Chapter 4

13 0 0
                                    

Amaris POV

"Sinabi niya iyon?!" komento ni Iraia nang ikwento ko sa kanila tungkol sa sinabi ni Ryo kahapon.

"Yeah,"

"Balita ko babaero 'yan eh! Madalas nasa bar, doon naghahanap ng chicks. Mga hapon talaga! Galante pero ang hilig mambabae. Lalo na kung alam nila na easy to get ka, sinasabi ko sa'yo, give sung ng give suuungg 'yan!" parang lasing na giit ni Iraia.

"Kapag najunakan ka, wala na, juntis ka na agad. Tatakbuhan ka pa ng responsabilidad. Pero iyo na ang pera, easy money diba?!" hirit pa niya at kumindat, naka ring gesture pa ang daliri.

"Lubayan mo na kaya 'yan?" suhestion ni Athalia na ikinangiwi ko.

"Ayoko,"

"C'mon Amaris, andaming nagkakagusto sa'yo, why does it has to be Ryo?" tanong ni Anastasia at kumagat sa kinakain na burger.

"Mas maraming nagkakagusto sa'yo sa HUMSS strand at feature writing department. Balita ko ikaw daw ang kadalasang gawin nilang character tuwing nagsusulat ng personality sketch." pagbabalita ni Athalia.

"See what I mean? Sa daming lalaking nagkakagusto sa'yo, bakit ang babaero pa na 'yan?" that was Iraia.

"I like him," I reasoned out.

"That's infatuation, Amaris," pangaral ni Athalia.

"C'mon! Its not like aabot 'to sa kasalan. We're too young to think about marriage. I just want to make my last senior year memorable before I spent my entire life on adulthood" sabi ko at humilig sa inuupuan.

"And you're using Ryo? Ano naman kinalaman niya sa pagiging memorable ng senior year mo?" naguguluhang tanong ni Anastasia.

"Asia, I just want to have my last relationship with him."

"Bakit mamatay ka ba? Paano mo na sabi na huling relationship mo na 'yan kay Ryo?" si Athalia iyon.

"They say college life is hard, to the point that finding a boyfriend is hard. So I'll make my last shot on Ryo, to see kung hanggang saan aabot ang kayabangan niya."

Umiling si Anastasia. "You're just using him to feed your own ego."

"Hindi kaya! I like him and I want him to be mine,"

"Tsaka wala namang mawawala sa akin kung ipakita ko na gusto ko siya, diba Iraia?" turo ko sa kaniya na ikinagulat niya din.

"A-ako?" turo pa ni Iraia sa sarili.

"Oo ikaw!"

"Teka bakit napunta sa akin?" naguguluhang tanong niya.

"Gising ka ba o nanaginip?" binigyan siya ng side-eye ni Athalia na katabi niya lang.

I heard Anastasia chuckling.

"Alam mo Iraia kung walang magandang lumalabas sa bibig mo, itikom mo 'yan," suhestion ko na ikinakunot ng noo niya.

"Ikaw nauna ah!"

"Ang gulo mo kasi kausap!"

"Ako pa magulo e ikaw nga yung topic tapos biglaang napunta sa akin!"

"Oo at hindi lang naman ang sasabihin mo ah!"

"Mahirap kaya 'yan!"

"Anong mahirap doon?"

"Alam niyo kung hindi kayo titigil, ihahampas ko 'tong libro sa inyo," suway ni Athalia sa amin habang hawak ang isa sa mga literature book ni Anastasia.

Tumulis ang nguso ko at bumilat naman si Iraia sa akin.

I gave her a middle finger that took her by surprise.

Adrifted Hearts (Friend Series #4)Where stories live. Discover now