I don't know how many hours I've spent sleeping. I don't enjoy car rides or flights kung hindi naman ako interesado sa pupuntahan. But things got a bit more interesting when I saw the glistening waves of the bluest ocean.
Isang malawak at mahabang kulay asul na dagat. Malalaki ang alon at kumikislap ito sa repleksyon ng tirik na araw.
Binuksan ko yung bintana ng kotse para sumilip sa labas. Agad kong nalanghap ang maalat na hangin.
Ang daming tao na naliligo sa beach, some are sunbathing and doing their own fun activities. Madami rin akong foreigners na nakikita.
The unending line up of coconut trees on both sideways of the pavement makes the atmosphere more summery. Hindi ko mapigil ang sarili na luminga linga sa paligid.
Beaches in South Korea aren't appealing compared to what I'm seeing right now. Naninibago ako ngayon sa nakikita.
Ang nakasanayan ko kasi ay dagat na napapalibutan ng madaming buildings. Malamlam ang langit at cloudy tapos idagdag mo pa ang cold temperature na manghihikayat sa'yong tumambay nalang sa bahay kaysa magtampisaw sa tubig. Ganyan kalungkot ang beach sa Sokor kaya ang pangunahing recreational activities doon ay mountain climbing and hiking.
Subalit ngayon ay maaliwas na kalangitan ang nakikita ko. Meron pa namang buildings pero karamihan talaga ay mga kubo at cottages. The weather is also perfectly humid. Tipong gaganahan ka talaga magtampisaw sa malamig na dagat dahil sa init ng panahon.
"Exciting.." I hummed.
Nawala nga lang ang ngiti ko dahil papalayo na kami sa coast. We're now entering a private subdivision. Ngayon naman ay hindi na dagat ang sightseeing na aking ginagawa. Napalitan ito ng mga magagarbong bahay.
Hindi ko nga alam kung nasa subdivision pa ba ako or museum.
Sa wakas ay huminto ang kotse nung makarating sa dulo. Tapat nito ay ang isang white mansion.
Sa lahat ng bakuran na nakita ko ay ito na ata ang pinaka malawak. Sobrang lawak. Ang taas din ng mga gusali na parang ayaw ipasilip ang loob. Ganon din ang gate na may symbol na F sa center nito.
I think we've now arrived to my destination. Matagal nadin akong hindi nakabisita dito kaya hindi familiar sa'kin yung daan. Hinala ko naman ay nagkaroon ng renovations ang lugar na'to dahil lahat ay well-maintained at bago.
Mukhang hindi na namin kailangan bumaba para gamitin yung intercom. The gate slowly opened as if the people of this house are already anticipating my arrival.
Napasandal ako sa cushion nung pumasok na ang aming kotse.
Nilibang ko ang sarili sa magarbong landscape nitong white mansion. Mas malaki pa sa mansion namin ng sampung beses. Moderno din ang disenyo at ang unang pupukaw sa pansin mo ay yung malaking pool.
Kumunot ang noo ko dahil may nasulyapan akong dalawang lalake doon. Nakikipaglaro sa golden retriever yung isa while the other guy naman ay nakatambay lang sa hamok at nagbabasa ng libro.
Tumingin silang pareho sa kotse na sinasakyan ko.
These must be my half brothers tutal ay para sa'ming magkakapatid dedicated ang white mansion na'to. Walang ibang makakapasok kundi kami-kami lang din.
"Ma'am, puwede na po kayong bumaba." Sabi ni kuyang driver. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at kinuha ang nag iisa kong maleta.
Nangalay ang katawan ko sa byahe kaya napahawak ako sa bewang at batok.