Artemisa Residence Rooftop
"Sabi nila, dadaan ka daw sa maling tao bago ka mapunta sa tamang tao- kaya mga maling tao, pila na!" Sigaw ni Rosena habang nag-iinuman sila nina Gico at Rica.
"Sira ulo ka talaga." Sabi naman ni Gico na napakamot-ulo na lang habang pinapanood ang kaibigan na mabaliw. "Tama na ha, ginagawa mong tubig ang alak, 'yong puso mo."
"'Yong puso ko nag-breakbreak into a million pieces." Biro ni Rosena.
"The heart wants what it wants." Sabi naman ni Rica sabay tagay ng alak.
"Isa ka pa, tama na kakashot, may pasok ka pa mamaya. Tara na nga magsipagtulog na tayo." Sabi ni Gico tapos inalalayan niya na ang dalawa pababa ng hagdanan.
Nahiga si Rosena sa sofa, si Rica at Gico naman sa kwarto nila sa tabi ni Galaxy.
Rosena's POV
Ang sakit ng ulo ko pagkagising ko. Naaalala ko pa naman lahat ng ginawa ko kagabi. Sadyang normal lang ata sa katawan ng tao ang sumakit ang ulo dahil sa alak. Alam ko namang bawal sa akin ang alak at alam kong macecermunan ako ni Mama BR kapag nalaman niyang nag-iinom ako. Pero masarap kasi e.
This is Rosena 2.0, mas strong, mas confident, at higit sa lahat, mas sexy.
Napatingin ako sa reflection ko sa salamin, pagkasuot ko ng salamin ko, nakita ko si Adrie. Si Adrie na naman, si Adrie pa rin. Siya pa rin talaga. Ayon ata ang hindi na magbabago sa akin. May mga manliligaw naman ako, pero siya pa rin ang naiiisip ko palagi hanggang ngayon. Kaya kapag hindi na kaya ng pahinga, dinadaan ko na sa alak. Alam kong maraming pwedeng pagbalingan ng nararamdaman ko bukod sa alak, pero ang alak ang pinakamadaling solusyon sa ngayon. Lalo na't kasabay ng mga back subjects ko ay nagtratrabaho pa ako, OJT pa next sem, hays.
Alam ko namang hindi ako 'yong mali, wala sa aming dalawa ni Adrie 'yong mali, nasa panahon 'yong mali. Kailangan kasi ng tao na may sisisihin, may ituturo kung bakit nangyari ang lahat, pero wala akong maituturo. Madaming beses na sa buhay kong masyado akong nagmadali, nakalimutan kung gaano kaimportante ang bawat segundo at kung paano ko dapat ninamnam lahat ng oras na meron ako para magkamali, matuto, at hanapin ang sarili.
Maraming nagmamahal sa akin at marami din akong minamahal. Maraming grupo kung saan ako nakakasama, pero wala sa mga grupong 'yon ang kulang kapag hindi ako kasama kundi ang grupo kasama sina Gico, Paige, Sharine, at Adrie. Na ngayon e may kanya-kanya na ring ganap sa buhay. Ayoko sa lahat na nagdradrama at dinadaan ko sa biro lahat, pero ang sakit maiwan.
Maiwan ng ama, maiwan ng kaibigan, maiwan ng minamahal, maiwan ng panahon. Parang hindi ako makasabay sa lahat, parang lagi akong huli.
"Rosena, kain na aba." Sabi ni Gico na naghain na pala ng pagkain sa mesa habang tulala ako.
"Ay thank you." Sabi ko naman. "Malapit na birthday ni Galaxy a."
"Alam mo 'yong malapit mo pang-probinsya, ang layo. Dalawang buwan pa." Sabi naman ni Gico.
"I agree, malapit na." Sabi ni Rica.
Napailing na lang si Gico.
"Ano kayang theme?" Tanong pa ni Rica.
"Edi space, ano pa ba?" Sabi ni Gico. "Papahirapan pa mag-isip ang sarili e."
Napansin ni Ros na bumabalik na naman ang dati, si Gico at si Rica na nag-aaway palagi. "O huwag na kayo mag-away, ako na mag-aasikaso."
