Rosena's POV
Ngayon ang first day ng tournament, halo-halo ang nararamdaman ko dahil late halos kalahati ng committee, maaga dumating ang ibang team, naglalandian 'yong magjowang committee na maaga dumating imbis na kumilos, dadalhin pa lang ang shirts namin, at wala pa ang president ng Computer Society na si Paul. Kung nandito si Mama BR, for sure tatanungin niya ako kung bakit kasi ako nangingialam sa kanila. Kung may grade ba akong makukuha dito.Meron naman, taas grade ng mata dahil sa stress.
"Rosena, mag-oopening remarks ka later." Sabi ni Paul pagkadating niya.
"Ay? Bakla ka, bakit ako?" Tanong ko.
"Ikaw Marketing Head." Sagot niya."Bakla, ikaw ang PRESIDENT." Sabi ko.
"Kaya mo na 'yan, ikaw pa ba?" Pambobola niya.
Napatahimik na lang ako.
Bakit ba ganito ang mga tao? What if hindi ko na kaya today?
-
"Helloooo..." Panimula ko.
"Hiiiii" Sabi ng audience."Hep hep..." Sabi ko.
"Hooray!" Sabi naman ng audience.Nagtawanan kaming lahat, nakita ko si Dean na nakapamewang sa gilid kaya umayos ako.
"... By the way, I am Rosena D'rio, marketing student and the marketing head of Kingdom Mobile Legends Tournament: Kings of the League. Today is the start of the first-ever season of Mobile Legends Tournament of Kingdom College. I hope my fellow Royals will enjoy this event that we, the Kingdom Computer Society along the other College Organizations worked so hard for. That being said, I would like to thank the teams, our Dean Dimples, the Institutional Affairs, all of the College Organizations, and our sponsors, for making this event possible. Win or lose, always remember that we are all Kings and Queens at our own Leagues in life. May the best team win!" Sabi ko tapos nagpalakpakan naman sila.
Hooh, natapos din jusq.
Nang mag-start na 'yong mga laro, nag-shut down na ang utak ko at nanood na lang ako, bukod kasi sa bihira magsalita 'yong casters, dahil natutulala rin sila sa malaking TV, e wala na rin ako masyado aasikasuhin bukod sa sponsors na busy na busy naman mamigay ng mga product nila sa mga attendee at players.
"Ros" Sabi ni Van, "Busy ka?"
Anong tanong 'yan? Nakatulala lang ako, hindi ako nagcecellphone, wala akong hawak na kahit ano para magmukha akong busy."Oo e." Sagot ko.
"Sige sige" Sabi niya tapos bumalik sa pwesto niya.
"Hoy joke lang, ano 'yon?" Sabi ko nang humabol ako sa kanya papunta sa tech boothIpapahandle lang pala niya 'yong pagpipicture kasi nilayasan na naman kami ni Paul na as usual e nakasiksik sa boyfriend niya. Sana lahat 'di ba, may sinisiksikan?
Nagpicture-picture na ako sa paligid, busy naman silang lahat, sa pagkain, paglalaro, pag-commentate, spectate, pagmamarshal, at pagtambay. Pagsilip ko sa Dance Studio nando'n pa rin 'yong magjowang naghaharutan simula umaga.
"Anong ginagawa niyo diyan? Bakit hindi kayo tumulong sa labas?" Sabi ko.
"Nagpapahinga lang." Sagot nung lalaki.
"Kaninang umaga pa kayo diyan, ayoko ng freeloader, tanggalin niyo event shirt niyo, ibigay niyo sa naubusan ng shirt na tumutulong sa labas, tapos umuwi na kayo." Sabi ko.
Tinignan lang nila ako.
"Ngayon din" Sabi ko.
Tumayo na sila tapos lumabas ng Dance Studio.Bigla na lang ako nakaramdam ng hilo, tinignan ko ang relo ko kung anong oras na, 3pm na pala, hindi pa ako kumakain. Ganito ang tamang gawain, kumain kapag hihilo at nanginginig na. Pumunta ako sa booth nung mexican resto. 'yong may-ari na pogi ang nagtitinda.
Sher pebele nge eke neches pete berrete hehehe pede pete heg ne den kehet 5 secends weleng melesye.
Sa sobrang ganda ng smile niya napabili na lang ako ng lahat ng itinitinda niya.
BINABASA MO ANG
Labo: Hate the Game
RomanceRosena and Adrie's love story had always been filled with uncertainty and distance. As Adrie found himself in the US getting his money right while taking care of his dad, Rosena remained in the Philippines focused on finishing her studies. Their bon...