Chapter 2

19 1 0
                                    

Amaris POV

"Nagreview ka?" iyon ang unang bungad sa akin ni Iraia pagdating ko sa classroom.

Nagtataka ko siyang tinignan nang inilapag ang bag ko sa aking upuan na katabi niya lang.

"Bakit? May quiz?" tanong ko.

"Oo. Hindi mo alam?"

Huh?

"Anong subject ba?" kalmadong sabi ko at umupo.

Basta hindi General Chemistry, magiging kalmado ako-

"General Chemistry." simpleng aniya bago bumalik sa pagbabasa ng notes.

"Gen Chem?!" namilog ang mata ko sa gulat at mabilis na kinuha ang notes sa bag.

"Wag ka na magreview, time na." natatawang saad ni Iraia at hindi rin nagtagal tumunog ang bell.

Shit. Next subject ay General Chemistry!

"Sinasabi na kasi sa'yo na makinig ka sa mga pahabol ni ma'am. Bakit ka ba kasi natutulog sa klase? Ang hirap mo kaya gisingin tapos todo hilik ka pa!" pagsermon niya sa akin.

"Inaantok kaya ako tapos hindi pa ako nakatulog ng maayos nang gabing iyon." pagdadahilan ko.

"Andito na si ma'am. Pakopyahin nalang kita, wag ka na magtampo dyan." proud na sabi ni Iraia, nakangisi.

"Thank you! The best bff ka talaga sa'kin!" hindi ko mapigilang humagikgik at umakbay sa kanya.

Sakto din at dumating ang teacher namin kaya lahat kami napa-ayos ng upo. He gave us 20 questions from the last topic yesterday.

Balancing Chemical Equations!

Nakakunot ang noo ko habang nakatitig sa questionnaires kasi panigurado akong wala ni isa dito ang idiniscuss niya kahapon!

Kaasar naman si Sir e! Wala talaga 'to sa lesson kahapon! Wala ni isa akong maalala tapos identification pa, walang choices o clue!

Naiiyak na ako sa inis!

Tapos si Iraia halatang nahihirapan din sa questions kasi mukha siyang uod na hindi mapakali sa upuan niya. Kamot sa ulo na akala mo maraming kuto tapos pati kuko niya kinakagat.

Hindi ko mapigilang matawa sa ginagawa niya at mas sumiksik pa palapit kay Iraia para tumingin sa mga sagot niya.

1. Cell Division

Cell Division?!? Biology yan e!

Gusto ko sumigaw sa kanya para sabihin na grade 11 lesson pa namin 'yan. Mukhang maling notes ata ang nabasa ni gaga.

"Ang mga mata miss Allejo!" suway ng teacher namin.

Napa-ayos ako ng upo bago nagpokus sa sariling papel. Rinig ko ang mahihinang halakhak ng mga kaklase ko pero hindi ko sila pinansin.

After for almost 20 minutes of draining my brains out to remember the last lesson, finally the quiz was over.

Panigurado may sampung check ako doon. May naalala kasi ako ng kunti kaya 100% sure ako na atleast kalahati ang score ko.

Nag check muna si ma'am bago inannounce 'yung mga scores sa harapan.

"Reyes, 5/20"

Napangiwi ako at tumawa ng malakas nang marinig ang score ni Iraia.

"Kapal ng mukha mo magpakopya, lowest ka pala e-" naputol ang sasabihin ko nang sumunod na inannounce ang score ko.

"Allejo, 3/20,"

My jaw dropped.

Ano?!

Rinig ko ang malakas na tawa ni Iraia sabay palo pa sa balikat ko. Tila aliw na aliw siya sa narinig habang ako nakatanga lang sa kawalan.

Adrifted Hearts (Friend Series #4)Where stories live. Discover now