Chapter 13

12 0 0
                                    

Amaris POV

"Nagdala ka ng deodorant?" tanong ni Iraia pagkaupo sa tabi ko.

"Hala hindi!" panic na tugon ko.

"Bahala ka dyan sis, amoy putok na tayong dadating sa campsite! Hala si Dux baka maamoy ako!" she said hysterical at niyakap ang sarili pati ang kili-kili.

I laughed at her reaction. "Charot! Nagdala ako!"

Inambahan niya ako ng suntok at umirap. "Ang init kasi e, pati tuloy ilkis-ilik ko mamamawis." iritadong bulaslas niya.

"Ang hirap ng buhay 'no? Wala na ngang pera, walang pang sex life pero fucked up ang buhay." walang pag-aalinlangang sabi niya, hindi manlang binigyan ng pansin ang ibang students na maaring makarinig sa sinabi niya.

Imbis na suwayin, tinawanan ko nalang siya. Ganyan na siya e, wala na akong magagawa pa kundi pantayan ang kagagohan niya.

"Imbis na paganun, ginanon." tawa ko.

"May joke ako..." pigil na tawang panimula ni Iraia, kahit hindi pa niya nasasabi yung joke, tumatawa na siya.

"Anong tawag sa lamok na nakakatawa?"

"Ano?" sagot ko.

"Laughmok. Mosqui-HIHIHIHI-to!" humalagpak siya ng tawa habang pinapalo ako.

Ngumiwi ako sa ginagawa niya. Kahit may tama 'yan, mahal ko pa din siya.

Nasa likuran namin si Dux. Kaya todo papansin si gaga kasi andyan yung crush niyang nonchalant. Binigyan pa nga niya si Dux ng chips kaso allergic daw ito sa sour cream powder. Bagsak ang balikat naman na umupo pabalik si Iraia, nakabusangot ang mukha.

Kung wala lang ibang katabi si Dux, baka naisaboy ko na yung sour cream powder sa mukha niya para matignan kung ano yung reactions na nakukuha niya pagmatrigger. Kaso hindi ko na 'yun ginawa.

Dumating kami sa campsite matapos ang dalawang oras. Since Iraia and I were both STEM, nasa iisang bus kami kaya magkatabi, habang si Athalia ay nasa ABM bus kasama si Caleb, at si Anastasia nasa pangtatlong bus, HUMSS kasama ang kambal ko.

We set up our things to our rooms  before going around the area only to end up with myself. Kaasar naman kasi e! Wala si Ryo! Lahat sila kasama ang mga bebeluvs nila! Si Athalia natutulog. Si Iraia lumalandi kay Dux habang si Anastasia kasama si Xaven.

Nagmukhang loner tuloy ako buong camping. Maganda naman ang lugar pero sadyang hindi ko lang maappreciate kasi wala si Ryo. I took a picture of the trees being kissed by the sun rays before posting it on my Instagram story.

mari.pretty: craving for mochi😜🤌🏻

Nayayamot na ako sa gilid habang na nonood sa volleyball practice nila Maven. Isang oras na ang nakalipas. Nakatayo lang sa gilid habang chinecheer sila hanggang sa hindi inaasahang nagspike ang kabilang team. And I swear I saw life flashed through my eyes when the ball was aiming at my direction. My foot was glued on the ground, I couldn't move.

I pursed my lips. Handa nang tanggapin ang kapalarang maheadshot ako ng bola pero hindi inaasahan ang biglaang pagsulpot ni Maven sa harapan ko at malakas na pinalo pabalik ang bola.

"Okay ka lang?" humarap siya sa akin. He was taller than me, hanggang dibdib niya lang ako kaya kailangan ko pa tumingala para tignan siya.

Tulala akong nakatitig sa kanya at wala sa sariling tumango. My mind was still processing how I was about to hit my head hard with that damn ball! Pakshet!

Mukha bang net ang noo ko?!

"You're turning red, Amaris..." Maven pointed out, pursing his lips to hide a smile. Kumurap-kurap akong nakatitig sa kanya.

Adrifted Hearts (Friend Series #4)Where stories live. Discover now