"Edi napagalitan ka na naman ng nanay mo." Saway sa akin ni Gico.
"Hindi niya naman malalaman." Sagot ko.
"Uuwi si Adrie, baka pagalitan ako kapag napagod ka." Sabi ni Gico. "Joke."
"Ang pangit mo mag-joke." Sabi ko.
"Gusto mo naman." Pang-aasar ni Gico.
"Gusto mo 'to." Sabi ko tapos pinakyuhan ko si Gico.
Tinakpan niya naman ang mata ni Galaxy. "Ano ba naman Ros?"
"Sorry sorry." Sabi ko habang natatawa.
Kingdom College Lobby
"Hi Rosena." Bati ni Van na nakatambay sa booth ng SC.
"Hello" Bati ko pabalik.
"Tawag ka pala ni Ma'am Sandoval sa office niya." Sabi niya.
"May klase ako e." Sabi ko naman.
"Wala naman si Ma'am Abad ngayon." Sabi niya.
"At paano mo naman nalaman na si Ma'am Abad prof ko?" Tanong ko.
Tumawa lang siya.
Pumunta na ako sa office ni Ma'am Athena Sandoval, ang prof ko sa ICT, para tanungin kung bakit ako pinapatawag.
"Good morning, Ma'am Thena." Pagbati ko pagkapasok ko sa office niya.
"Good morning, Rosena! Naku, thank you at pumunta ka agad ha. Kailangan kasi namin ng tulong sa event, 'yong college-wide seminar na gaganapin sa Novotel. Wala pa kasing sponsors at kulang pa ang fund." Salubong ni Ma'am Thena sa akin.
"Sige lang po, kailan po ba kailangan?" Tanong ko.
"By next week sana tapos na, pasensya na Rosena ha." Sagot naman ni Ma'am Thena.
Wala naman akong choice 'di ba?
Bago ako lumabas ng faculty department, tinawag ako ni Sir JB, "Rosena."
Lumapit ako, "Yes Sir?"
"Ayaw mo na talaga mag-officer?" Tanong niya.
"Hindi na Sir, hassle, ngayon ngang hindi ako officer pagod na pagod pa rin ako e." Sagot ko.
"Balita ko kasi parang hindi na makikipagpartner ang org niyo sa FMPA this year." Sabi ni Sir JB.
"Huh? Bakit? Sayang naman." Sabi ko.
"Kaya nga anak e, ikaw na kaya mag-ayos." Sabi naman ni Sir JB.
"Sige Sir, try ko." Sabi ko naman.
Aba ayos a, dami ko agad gagawin.
Bago na kasi ang officers ng school org namin, hindi na ako nag-try tumakbo dahil si Ma'am Celia na ang adviser. Ayaw ni Ma'am Celia sa akin, sa katunayan niyan, dahil iba ang kulay ng buhok ko, at dahil wild card trainee ako ng FMPA at wala sa mga "anak" niya ang umabot do'n, may code name siya sa akin, "anime girl" daw.
Pagkapasok ko sa klase ni Ma'am Celia, chinat ko na si Moises para magtanong about sa membership ng school namin sa FMPA.
start of conversation
ME: Moi, pwede mo ba ma-check kung ano status ng school namin sa FMPA?
MOISES: Oo naman. Sayang hindi ka naging officer, kung nag-defend ka lang sana one more time.
ME: Wala na 'yon, okay na 'yon.
MOISES: Hahahaha namimiss mo na kami 'no.
ME: Hindi a.
MOISES: Weh, ang hirap maniwala.
ME: HAHAHAHA. 😹
MOISES: Oy bayad 'yong school niyo pero unresponsive officers niyo this year. Anyare?
ME: Ewan ko ba.
MOISES: Bakit kasi hindi ka tumakbo uli?
ME: Edi napagod ako.
MOISES: Sira, ikaw na lang ba ilalagay kong contact dito?
ME: Sige, forward ko na lang sa kanila emails niyo. Thank you.
MOISES: NP
ME: No pangets
MOISES: Hahahaha
end of conversation
"Ms. Rosena. What's recruitment?" Tanong ni Ma'am Celia.
"Finding new people for an organization." Sagot ko na hindi niya inasahan, akala niya ata magfefail ako.
Pagkauwi ko sa apartment ko galing sa school, nag-email na ako sa sponsors na pwede makapagsponsor sa college-wide seminar namin next week, pagkatapos non, nag-relapse na naman ako. Naalala ko kung paano ako alagaan dito ni Adrie. Kung paano niya ako inasikaso. Mga bagay na sa memorya ko na lang mababalikan.
Lumapit sina Adie at Roie sa akin.
Ano ba 'to para naman akong single mom neto.
Iniisip kong umuwi na sa bahay namin, kaso naman, mas malayo 'yon sa school. Pero at least do'n may kasama kami nina Adie at Roie, hindi sila naiiiwan mag-isa sa bahay, hindi ko rin maaalala si Adrie do'n kasi hindi naman kami nagbonding do'n. Ah, siguro pagkagraduate ko na lang.
Galing ko mag-overthink 'no?
Adrie's POV
"Hello, Earth to Adrie?" Ate Anne said as she talked to me about dad's medical procedure.
"What? I'm listening!" I answered.
"Uh. No you're not." Ate Anne said.
"I will be with dad, you can go to work." I said to finish the discussion.
"Fine, but make sure you pay more attention than you do now." Ate Anne said then left.
Ros has been on my mind non-stop. I know, when she followed me here I ran, but I shouldn't have. I should've cherished my moment with her. But I didn't want her to think na I'm taking advantage of her feelings, that's why I ran away. Even if it would hurt. Even if it means that I would lose her. All for my family.
Gico's POV
Away na naman kami nang away ni Rica. Parang wala pa talaga sa bokabularyo niya ang pagiging ina. Tulad ngayon, iniwan na naman niya si Galaxy sa akin e alam niya naman na nagwowork ako from home.
"Ano Galaxy? Huwag kang maingay ha." Sabi ko sa anak kong napakacute.
Ngumiti lang siya sa akin tapos tinuloy ang pagpukpok niya ng hawak niyang Lego sa sahig.
"Gicooo." Pagkatok ni Rosena.
Pinapasok ko na si Rosena sa magulo naming bahay. Agad siyang kumuha ng walis at mop sa kusina at naglinis. Hindi ko naman napigilan kasi nagwowork pa nga ako. Nung break ko na, ginulo ko na si Rosena.
"Yaya Panget, tama na po kalilinis diyan." Pang-aasar ko kay Rosena.
"Ang alikabok, ang anak mo magkakasipon." Seryosong sabi ni Rosena.
"Para nga ma-immune siya e." Sabi ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Gico alam mo ang sarap mo ilagay sa ref."
Natawa ako, "Bakit naman?"
Tinignan niya lang ako tapos tinapos niya na ang pagwawalis at pagmomop niya.
Sumandal ako sa may door frame ng kusina tapos tinignan si Rosena. "Nangangayayat ka, wala kang pagkain?"
"Kumakain naman ako." Sagot niya. "Ikaw sobra ata pagkain mo."
"Kulang ka sa Adrie." Pang-aasar ko.
"Mukha mo kulang sa pogi." Sabi niya.
Natawa ako, "Alam mo Par, focus on yourself na lang muna. Nakakatakot ka kasi."
"Paanong nakakatakot?" Tanong niya.
"Nakakatakot in a way na masyado kang ready. Masyado kang strong. Sinong lalaki hindi matatakot do'n?" Sagot ko.
"Alam mo Gico, kung nakakatakot ako sa pinsan mo, siya 'yong kailangan mag-focus sa sarili, hindi ako." Sabi niya.
"Good argument." Sabi ko na lang. "Ano pala need mo sa birthday ni Axy?"
"Budget." Maiksing sagot niya.
"Galit ka ba?" Tanong ko.
"Hindi." Sagot niya.
"E ano ngang kailangan?" Pangungulit ko.
"Gico, pera nga, paano ko mabibili lahat kung walang pera?" Tanong niya.
"Sungit mo naman." Sagot ko.
"Hindi a." Sabi niya. "'Di ba Axy? Ilong ilong ilong, bibig." Pakikipaglaro niya kay Axy habang hawak ang kamay ni Axy.
"Ako rin, sali ako." Sabi ko. "Ilong ilong ilong ilong, jowa."
"Kasing panget mo 'yong joke mo." Sabi ng naiirita nang si Rosena.
Rosena's POV
Nang makatulog na si Galaxy, tumambay lang ako sa sala nina Gico habang siya tinatapos ang shift niya. Nagbabasa ako ng horror book nang dumating si Rica na lasing na lasing.
"Hi B." Bati niya.
"Hello B, saan ka galing?" Tanong ko.
"Nag-hangout with some friends." Sagot niya.
"Ayaw mo bang kasama si Axy B?" Tanong ko pa.
"What are you talking about?" Tanong niya pabalik.
"Iniiwan mo lang kasi siya kay Gico. Tanong lang naman." Paliwanag ko.
"I'm just trying to enjoy my life." Sabi niya sabay uminom ng tubig. "Besides, Gico is not complaining naman."
"Okay, if ayan ang trip niyo." Sabi ko tapos nagpatuloy na ako magbasa.
Umakyat na si Rica papunta kay Gico. Narinig ko silang nag-aaway pero hindi ko maintindihan. Nung lumakas na 'yong pag-aaway nila, pinuntahan ko na si Axy sa kwarto para i-check kung nagising ba. Buti na lang nagmana si Axy sa tatay niyang mantika kung matulog.
"Magpa-counseling nga kayo." Saway ko kina Gico at Rica na nag-aaway.
"Walang counseling ang makakagamot dito sa baliw na 'to" Sabi ni Gico tapos tinuro si Rica."FYI, baliw kayong pareho." Sabi ko sa kanilang dalawa. "Ayusin niyo para sa mga sarili niyo at nang mabuti kayong halimbawa sa anak niyo."
"Pero-" Magdadahilan pa sana si Gico."Hep. Tama na, uuwi na ako, huwag kayo mag-ingay diyan baka magising anak niyo." Pambabara ko sa kanya.
"Bye. Good Night. Thank you." Sabi ni Gico bago ako tuluyang umalis.
Pagkauwi ko, sumalubong sa akin sina Adie at Roie na parang isang taon akong hindi nakita. Nakikipagharutan ako sa kanila nang mag-ring bigla ang phone ko. Si Adrie, tumatawag.
answers call
"Ros?" Sabi ni Adrie pagkasagot ko ng tawag.
"Adrie?" Tanong ko pabalik.
"How are you?" Tanong niya, parang lasing pa siya sa boses niya.
"I'm fine." Sagot ko. "Ikaw?"
"I miss you." Sambit niya.
"Wushu, tigilan mo nga ako Adrie! Ayan ka na naman e." Sabi ko.
Tumawa siya. "How's our babies?"
"They're healthy at makulit." Sagot ko. "Ito oh" Inopen ko ang camera tapos tinapat ko kina Adie at Roie. "Hi kay Daddy Ads."
"Bakit hindi pa kayo nag-sleep?" Tanong ni Adrie.
"Kasi kakauwi ko lang galing kina Gico." Sagot ko naman.
"What? Is Rica not there?" Tanong niya."She's here naman, para lang wala. Joke." Sagot ko.
"Adrie, can we talk about us?" Tanong ko naman. "Ano ba talaga tayo?"
"Sorry I need to go, dad needs me." Sabi niya tapos inend niya na ang call.Edi wow, Adrie.
Napatingin na lang ako sa singsing na binigay ni Adrie nung huli kaming magkita. Kung bakit kami humantong sa ganito ay hindi ko pa rin naiintindihan. Pero ano pa nga bang choice ko?
BINABASA MO ANG
Labo: Hate the Game
RomanceRosena and Adrie's love story had always been filled with uncertainty and distance. As Adrie found himself in the US getting his money right while taking care of his dad, Rosena remained in the Philippines focused on finishing her studies. Their bon...