Chapter 5

16 0 0
                                    

Amaris POV

"Break time!" sigaw ng cheerdance instructor namin.

I sighed heavily in frustration, we've been practicing for hours but we still hadn't perfected the pyramid stunt.

The big men's volleyball game was right around the corner, and we still didn't have it down pat.

Nagsisimula na akong mag-alala kung wala kaming sapat na oras para magawa ito sa tamang oras.

"Are you okay, Amaris?" tanong sa akin ni Lorvie, one of my cheer mates.

Tumango ako at tinungo ang aking upuan sa bleacher, huminga muna ng malalim at pakalmahin ang tumitibok na puso mula sa pagod.

Nang makaupo na ako, naagaw ang atensyon ko sa tawa ng mga naglalaro ng volleyball na pumapasok sa gym.

Malakas at maingay, umalingawngaw ito sa buong gym.

As I scanned them, one player in particular caught my attention. He was the first to enter the gymnasium, talking with his fellow teammates.

Wearing a red jersey and a black duffle bag slung over his shoulder.

My brows knitted when I stared more on him, he was faintly familiar, but I couldn't quite recall who he was.

"Kilala mo iyan?" tanong ko kay Lorvie na ngayon ay nakaupo sa tabi ko.

"Sino?" aniya at tumingin sa tinitignan ko.

Nginuso ko ang lalaking tinutukoy na ngayon ay tumatawa kasama ang mga kaibigan.

"Maven? Yung blond ang buhok?" aniya at tumango ako.

Maven? Parang pamilyar, siya ba yung nagbalik ng wallet ko kahapon? Sa jeep?

"He's the team captain of men's volleyball in our school. Sila din ang iche-cheer natin sa paparating na game," dagdag niya.

Pagkatapos niya sabihin iyon, sakto at lumingon ito sa direksyon namin. Bahagyang napaawang ang bibig ko nang mapagtantong siya nga yung lalaki sa jeep kahapon.

Nanlaki ang mata niya sa gulat nang makita niya ako at unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. Tinapik ni Maven ang balikat ng isa niyang kaibigan para umalis sa usapan bago naglakad patungo sa direksyon namin.

Nasagot lahat ng tanong ng aking utak nang tawagin ako nito.

"Amaris!"

Agad akong tumayo sa kinauupuan para salubungin siya.

"Magkakilala kayo?" hindi ko na nasagot ang tanong ni Lorvie dahil nasa harapan na namin si Maven.

His long legs made his walking speed 10x faster!

I gulped.

"Are you part of the cheerleading team?" he asked, looking at me.

Tumango ako. "Y-yes." awkward akong ngumiti.

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan, everyone in the gymnasium had their eyes fixed on us, and I felt as if a spotlight was being shined on us!

Mas lumawak ang ngiti niya nang marinig iyon. "Talaga? Can I watch you practice?" tanong niya na halos mabilaukan ako sa sariling laway.

"Ahm-"

"Sige daw!"

Nanlaki ang mata ko nang sumagot si Lorvie para sa akin. She glanced at me with a teasing smile before I pulled her aside.

"Bakit mo sinabi iyon?" mariing bulong ko sa kanya nang makalayo kami.

Lorvie chuckled. "Bakit hindi? Can't you see that he likes you, Amaris? Maven is so whipped," kinikilig na aniya.

Adrifted Hearts (Friend Series #4)Where stories live. Discover now