Rosena's POV
"Ate Anne, pakibigay na lang po nitong gift ko kay Adrie pati kay Papa Drake, ito naman po gift ko kay Mama Aline, Kuya Andrin, at sa iyo." Sabi ko kay Ate Anne habang inaabot ang mga Christmas Gift ko sa kanya.
"Thank you Baby Giiiirl, you didn't have to." Sabi ni Ate Anne, may dala siyang napakalaking eco bag na inilapag niya sa harap ko.
"These are from us." Sabi niya. "You have here, maternity clothes, things from Guam from me, Dad, Mom, and Andrin, vitamins from Adrie and a box, also from him, that I don't know kung ano laman, open mo na lang sa Christmas."
Naluha ako, sila pa una nagbigay sa akin ng maternity clothes kaysa sa pamilya ni Xavier. "Thank you po."
"You take care ha, mag-ayos ayos ka pa rin ng self mo, napapabayaan mo na ang sarili mo Baby Girl. Do'n muna kami nina Mom and Andrin sa Guam, but if you need anything just tell us ha." Sabi ni Ate Anne.
"Yes po, maraming salamat talaga." Sabi ko tapos yumakap ako kay Ate Anne.
"Awww. Love you." Sabi ni Ate Anne. "Go na ako ha baka ma-late kami sa flight."
"Love you too, Ate. Ingat po." Sabi ko tapos hinatid ko na si Ate Anne palabas ng apartment ko."Hi Hon. Saan pupunta Ate mo?" Tanong ni Xavier na kararating lang.
"Sa Yekok." Sagot ko.
"Hon naman e." Sabi niya tapos humalik siya sa pisngi ko.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko.
"Bibigay ko sa iyo gift ko." Sagot niya.
"Ay may gift ka sa akin?" Tanong ko. Wala naman kasi siyang buhat-buhat na kahit ano kaya napatanong ako.
Judgemental?
"Yes po." Sagot niya.
Pumasok kami sa loob ng apartment at naupo sa sofa.
"Ito po" Naglabas siya ng lighter na kulay gold. "Ito gift ko sa iyo."
"Hindi naman ako nagyoyosi a." Sabi ko.
"Isindi mo kasi." Sabi niya.
Sinindihan ko ang lighter at nakita kong paiba-iba 'yong kulay ng apoy.
Okay, mahilig ako sa lights pero paano 'to naging gift sa akin?
"Gift ko 'yan sa ating dalawa." Sabi niya.
"Eheh" Sabi ko.
"Nagustuhan mo ba? Hindi mo ata nagustuhan e." Sabi niya.
"Ha, e ano-" Sabi ko. Pero pinutol niya.
"Joke lang, ito talaga gift ko sa iyo." Sabi niya tapos naglabas siya ng kwintas.
'yong kwintas na kapag inilawan, iba't-ibang lenggwahe ng "I love you" ang makikita. 'yong madalas makita sa ads sa FB at Tiktok, ayun ang gift niya sa akin. Sinuot niya sa akin 'yong kwintas.
"Thanks" Pasasalamat ko, tinignan niya ako nang matagal sa mata bago ako halikan.
Ito na naman tayo."Merry Christmas po Honey." Paglalambing niya tapos siniil niya ako ng halik.
"Xavier, p-pwede bang hindi ngayon ?" Tanong ko habang hinahalik-halikan niya ako. "Masakit ang tiyan ko e."
"Lagi naman may sumasakit sa iyo kapag gusto ko ng lambing." Sabi niya tapos hinawakan ang mga kamay ko at inihiga ako sa sofa tapos inilagay ang sa ibabaw ng ulo ko.
"Aaaaa- Xavieeer! Ayoko nga!" Pakiusap ko.
"Shhh" Sabi niya habang hinahalikan ako sa leeg.
Binuhat niya ako tapos iniakyat sa kwarto.
-
Pagkagising ko, katabi ko pa rin si Xavier, ang bait niyang tignan kapag tulog. Pero ang sarap pa rin sabunutan at sampal-sampalin.
"Xavier, gising." Paggising ko kay Xavier habang niyuyugyog siya. "Uuwi ako sa amin. Umuwi ka na rin sa inyo."
"Ayaw mo ako isama? Christmas na in 2 days. Iiwan mo ako?" Tanong niya.
Napalunok ako kasi hindi pa alam nina Mama BR ang nangyari at kapag nakita siya, magtataka si Mama.
"S-sa New Year na lang." Sabi ko.
"Sure ka ba?" Tanong niya.
"Oo nga." Sagot ko.
"Ayaw mo ata ako ipakilala sa pamilya mo e." Sabi niya sabay ngumuso siya.
Ngumiti ako, "Gusto naman."
Gusto kitang sakalin hanggang sa tumirik mata mo.
"Sige Hon, uuwi na ako, ingat ka ha." Sabi ni Xavier, hinalikan ako sa pisngi tapos umalis na siya.
Hay salamat umalis ka rin.
Xavier's POV
Mag-isa na naman akong magpapasko, iwanan ba naman kami ng Mama namin e. Ang tatay ko naman natukhang. Naaalala ko, pasko rin nung nangyari 'yon, simula non hindi na kami inalagaan ng Mama namin, kami na nagpalaki sa sarili namin. Pinupuntahan lang kami nina Lolo, Tito, at Tita kapag may oras sila.
"Off, kina Danica ako magpaPasko, dito ka lang?" Tanong ni Kuya Xenn na bihis na bihis at umaalingasaw ang amoy ng pabango.
"Oo." Sagot ko.
"Si Rosena, nasaan ba?" Tanong niya ulit habang nag-aayos ng buhok sa tapat ng salamin.
"Sa pamilya niya." Sagot ko.
"Ay hindi ka pa kilala ng magulang niya?" Pang-aasar ni Kuya Xenn.
"Umalis ka na nga." Sabi ko sa kanya tapos tinulak ko siya palabas ng kwarto ko.
"Bye!" Sabi niya habang tumatawa.
BINABASA MO ANG
Labo: Hate the Game
RomanceRosena and Adrie's love story had always been filled with uncertainty and distance. As Adrie found himself in the US getting his money right while taking care of his dad, Rosena remained in the Philippines focused on finishing her studies. Their bon...