Chapter 7

13 0 0
                                    

Amaris POV

"Magbihis ka nga, ang dugyot mo tignan," pagdadahilan ko at umiwas sa kanya ng tingin.

"Why? Gusto mo ba ikaw lang makakakita sa katawan ko?" pang-aasar niya pa.

Umirap ako at pinalo ang balikat niya. Natigil ako at lumaki ang mata sa gulat nang maramdaman ang tigas ng biceps niya! Bahagyang nilamas ko pa ito para siguradohin kung totoo ba ito o hindi, kasi halatang hindi e!

Pwede ba akong maheadlock nito?

O to the M to the G!

Ang yummy!

"Are you enjoying baby?" malanding tanong niya kaya tumingala ako at agad na binawi ang kamay na nasa balikat niya bago tumikhim at humakbang paatras.

Nakakahiya!

Baka sabihin niya uhaw ako sa biceps kahit na totoo naman!

"Magbihis ka na shoo!" pagtataboy ko sa kanya.

"Fine. Stay here baby girl," kumindat pa ang boang sa akin bago naglakad pabalik sa CR. Mukhang doon ata siya magbibihis.

Sakto at nang mawala na ito sa paningin ko saka lang ako nangilabot sa pandidiri. Baby girl? Psh, halatang tawag niya ito sa mga babae niya. Babaero talaga!

Hindi naman siya nagtagal, sakto lang para maubos pasensya ko kaka-antay.

Nakasuot siya ng puting polo at naka-tuck in iyon sa itim na cargo pants, puting sapatos din na bumabagay sa kanya. Bagsak ang itim niyang buhok at natatakpan ang mga mata niya ng bangs niya. Halata sa hitsura niya na kakagaling niya lang maligo pero kahit na ganun, pogi pa din.

Simple lang ang porma, pero swabe ang dating. Baka bebe ko 'yan!

Maraming napapalingon sa kanya habang naglalakad palapit sa akin. Kung hindi lang siya pogi ngayon, baka binato ko na sapatos ko sa mukha niya.

Paano ba naman eh kumikindat pa siya sa mga babae na nakatingin sa kanya. Lumalandi amp. May pa nguso pa siya na kunware nagbibigay ng flying kiss.

I crossed my arms before narrowing my eyes at him. Nang tuluyang malapitan na niya ako, nakangiti niya akong hinarap.

"Let's go," aniya, inakbayan ako at kinaladkad paalis. Nagmukhang hinead lock tuloy niya ako dahil sa laki ng biceps niya na nakapalupot sa leeg ko.

Just as we was about to exit the gym, someone called. Natigil kami sa paglalakad, tumaas ang tingin ko kay Ryo at kita ko ang pagsilay ng ngisi sa dulo ng labi niya. Bumitaw siya sa pagka-akbay sa akin.

I pouted. Sayang, moment na namin 'yon e!

"Ryo!" sabay kaming napalingon sa likuran niya nang marinig ang mga kaibigan nito na papalapit sa direksyon namin.

Humarap si Ryo sa kanila at mas kumunot ang noo ko kasi sobrang lapad ng likuran niya, halos wala akong makita! He was blocking my view!

I moved to his side to get a better view of his friends. He glanced at my action, arching a brow.

"Higante amp," malditang sabi ko at umirap, hindi siya tinignan pabalik.

"May practice mamaya, saan ka pupunta?" tanong ng isang kaibigan niya at nakipagfist bump nang makalapit ito. Nakangising sinalubong ito ni Ryo.

"Library. May assignment kami sa practical research." maikling sagot niya.

"Any updates?"

"Nakita namin kanina si Han. Ang yabang gago, akala mo siguradong mananalo na sila eh we've won against them for five consecutive years. Hambog masyado," reklamo ng isa sa mga kaibigan niya.

Adrifted Hearts (Friend Series #4)Where stories live. Discover now