Pechay

195 97 9
                                    


Gico's POV

Pagkagising ko, panay text, chat, at call na ni Rica ang phone ko, tanghali na rin kasi tapos hindi pa niya kami nakita ni Axy sa bahay, kaya siguro nagtataka na siya. Pagkabukas ko ng mga message, panay naman gibberish ang pinagsasabi, mukhang lasing na naman siya, wala akong naintindihan. Nag-unat muna ako ng katawan bago bumangon at umakyat papunta sa kwarto ni Rosena.

Ang sarap ng tulog nila ni Galaxy, kaya nanahimik muna ako sa isang tabi at nag-FB.

Nakita ko ang mga post ni Rica kagabi, panay may kasamang random na mga lalaki at nasa bar, pagpunta ko sa profile niya, wala pang picture namin ni Galaxy, kahit si Galaxy lang, para talaga siyang walang anak, tapos pagkauwi makayakap sa akin wagas. Napawow react na lang ako sa mga post niya.

"Ba't nakasimangot ka agad? Umagang-umaga, ang panget mo." Sabi ni Rosena na kagigising lang.

"Panget ka rin." Sabi ko naman.

"Nget?" Sabi ni Galaxy.

Natawa kami. "Alis tayo?" Tanong ko kay Rosena. "Pero maligo ka muna pala, ambaho mo." Pang-aasar ko.

Nang-irap siya, "Saan naman tayo pupunta aber?"

"Sa Quiapo, ibebenta na kita." Sagot ko.

Binato niya ako ng unan, "Alam mo Gico wala kang masabing maganda."

"Maganda." Sabi ko.

"Heh, bantayan mo anak mo maliligo na ako." Sabi niya tapos bumaba na para maligo.

Nakareceive ako ng ulit ng chat galing kay Rica habang naghihintay.

start of conversation

RICA LIU: Gico, where are you?
ME: Kay Ros.
RICA LIU: Can you guys go home?
ME: Maya, mamimili kami ng gagamitin para sa birthday ni Axy. Tsaka sabi ni Adrie bilhan ng aso si Rosena. :)
RICA LIU: Sama ako.
ME: Oo nga, masama ka nga.
RICA LIU: Gico?!
ME: Maligo ka na. Pagkatapos mo maligo pumunta ka dito.

end of conversation

Hinalungkat ko sa cabinet 'yong naiwan na mga damit namin ni Axy dito sa apartment ni Rosena, nakita ko na may box na may nakasulat na "Adrie My Loves", MY LOVES? HAHAHAHAHA! 'yong akin naman nakasulat "Gico Panget" kay Axy "Axy My Baby"

Rosena's POV

"Adrie my loves?!" Patawa-tawang pang-aasar ni Gico pagkapasok ko sa kwarto.

"Ngengelam, 'di nagsasabi." Sabi ko naman.

"Syempre kukuha ako gamit namin ni Axy." Sabi niya tapos bumaba na siya para paliguan si Axy. "Adrie my looooves"

"Heh!" Sabi ko.

Naupo ako sa kama ko para maglaptop at magschedule ng emails sa sponsors para naman sa tournament na magaganap next week. Sa tagal ni Gico paliguan ang anak niya, natapos na ako mag-schedule, hindi pa rin niya naaakyat si Axy kaya bumaba na ako para tumulong. Pagbaba ko, nagulat ako na nasa sala si Rica buhat-buhat si Axy.

"Hi B!" Sabi niya.

"Nget" Sabi naman ni Axy.

Pumamewang ako, "Anong nget? Tatay mo talaga kung anu-ano tinuturo."

"Ngeeet" Sabi ni Axy tapos umaabot sa akin.

Binuhat ko siya, "Tita Ros."

"Ros" Panggagaya ni Axy. Natawa kami ni Rica.

"Tita Ros." Pag-ulit ko pa.

"Ta Ros." Pag-ulit naman ni Axy.

"Yeheeeey" Sabi namin ni Rica.

"Panget" Sabi ni Gico na kalalabas lang galing sa CR.

"Nget!" Sigaw ni Axy tapos tinuturo pa ako habang buhat ko siya. "Nget." Sabi niya nang nakangiti tapos niyakap ako.

Pagkatapos namin mag-ayos, pumunta na kami sa pupuntahan namin na hindi ko alam kung saan dahil hindi naman ako sinagot ni Gico nang maayos. Nakikipaglaro ako kay Axy habang nasa biyahe kami nang tumawag si Adrie kay Gico.

"Bro" Sabi ni Gico kay Adrie.

"Bro, are you with Ros?" Tanong ni Adrie.

"Yes, we're going." Sagot ni Gico.

Going saan?

"Okay good, Ros, can you unblock me?" Sabi ni Adrie.

"Sira cellphone ko, at hindi naman kita binlock." Sagot ko naman.

"I miss you" Sabi niya.

"Tigilan mo 'ko." Sabi ko naman.

"Ayieeeee" Sabi ni Gico at Rica.

"Tigilan niyo 'kong tatlo." Sabi ko.

"Alright bye" Sabi ni Adrie tapos binaba niya na ang call.

Sineryoso?! Walang pagsuyooo?!

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Basta" Sagot niya.

"Hmp." Sabi ko tapos nakipaglaro na ulit ako kay Axy.

Pagkatigil nung sasakyan, nakita ko sa labas na maraming pet shop sa paligid, naiyak ako kasi naalala ko sina Adie at Roie.

"Baba" Sabi ni Gico nang buksan niya ang pintuan ng van. "Tumahan ka nga namumula na ilong mo."

"Ano namang gagawin natin dito?" Tanong ko.

"Bibili ng pechay." Pang-aasar niya.

Napairap na lang ako.

Labo: Hate the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon