CHAPTER 9
WARNING: Spg
"Kanina ka pa hinihintay ni Chef! Ang tagal mo, girl, umiinit na yung pwet namin! kanina pa kami nakaupo!" Pabulyaw na sabi sa'kin ni Max.
Bakit naman ako hihintayin? Guest ba ako? Wow ha! Ako pa talaga nahiya sa kanila? Sinabi ko ba kasing hintayin nila ako?
Hindi sana ako papasok ngayon sa trabaho dahil tinanghali ako ng gising at isa pa doon ay ayokong malaman kung ano naman ang balak sabihin nila Chef.
Halos magdamag akong nanuod ng horror movie para lang mawala sa isip ko 'yon! Buong isang araw akong nag o-overthink , punyeta silang dalawa!
"Required bang hintayin niyo pa ako?" Hindi pa man din kasi ako nakakapasok bunganga na kaagad ni Max ang bumungad sa'kin. "Malay ko ba kay Chef, daming ka ek-ekan sa buhay"
"Ano daw bang meron?" Trying to asked her. Kahit alam ko naman kung anong meron ngayong monday. "Kung alam na namin, hindi kami tatlong oras na naka upo sa couch kanina, Thea." she answered on a sarcasm tone.
"Sarap mong hambalusin ng sapatos ko Max." irap ko sa kaniya. "Sarap mo ding hatakin papasok sa office ni Chef Denver Thea." laban niya.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya dahil alam kong hahaba lang ang conversation naming dalawa kaya naglakad nalang ako papunta ng elevator.
Habang palapit ako ng palapit sa office ni Chef Denver ay mas lalong bumibigat ang nararamdaman ko at mas lalong dumadagdag ang kaba sa'king puso.
I shouldn't feel this way. However, my heart and mind suggest that what they're telling us might not be good news, or if it's good for them, it might not be good for me. I don't know ang gulo ng nararamdaman ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng office at nasa likod ko lang si Max "Ano ba, Thea! Kailangan ba talaga dahan-dahanin pa?!" Inip na sambit niya. "Oo, para hindi masakit, Max! Mahapdi kasi kapag binigla."
"Ang bastos talaga ng bunganga mo!"
Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil tuluyan ng binuksan ni Max ang pintuan. lahat ng employees sa restaurant at ang ibang mga Chef ay kaagad na napatingin sa gawi namin.
Napunta ang dalawang mata ko sa pwesto ni Chef Denver na ngayon ay nakasandal sa kaniyang table habang nakalagay ang kaniyang isang kamay sa bulsa at ang isa ay may hawak na sigarilyo.
Napaawang ang labi ko nang makita kong umayos siya ng pagkakatayo at tinapon ang kaniyang sigarilyo sa basurahan pagkatapos ay nag cross arm habang diretsong nakatingin sa'kin.
Napansin ko rin na nasa tabi niya si Jheryza na presenteng nakatayo at nakangiti.
Bakit naka ngiti ang babaeng ito? Ang creepy ng ngiti mo kaya itigil mo 'yan! Hindi nakakatuwa.
Tumikhim muna si Chef Denver bago inumpisahang magsalita. "3 hrs late." parinig niya kaya nag iwas ako ng tingin, kasalan ko ba iyon? Kung hindi sinabi ni Jheryza na may ibabalita siya ngayon, hindi dumagdag ang iisipin ko sa buhay!
Parang kasalanan ko pang late ako, ha?! Tyaska baka nakakalimutan niyang magkapit bahay lang kami? bakit hindi niya ako ginising? Welcome naman siya sa place ko, alam niya na ang passcode.
"We have something to tell," Panguna ni Chef Denver. Ngayon palang ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko sa kung ano man ang kanilang sasabihin.
"Bago ko sabihin, I don't want others to know this news and also maging open na kayo kay Jheryza, you can call her 'Ma'am' from now on because..." tumingin Ito sa'kin kaya mas lalong nagpakaba ng aking puso.
YOU ARE READING
The Trace Of Yesterday (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 1) COMPLETED
Romance𝐅𝐎𝐍𝐓𝐀𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀 𝐁𝐑𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝟏 [COMPLETED] In the vibrant city of Manila, Althea confronts the loss of her grandmother by embracing independence, determined to forge her own path despite her affluent background. As she embark...