pang apat

850 4 1
                                    


"What the fuck?! Bakit may naglalakad na manika!"


It was Pamela I guess. Siya lang naman yung sinabi ni Kuya Sawyer na kapatid naming uuwi ng madaling araw.


She's morena and have this black wavy hair. Naka braids ang iilang hibla na bumagay sa suot niyang hook earrings. She's a mess. Natanggal na yung isa niyang falsies at namumula ang kanyang pisngi dahil sa kalasingan.


Subalit kahit na ganon.. litaw padin talaga ang ganda niya. Imposibleng hindi dahil kahawig niya si Madison Beer.


Baliw version nga lang.


"May manika! May manika!" Dinuduro niya ako na parang tanga.


Inawat na siya ng mga kasambahay at pilit na inaalalayan papuntang kwarto. Kung ano ano ang pinagsasabi. Gaga lang?

Maya-maya ay umakyat nalang din ako sa kwarto para matulog. Bukas kasi ay balak kong igala ang sarili sa beach. Hindi padin humuhupa ang excitement ko roon. Especially now that I'm free with bodyguards. Susulitin ko na ang pagkakataon.

Late na ako natulog kagabi dahil sa excitement. Saktong tanghali tuloy nagising. Whatever. Tuloy padin ang plano.

Tuloy padin talaga kahit wala akong matinong swimsuit na nadala! Gossshh! I can't be wearing swimsuits na hindi ko ko type. So hassle naman.

I'm sure mayroong malapit na boutique dito. Doon nalang siguro ako bibili para diretsahan na.

For the meanwhile, nagsuot lang ako ng white summer dress. Maikli lang ito, completely exposing my milky legs. I wore a brown sandals with wedges and a pretty cute strawhat.


Nakalugay lang ang mahaba at straight na straight kong chocolate brown hair na umaabot sa ilalim ng puwet. I fixed my side swept bangs a bit and put some lip gloss. Hindi ko din kinalimutan mag apply ng maraming sunscreen at sunblock.


All dolled up! Nag selfie muna ako bago makuntento at tuluyang lumabas ng kwarto.


"Ate, bakit ang tagal tagal mo? Kanina pa kami naghihintay." Salubong sa'kin ni Kei na ikinatalon ko.


Nagsalubong ang aking kilay nung makita silang lahat na nandito except kay Pamela na tingin ko'y may hangover pa ngayon.


Bihis na bihis ang mga gaga.


Si Kuya Sawyer ay nakasuot ng white polo, hindi ito nakabutones kaya kitang kita ang malapad niyang dibdib at six pack abs. Naka sunglasses pa at may hawak na donut salbabida.


"Zup, sissy. Sasamahan ka namin." Aniya.


Nabanggit ko pala ito sa dinner kagabi. Hindi ko aakalain na makiki extra sila!


"All set na ba? Taralets na." Sambit ni Ate Eloise na nakasuot ng two piece cow printed swimsuit at cow boy hat.


Yung dalawang kambal naman ay parehong may hawak na beach ball. They're both wearing the same board shorts and floral polo, hindi ito nakabutones pero may white shirt naman sa loob. Kyo is wearing his eyeglasses and uninterested expression while Kei flashes me his gummy smile.


Higit sa lahat... Hindi ko inaasahan na sasama din ang isang 'to.


"Finally! Lumabas ka din sa lungga mo!" Inakbayan ni Kuya Sawyer si Hael na naka plain white shirt lang at khaki short. May headphones pa na nakasukbit sa kanyang leeg. Sa totoo, beach ba talaga punta nito o dyan lang sa mall?


bastardaWhere stories live. Discover now