CHAPTER 27
For the past three days, my routine has been the same: going to work and coming home exhausted. My boss's behavior toward me hasn't changed, so I don't know what else to expect at this point.
Ilang beses ko na ding sinubukan tanungin kay Chef kung may koneksiyon ba si Jheryza at Kristel pero hindi ko parin magawa gawa dahil palaging mali ang tiyempo ko.
Lately kasi ay napapadalas na ang pag init ng ulo niya, kahit sa simpleng bagay ay nagagalit siya. Parang mas lalo nga siyang naging strict, siguro ay pagod lang siya, pero kasi ang kilala kong Denver ay hindi ganoon umasta.
Ano pa nga ba ang i-neexpect ko? He was hurt and now he will be hurt again..... Because of me.
Ilang beses ko na ding tinangkang sabihin sa kaniya ang totoo.... Na anak niya si Ria...na may anak kami. Pero hindi ko kaya...Hindi ko pa kaya.
Hangga't nakikita ko ang pagiging sweet niya kay Kristel ay nakokonsensya ako, ayokong masaktan at ayokong makasakit.
I know that I'm being selfish by keeping Ria hidden from her biological father, but I don't want to rush my decision like I did in the past.
Nawala ako sa isip ko noon, nag panic ako. Sino ba naman kasing hindi mag pa-panic sa ganoon? Paggising mo ay may katabi ka ng lalaki tapos iba pa ang suot mo.
What if ginahasa na ako 'di ba?
"Hoy!" halos mapalundag ako nang marinig ko ang sigaw ng isang lalaki mula sa likuran ko. Nandito ako ngayon sa restaurant, mabuti nalang ay wala pa kanina si Chef noong dumating ako. late kasi akong nagising.
Lumingon ako at nakita ko si Jaspher na abot tenga ang ngiti. "Grabe ka naman kung makasigaw, bakla! Problema mo?"
"Nandito ako sa restaurant 'di ba?" Tanong niya.
"Oo." maikli ko namang sagot.
"So, anong ginagawa kapag nasa restaurant?"
Napataas ako ng kilay. "Edi kumakain."
"Exactly, nagka utak ka rin." Ngumiti siya sabay kindat. Para tuloy akong natuod sa kinatatayuan ko. Hindi ako nagulat dahil sa sinabi niya, nagulat ako dahil sa ginawa niya.
Infairness, may itsura din kasi si itong si Jaspher kaso lalambot-lambot nga lang. Daig pa ako.
Baka kami talaga ang end-game? Hays nag
o-overthink tuloy ako....Tinuloy ko nalang ang pag t-trabaho at hindi na pinansin ang bakla na umoorder ng pagkain niya.
"Ikaw ang mag assist sa kabilang branch at dito naman si Jheryza, I need to go," napatigil ako nang marinig ko ang malamig na boses ni Chef.
"C-chef,"
Ayoko kasing pumunta doon.....Hindi pa ako ready makita ang dating Restaurant ni Chef.
"Do it." Putol niya sa sasabihin ko. Naramdaman ko naman ang presensiya ni Jaspher mula sa tabi ko.
"S-sis," Dahan-dahan akong lumingon kay Jaspher at kitang-kita ko naman ang pag lunok niya. Binalik ko ang tingin ko kay Denver na ngayon ay nakapamulsa na at seryosong nakatingin kay Jaspher.
Tangina...Jaspher, takbo!
"Sis, kailangan ko na ba tawagin lahat ng Santo?" Bulong niya at sapat lang iyon upang kaming dalawa lang ang makarinig.
YOU ARE READING
The Trace Of Yesterday (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 1) COMPLETED
Romance𝐅𝐎𝐍𝐓𝐀𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀 𝐁𝐑𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝟏 [COMPLETED] In the vibrant city of Manila, Althea confronts the loss of her grandmother by embracing independence, determined to forge her own path despite her affluent background. As she embark...