"Jia, ano 'yang suot mo?" Maarteng wika
sa'kin ni Pam dahil naka plain shirt at shorts lang ako."Okay na'to. Wala ako sa mood mag ayos." Pagsisinungaling ko.
"Fine. You're still pretty padin naman kahit walang ayos. So unfair!"
Pinakilala ako ni Pam sa iba niya pang kaibigan. Nahihilo na nga ako sa dami nila at hindi na matandaan pa yung mga pangalan kaya nilayasan ko siya para pumunta sa buffet area. Food trip ang atake ko ngayon.
Nakita ko pa si Hael na dinagit ni Ate Eloi pagkalabas palang namin. Kunot noo ulit ito at parang nagiging rude nanaman sa mga kaibigan ni Ate Eloi na pinakilala sa kanya. They're enjoying teasing him though. Tingin ko ay co-artists pa ni Ate Eloi yung iba. Marami ding nagpapa picture sa kanya.
Pinuno ko ang plate ng mga pagkain. Dinamihan ko na para hindi pabalik-balik mamaya. Mayroong sushi na kahapon ko pa crine-crave, chicken scones, sausage rolls, dumplings, at lamb skewers. I'm not sure if mauubos ko pa'to. Bahala na! For beverage ay stop muna ako sa alcohol kaya grape juice nalang.
Pumwesto ako sa hindi mataong lugar at tahimik lang na inobserbahan ang mga nagsisiyahang tao sa paligid. I stuffed my mouth with foods. Hindi ko trip na makipag socialize ngayon.
Hanga ako kay Pam dahil parang hindi siya nauubusan ng social battery. She really likes parties and drinking. Sana hindi siya magkasakit sa atay dahil sa pagiging lasengga niya.
"Are you not going to swim?"
"Ikaw, hindi mo padin ba isasara 'yang libro na'yan?" Tanong ko pabalik kay Kyo.
Kaming dalawa lang yung nandito sa gilid at medyo madilim na parte. Mukha kaming loner o KJ.
Nagpaalam si Kyo sa'kin bago kumuha ng pagkain ko sa plate. Pinayagan ko na. Parang nahihiya pa siya pumunta sa buffet area dahil madaming tao.
"How did you managed to get close with Hael, Ate Jia?" He asked.
Halata na talaga ang pagiging malapit namin ni Hael sa isa't isa. Napaka obvious kasi niya kahit may mga kasama kami. If we become careless for a bit... we'll get caught for sure.
"Tinatanong pa ba 'yan? Sinisikmura ko lang ugali niya." Makatotohanan kong sabi.
Hindi kabuuan. Alangan naman sabihin ko sa kanya na kinukulong ako ng konsensya?
Hindi ko padin kasi talaga mabura sa isipan ko na kayang gumawa ni Hael ng mga delikadong bagay kahit ipahamak pa siya nito. Natatakot ako.
"I see. That's a talent, Ate Jia. Congrats." Dry na sabi ni Kyo.
Napa-poker face nalang ako. "Thanks?"
Hindi rin nagtagal ay pumasok na si Kyo sa loob ng mansion. Gusto niya daw makapag focus sa nirereview dahil may long test pa naman daw sila sa major sub. Alam ko naman na pagkain lang din ang pinunta niya dito kaya binilinan ko ang isang maid na hatidan siya sa kuwarto. Sa sobrang mahiyain kasi ng lalakeng iyon ay baka hintayin niya pa matapos ang party bago makakain.
Nabusog ako kaya nagpahinga muna ako and then lumusong nadin sa pool na sana ay hindi ko nalang ginawa! Ang ganda kasi ng tubig at flower petals pero napakalamig naman.
Gininaw tuloy ako. Though alam kong masasanay din ako maya-maya.
Lumangoy ako sa gilid ng pool at tinutok ang sarili sa phone. Nag message nanaman kasi si Mom. I'm not a texter kaya tinawagan ko na. She never called me first.