Nov 1

193 97 9
                                    

Rosena's POV

Ang daming nangyayari ngayon, una sa lahat may issue pa rin ang BA officers sa akin kaya every time na magkakasalubong kami, ang sasama ng mga tingin nila, sira pa rin ang cellphone ko, 'yong standee ng sponsor hindi pa rin nahahanap, wala kaming way para malaman kung sino ang kumuha ng fund, and Paul is nowhere to be found, as in nag-disappear into thin air. Kanino ang pressure ngayon? Syempre sa akin. Tumulong lang ako, napasama pa.

"Ano Rosena, anong balak mong gawin?" Tanong ni Ma'am Thena.

"Ma'am? To be honest hindi ko po alam kasi tinulungan ko lang po ang org niyo pero parang napasama pa po ako. Lalo na sa sponsor, pwede ko pa naman po 'yon future connection sana, mawawala pa." Pag-explain ko kay Ma'am Thena, "Isa pa po, tinitext na rin nila ako na worth 1500 'yong standee na nawala and bayaran na lang daw po."

"Hala, pa'no 'yan? Hawak din ni Paul ang fund para sa org shirt ng org namin, nasa kanya lahat ng pera." Tanong ni Ma'am Thena.

Ayan ang hindi ko na masasagot. Bakit ba kasi ako ang tinatanong? Hindi naman ako nagsusuka ng pera.

"Ma'am try po namin puntahan bahay ni Paul para po matanong sa kanya kung ano talagang nangyari sa funds at baka nauwi niya rin ang standee ng sponsor." Sabi ni Van na kararating lang.

"Sige sige, ikaw Ros, pumasok ka na sa klase mo alam mo naman si Ma'am Celia." Sabi ni Ma'am Thena sa akin.

"Sige po." Sabi ko.

Umakyat na ako sa second floor para pumasok sa boring na klase ni Ma'am Celia.

"Good morning po." Pagbati ko.

"Ms. Rosena, you're 2 minutes late." Salubong ni Ma'am Celia sa akin.

"Opo, sorry may na-discuss na po ba kayo?" Tanong ko.

"Wala pa naman." Sagot niya.

Wala pa naman pala e.

"Okay po" Sabi ko nang nakangiti.

After ng mga klase ko, nakita ko si Van at Ate Yanyan na naghihintay sa may pinto. Parang gusto ko naman dumaan sa ibang pintuan kasi ubos na ang social battery ko ngayong araw, kaso wala namang ibang pintuan ang classroom namin.

"Hi, Ros, punta tayo kina Paul" Sabi ni Van.

"Pwedeng don't?" Biro ko.

Natawa na lang siya tapos binuhat ang gamit ko.

Pagdating namin kina Paul, kapatid niya lang ang lumabas para kausapin kami, sabi ng kapatid niya wala daw siya do'n, hindi rin daw nila alam kung nasaan at kung alam daw namin kung nasaan, ipagbigay alam namin sa kanila.

Umakyat na ang dugo ko sa ulo ko sa sobrang stress kay Paul. Napahilot na lang ako ng sentido kakaisip kung ano nga ba talagang nangyari sa kanya, siya ba ang salarin? Siya ba kumuha nung pera? Kaya nagtatago siya ngayon?

"Inom tayo" Sabi ni Ate Yanyan

"Sige Te" Sabi ko. "Tamang-tama, shift ko na rin maya-maya"

Pumunta na kami sa bar na pinagtatrabahuhan ko. Pagkarating namin, umorder agad si Ate Yanyan ng dalawang bucket ng beer. Unang nagbukas ng beer si Van, ipinagbukas niya na rin kami.

"Naging kayo ba ni Vallins?" Tanong ni Ate Yan.

Lahat ba magtatanong niyan?

"Medyo" Sagot ko.

Natawa sila, "Anong medyo?"

"Kunti lang." Sagot ko.

"Maghanap ka na dapat ng iba, hindi 'yong naghihintay ka sa wala" Sabi naman ni Ate Yan. "May papakilala ako sa iyo, pogi." Dagdag pa niya

"Ayaw ko Te" Pagtanggi ko.

"Dali na, try mo lang" Pamimilit niya. "Bukas, sa house party nila isasama kita" Sabi niya.

"Ate naman e" Sabi ko.

"Dali na, bawal tumanggi sa grasya" Pang-gguilttrip niya.

Napabuntong hininga na lang ako, "Sige na nga po."

-

"Labis na naiinip, nayayamot, sa bawat saglit,
Kapag naaalala ka, wala namang ibang magawa,
Umuwi ka na Adrie- ay sorry po, baby nga pala,
'Di na ako sanay nang wala ka,
Mahirap ang mag-isa

At sa gabi, hinahanap-hanap kita aaaaah..." Pagkanta ko, nakakahiya, nabanggit ko pa si Adrie. Mamatay-matay sa kakatawa sina Van at Ate Yan na mga lasing na.

Labo: Hate the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon