pangsampo

964 6 2
                                    


"W-WHAT?!"


Napatakip ako sa bunganga dahil sa isang rebelasyon.


Sumenyas si Pamela na tumahimik ako dahil nasa isang restaurant kami ngayon. Sinundo niya ako sa hotel at dinalhan ng damit pambihis kaya nagawa ko pang makalabas.


Late ko din napansin na ang dami niyang missed calls. Kagabi kasi ay bago ako makipag lampungan sa dalawang hotties na'yon ay pinicturan ko muna sila para isend kay Pamela. I informed her na makikipag threesome ako para hindi siya mamatay kakaalala sa paghahanap dahil wala ako sa party.

Activated din ang location sa phone just in case.


Wala namang nangyari na masama sa'kin. Subalit muntikan ay oo.


"Viserra ang dalawang 'yon?" Singhap ko.


Shet na malagket. Kaya pala kakaiba ang dating!


"Oo.. Kaya tumakbo ka nalang pag nagkita ulit kayo. For sure alam nadin nila ang pagkatao mo ngayon." Nakangiwing saad ni Pamela.


Napahilamos nalang ako sa mukha kahit walang tubig.


Damnit. Sa dinami daming tao sa party, doon pa talaga ako nakipag lampungan sa pamilya na karibal ng mga Fernez.


Wala namang kaso dahil I hold no personal feelings for them para magtanim ng galit, and maybe sila din ay cool lang sa nangyari since mga matatanda lang naman sa pamilya namin ang may tunggalian. Pero mas malabo pa sa tubig baha na maulit ang nangyari sa'min! No way in hell papayag ako knowing kung sino sila. Malamang na ganon din sila sa'kin.


Buhay ng pamilya ko sa mother's side ang nakataya pag nagkataon. Hindi biro na suwayin ang matatandang iyon pagdating sa mga Viserra.



Kinikilabutan tuloy ako.


"We'll keep it a secret." Tapik ni Pam sa balikat ko. May nakakaloko siyang ngisi sa labi nung makita ang hickeys ko sa leeg, "Damn girl. Those Viserras are monsters." Double meaning niyang sabi.


"Oo, mas halimaw pa sa halimaw." Ngiwi ko.


Himala na hindi pa ako naka wheelchair ngayon. Pero tingin ko ay kailangan ko  na dahil nabugbog talaga ang katawan ko. Partida na hinimatay ako. Paano kung hindi? May plano pa kaya tumigil ang mga 'yon?


Natulog nalang ako sa kotse ni Pam at hinayaan siyang mag drive pauwi.


Nung malapit na sa subdivision ay nagising nadin ako. Humihikab akong umunat.


Pansin ko na medyo pagod at inaantok din itong si Pamela pero nagawa niya pa talaga akong sunduin. Malaki ang naging pasasalamat ko sa kanya.


May mga twist na nangyari kahapon pero overall ay nag enjoy naman ako. Naalis sa isipan ko kahit panandalian ang mga bagay na bumabagabag sa'kin.


Ngunit hindi ibig sabihin 'non ay nasolusyonan na ito.

"Uh oh. Galit padin ang bunso." Pam muttered when we saw Hael on the mansion's double door. Nakatayo siya doon at magka krus ang mga braso.


His grey eyes sharpened after seeing Pam's vehicle. Ang laki ng simangot niya sa mukha. Bad mood na bad mood.


Napabuntong hininga ako. Tinanaw ko si Hael na pumasok sa loob ng mansion at hindi na kami hinintay bumaba.


"Wag mo intindihin 'yon. Madrama lang talaga." Tawa ni Pam.


Bumaba kaming dalawa sa kotse at sabay umakyat sa second floor. Katatapos lang namin kumain kaya dinismissed namin ang alok ng butler.


bastardaWhere stories live. Discover now