una

1.6K 5 3
                                    

Napakadaling bigyan ng palayaw ang mga pasaway na anak. Mga anak na laki sa layaw at walang pagpapahalaga sa sakripisyo ng magulang. Walang mintis na hangganang kahayupan lang ang igaganti sa ginhawang nararanasan.

Hinayupak.

Putok sa buho.

Latak.

Palamunin.

Pabigat.


So far wala pa namang tumatawag sa'kin nyan. Pero alam ko na kung susukatin sa pamantayan, ako mismo ang depinisyon ng isang anak na hindi gugustuhin ng kahit ninong magulang.


"Linisin mo. Kasalanan mo 'yan." Magka krus ang mga braso ko na sinulyapan ang basag na baso sa sahig. Nagsitalamsikan sa carpet ang gatas matapos ko balibagin yung babasaging baso.


"I've been your daughter for nineteen years and you still don't know that I dislike milk when it's cold?" I rolled my eyes at Mom. Sinuri ko ang kamay kung nasira ba ang bago kong manicure dahil sa ginawa.



"Uhm...pasensya na Jia. Uulitin ko nalang. Magpahinga ka muna." Mom replied with her unchanging timid voice.


Nakayuko ito at parang takot na takot salubungin ang mga tingin ko.


Tignan mo nga naman, lahat siguro ay matatawa sa uri ng sitwasyon namin ngayon. A daughter scolding her mother, and a mother who acts like a total housemaid. Nanay ko ba talaga siya o kasambahay?


Kakauwi ko lang from South Korea pero isang katangahan niya na agad ang maaabutan ko. I was asking for a goddamn milk to help me with my jet lag. Tapos ang ibibigay niya sa'kin ay yung straight up galing sa refrigerator? Box milked? Aber! Ako nalang sana ang kumuha at hindi na siya inabala pa kung ganon.


Hindi niya man lang ba maipagtimpla ng maligamgam na gatas ang nag iisa niyang anak? I can't believe this woman!


"Make it quick. Ayokong naghihintay." I shut the door right to her face. Nakakairita eh.


Dumiretso nalang ako sa couch at ipinagpatuloy ang binabasang libro. Little Women by Louisa May Alcott. Such a great book about four daughters...and a mother who actually acts like one.


Unrelatable, but good enough.



Dalaga na ako pero hindi padin talaga nagbabago si Mommy. Hindi padin halata na mid 40's na siya. Mukha pading bata na mapagkakamalang kapatid ko pag ipinagtabi kami sa isa't isa. Pati pag iisip niya pambata din.


As to what my Grandma requested. Napilitan nanaman akong mag bakasyon dito sa Pilipinas dahil school break na namin sa South Korea.

Yes, I've been living in Sokor with my grandparents ever since I was a kid.


Wala naman kasing aasahan kay Mom. Kahit kailan ay hindi siya nagpaka-Ina para sa'kin. Pagdating sa pag aasikaso, she's a helpless daughter na asa sa magulang. Tipong sasabayan niya pa akong umiyak nung baby pa imbes na patahanin ako. And according to Grandma, pagpapasuso lang naman ang ambag sa'kin ni Mom bilang Ina.


I was raised by my grandparents because Mom is too pathetic and incompetent to even raise her own child. Nagpasalamat ako na hindi na ako nasundan pa. Kawawa ang magiging kapatid ko pag nagkataon.

Walang kwenta na nga ang Ina, babaero pa ang Ama. Add to it na isang bitchesa ang Ate.

I'm aware of how much of an awful daughter I am. And I'm unapologetic about it. Bakit naman hindi? When my parents didn't even apologize to me in the first place.


bastardaWhere stories live. Discover now