pangatlo

811 2 1
                                    

Kasasabi ko lang kanina na hindi ako Yaya pero tignan mo. Tulak tulak ko ang trolley na naglalaman ng pagkain papunta sa kwarto ni Hael.

Actually ay mayroong maid talaga na maghahatid pero pinigil ito ni Kuya Sawyer para sa'kin mismo ipagawa yung task. Kaasar talaga ang lalakeng iyon. Napakadaming alam.


Huminto ako sa isang pintuan. Saglit na pinagmasdan ko ang golden plate at ang pangalan na nakaburda rito.


Mikhael.


Ah...nickname lang pala 'yung Hael.

Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay ng ilang segundo.


Walang sumagot.


Kumatok ulit ako at sinadya na lakasan ito.


Wala nanamang sumagot.


Sa inip ay kinapa ko ang spare key mula sa bulsa na ibinigay sa'kin ni Kuya Sawyer kanina. Alam niya pala na ganito ang mangyayari.


I was trying to be polite. Pero mukhang sutil ang batang ito.


Mabagal kong binuksan ang pintuan. Sumilip muna ako sa loob pero walang tao.


Huh? Pero sinabi ni Kuya Sawyer ay hindi pa daw lumalabas ng kwarto si Hael simula kaninang umaga. Sure ba siya? O baka hindi lang nila nakitang lumabas.


The room looks empty for a child.. Puti ang kulay ng apat na dingding at may iilang we bare bears posters na nakadikit. Well, there's a lot of we bare bears plushies pero lahat ito ay si Ice Bear.


Sarado ang mga kurtina at tanging malamlam na blue lights lang mula sa led ang nagbibigay buhay sa silid. Dahil sa combination ng white and blue ay mas lalong lumamig yung ambiance ng kwarto.


Napayakap din ako sa sarili dahil nagsitayuan ang balahibo ko sa lamig. Grabe! Nakatodo ba yung air-con? Para akong nasa freezer!


Tinulak ko padin yung trolley sa loob at interesadong nilinga ang paligid. Malinis yung king sized bed na may white bedsheet. Yung makapal na duvet kasi ay nakatambak doon sa isa pang higaan. Isang higanteng bean bag na puti, si Ice Bear din 'to ah!


Adik pala ang batang 'yon sa puting oso.


Mukhang sinayang ko lang ang oras dito. Iwanan ko nalang 'tong pagkain para may abutan siya. Iyon nga lang ay lalamig dahil sa mababang temperatura ng silid na'to. Dinaig pa yung winter season sa Sokor eh, tsk.


Okay, masyadong exaggerated 'yon.


Tumikhim ako at akmang aalis ngunit tumigil din nung may gumalaw sa bean bag.


"Oh? So may tao nga." Bulong ko sa sarili. Hindi ko nakita dahil nakatabon yung duvet.


Walang pagdadalawang isip na tumungo ako roon. Hinila ko paalis ang duvet at ganon nalang ang gulat ko sa natagpuan.


"H-heck??" I gasped.


Did Kuya Sawyer lied to me? Ang sabi niya bunso! Pero bakit isang binata 'to?


The boy didn't wake up despite of my footsteps and how I removed his comfort blanket. Mahimbing siyang natutulog at munti munti kong naririnig ang mabagal niyang paghinga.


Mukhang mahilig siya sa white..


Nakasuot din kasi siya ng plain white shirt at grey pajama pants. And damn....lumalabas pa ba sa bahay ang lalakeng ito? Naarawan pa ba siya? Dinadaluyan pa ba siya ng dugo? He's so pale. Not sickly pale, but almost like a milk.


bastardaWhere stories live. Discover now