panglabin-tatlo

867 5 1
                                    

"Hindi ko 'yon sadya. I was just really trying to enjoy some liquor and then they flocked to me. I was the victim, Ate. Hindi ko alam na may drugs yung alak. Hindi ko gusto—"


"Bakit ka ba nag e-explain? Wala nga akong paki!" Pinanlisikan ko ng mata si Hael.


"Ah!" Aniya nung ihampas ko sa likod niya ang salonpas.


Pareho naming nabaldo yung katawan kagabi pero mas malala siya dahil kagagaling niya lang sa hospital. Bumuka ulit ang iilang sugat and napuwersa pa siya bandang lower half.


Sa kapusukan pa nga namin ay dalawa din kaming dinugo. Yes, including Hael. Dinudugo din ang mga lalake pag nasobrahan, kaunti nga lang.


Umiinom din ako ng pills on time simula nung matunugan ko na masusundan at masusundan pa talaga yung nangyari sa'min sa beach.


"P-pero nagseselos ka diba? Galit ka nga sa'kin kagabi." Humaba ang nguso ni Hael na parang nagpipigil ng ngiti.


Mas sumama tingin ko sa kanya.


Gustong gusto niya talaga iniisip na nagseselos ako 'no? Delulu ang lalakeng 'to!


"Sabi ngang hindi! Ano ba kita? Magkapatid padin—"


"Sshhh fine!" Pigil sa'kin ni Hael. Nakatakip ang kamay niya sa bibig ko.


Napapailing nalang ako na tinampal palayo ang kamay niya at humigop nalang ng soup. May food tray sa kama ko. Nagpadala nalang ako sa mga maids dahil masyadong kumikirot ang katawan ko para bumaba.


Nandito din muna si Hael ngayon sa kuwarto ko dahil pinapalitan ng housemaid ngayon ang kubre kama niya.

No one will suspect that I'm the girl that Hael spend his night with. Sa dami ng tao kagabi, hindi naman kakaiba kung may kakamahin si Hael, lalo na't alam ng mga tao dito kung gaano katinik ang lalakeng 'to.


Maaga palang din naman ngayon at for sure bulagta silang lahat. Ang dami ngang nag overnight dito eh.


"Ate Jia...hindi ka ba naiinitan?" Nakakalokong ngumisi sa'kin si Hael at hinila ang kuwelyo ng turtleneck ko.


"Gago ka. Why did you have to leave marks on me? Wag ka din masyadong lumalapit sa'kin kapag kasama natin yung iba." Anas ko at tinulak siya palayo.


"Too late. They already know we're close. You can baby me kahit nanonood pa sila." Hael clings to me.


Napaikot ang mga mata ko, "As if!"


"Kay Ate Eloi ka magpa-baby." Bungisngis ko.


"No fucking way." Simalmal niya naman agad. Niyakap ako nito at sumandal sa aking dibdib, "Ikaw lang dapat, Ate. Can you? Will you? Pleeaaseeee. Hael needs your lambing." Nag puppy eyes pa siya sa'kin.


I internally screamed. Hindi ko alam kung ma ki-cringe ako o ano. Pero cringed nga ang tawag dito! B-bakit ba siya ganyan? Hindi ko alam pinapagawa niya.


Pati mga exes ko ay hindi naman ganito ka-clingy. Gusto nila ako yung nagpapabebe sa kanila. Sobra naman 'tong si Hael! Ang korni korni!


"T-tumigil ka nga. Hindi mo ikina-cute 'yan." Saway ko sa kanya.


Iritado tuloy siyang humiwalay sa pagkakayakap at cross arms na sumandal sa headrest ng kama. "Bakit mo ako ginaganyan? Dapat ganunin mo ulit ako nung araw na naaksidente ako."


"Hindi ka naaksidente, Hael. Pinagtangkaan mo buhay mo!" Bwisit kong sabi dahil naalala nanaman.


"Atsaka anong ganon ganon?"

bastardaWhere stories live. Discover now