The whole room is dark. Ang nagsisilbing liwanag lang sa tahimik na private room na'to ay ang nakabukas na TV at malamlam na ilaw mula sa hospital machineries.
Dinig ko din ang malalaking patak ng ulan na tumatama sa glass window at mula sa aking puwesto ay pinagmamasdan ko ang madilim na kalangitan.
Ang pangit ng panahon, idagdag mo pa na pinasadya talaga ni Hael na lakasan ang air-conditioning dito sa private room. Balot na balot tuloy ako sa kumot at nakabaluktot dito sa mahabang couch. Samantalang siya ay maaliwalas ang mukha at nakangiti pang tumitipa sa cellphone.
Is he having the best day? Paborito niya siguro ang rainy days. Hindi lang iyon dahil bumisita ang Mom niya kanina para kamustahin siya. Kinausap din ako nito at paulit-ulit akong pinasalamatan. She's a kind and genuine lady.. Kahit na anak ako sa kabit ng asawa niya ay hindi ako nakaramdam ng hostility dito. No wonder why Hael loves her mother too.
Sadyang gago lang talaga si Dad. Nakakainis siya.
Five days na kaming nakatambay ni Hael dito sa hospital. Kaunting araw nalang ay madi-discharged nadin siya. Gumaling nadin naman kasi ang maliliit niyang galos subalit nanatili padin ang cast sa isa niyang binti na napuruhan. Hindi padin siya nakakalakad ng maayos.
"Ate Jia, wag ka dyan." Puna sa'kin ni Hael. Medyo malayo kasi ang couch na hinihigaan ko sa kama niya.
Hindi naman ako nahihirapan dito dahil malaki.
"Saan naman ako pupwesto aber?" Pagtataray ko. Alangan naman doon ako sa silyang malapit sa kama niya, ang liit liit 'non. Hindi ako makakaunat.
"Dito ka sa tabi ko. Nilalamig ka diba? Let's cuddle." Ngumiti siya.
Ayan nanaman sa cuddle na'yan!
Napabuga nalang ako sa hangin na tumayo. Ang ganda ng mood niya ngayon kaya parang ang sama ko naman kung sisirain ko lang.
Umusod si Hael kaya sumiksik ako sa espasyo. May kalakihan naman ang kama kaya kasya kaming dalawa tutal ay petite ang katawan ko. Binalot ko sa'min ang makapal na kumot.
"Huwag mo akong hubaran." Sinamaan ko siya ng tingin dahil tinaas niya ang damit ko tulad nang parati niyang ginagawa nung mga nakaraan pang araw.
Hindi kasi siya mapakali. Chinecheck niya palagi yung mga sulok-sulukan ng katawan ko para tignan kung nandito pa ba yung mga marka na nakuha ko sa dalawang Viserra na'yon.
"Talikod ka, Ate." Utos niya pa. Ginawa ko nalang din.
"Satisfied?" Anas ko nang makita ang malaki niyang ngiti. Palibhasa malinis na ulit ang katawan ko sa kahit anong marka.
Umaayon talaga ang araw na'to kay Hael. Goods na goods ang mood eh.
Tahimik ako na pumikit at sumandal sa dibdib niya. This time ay ako ang nakayakap dahil hindi niya pa kayang tumagilid masyado.
I don't want to admit it but cuddling in this type of weather feels good. Ang bango ni Hael. Hinehele ako ng baby powder niyang samyo. Pati nadin ang mabilis na ritmo ng kanyang puso.
"Hael, nagka girlfriend ka na?" Hindi ko alam kung bakit ko tinanong 'yan.
Maging siya ay natigilan. Niyakap niya ako pabalik at magagaan ang mga daliri na sinuklay ang mahaba kong buhok.
"Hindi pa po. Hindi ako interesado. Dealing with people and relationships are too complicated for me. Ikaw po ba?" He softly spoke.
Sounds like we're the same. I find it hard too.