi ko sana sinabing ikakasal ako kay Jaspher that time ay hindi na sana sila nag-away ni Denver.
Nandito ako para ayusin ang lahat. Alam kong dadating ang oras na magkikita ulit kami ni Denver ngunit hindi ko inaasahang mapapa-aga iyon, marami akong naiwang kasalanan sa kanila kaya kailangan kong ayusin dahil halos araw-araw din ay nilalamon ako ng konsensya.
"Ma'am, customer po ba kayo?" Takang tanong ng isang lalaki sa'kin. "May customer bang nandito sa kusina kuya? eh, kung gano'n pala tawagin niyo lahat ng customer dito sa kusina para sabay-sabay kaming kumain dito." I answered on a sarcastic tone.
"Ay pasensya na po, ma'am." napakamot siya sa kaniyang ulo kaya nginitian ko nalang siya. Aalis na sana siya nang kaagad kong hinawakan ang kaniyang kamay. "Nasaan pala ang manager dito? Si M-ma'am Jheryza?" Tanong ko.
"Kanina pa po umalis, Ma'am." maikli niyang sagot kaya simpleng tango nalang ang naisagot ko "Ano nga palang pangalan mo? Bago ka rin dito?" Tanong ko.
"Ako po si Nikolai Sandejas, bago lang din po ako dito, Ma'am. Ako po kasi ang pumalit sa kuya ko," nakangiti niyang pagpapakilala.
"Kuya mo? Sino ba ang kuya mo?" Kunot noong tanong ko. Mabuti nalang ay may makakausap ako dito kesa naman sa nakatunganga lang ako.
"Si kuya Nathaniel po, Sa kabilang branch po siya nag tat-trabaho dati," Wika niya "Si Nathaniel? Iyong batang pinapaaral dati ni Chef Denver?"
He smiled and nodded, but there was a hint of sadness in his eyes, as if he were struggling to convey something.
"Kamusta na pala ang batang iyon? Limang taon na ang nakakalipas. Siguro ay isa na siyang Engineer ngayon?" Natatawa kong sagot.
Nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Ang ngiting parang pilit lamang, ang ngiting parang puno ng hinanakit ay bigla nalang nawala at napalitan ito ng lungkot at hinagpis. Anong meron? May hindi ba ako alam?
Hinawakan ko ang kaniyang balikat sabay ngiti. "Huwag mo ng sabihin, Alam kong hindi mo pa kaya." saad ko at malungkot nalang siyang tumango.
YOU ARE READING
The Trace Of Yesterday (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 1) COMPLETED
Romance𝐅𝐎𝐍𝐓𝐀𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀 𝐁𝐑𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝟏 [COMPLETED] In the vibrant city of Manila, Althea confronts the loss of her grandmother by embracing independence, determined to forge her own path despite her affluent background. As she embark...