Eleven

192 97 9
                                    

Rosena's POV

Hindi ko pinapansin lahat ng tanong ng mga kaibigan ko kung ano nga bang nangyari sa akin. Araw-araw din akong pinupuntahan ni Xavier sa school para sunduin at para dalhin sa bahay nila bago ako umuwi para ano, anuhin. Hindi ko pa rin nakakausap si Adrie, hindi ko alam paano sasabihin dahil nadudumihan ako sa sarili ko at dahil na rin sa pananakot ni Xavier. Hindi ko alam kung paano ako tatakas sa mga pangyayari na 'to. Tanungin man ako ni Mama BR e hindi rin ako sumasagot sa takot na may mangyari sa kanilang masama.

"Kumusta kayo ni Xavier?" Tanong ng Lolo ni Xavier sa akin pagkalabas ko ng kwarto.

"Marami po nagsasabi sa akin na maraming chicks si Xavier kaya parang gusto ko na lang po sanang lumayo. Hindi niya rin naman po ako niligawan nang maayos e." Sagot ko na may halong pagdadahilan, dahil ako lang naman ang babaeng pinaglalaruan ni Xavier ngayon.

"Kasalanan mo na 'yan, nag-boyfriend ka ng artistahin na bata e." Paninisi ng Lolo ni Xavier.

Artistahin? May artistahin bang bulok ang isang ngipin sa harap?

"Excuse me po? Bata?" Tanong ko.

"18 pa lang si Xavier 'di ba?" Tanong pabalik ng lolo niya.

"18 pa lang po siya? Sabi niya sa akin 20 na siya." Sagot ko.

Natawa ang Lolo ni Xavier. "Masyado kang nagpapaniwala kay Xavier hija."

Sa asar ko nasabi ko na lang, "Magaling po manloko ang apo niyo, mauna na po ako."

Umalis na ako sa- bahay? Bahay ba talaga 'yon? Ewan. Naglakad lang ako papunta sa apartment ko since sa sobrang "yaman" nina Xavier, hinihingan niya pa ako ng pera palagi pambili niya ng yosi at alak, at ng kung anu-ano pang bisyo at kaartehan sa katawan. Naiinis akong hindi ako makapagsalita para sa sarili ko but at the same time ayokong may mapahamak na ibang tao kaya nananahimik na lang ako. Pagkauwi ko sa apartment ko, sinalubong ako ni Pechay, pero dahil amoy yosi pa ako, naligo muna ako. Pagkatapos ko maligo at magbihis, nag-asikaso na ako ng iba pang kailangan para sa binyag at birthday ni Galaxy. Patapos na ako sa calls at online orders nang makatanggap ako ng tawag galing kay Sharine.

start of call

"Hello? Kumusta ka?" Pagsagot ko sa tawag.

"Be, pwede mo ba akong puntahan? Manganganak na ata ako, hindi ko ma-contact asawa ko e, nasa work pa." Sabi niya, rinig na rinig ko ang pagpapanic sa tono ng boses niya.

"Okay, punta na ako." Sabi ko tapos inend ko na ang call.

-

Saktong pagdating ko sa bahay nila, sumabog ang panubigan ni Sharine, nagmadali na akong pumara ng kahit anong gumagalaw na sasakyan para madala ko siya sa hospital, buhat-buhat ko ang go bag niya habang inaalalayan ko siyang makasakay sa tricycle na tumigil.

Nasa hospital na kami nang sumagot ang asawa niyang si Kairo, pero hindi na nahintay ni baby, lalabas na talaga. Kasama ako ni Sharine sa delivery room, hawak niya ang braso ko.

"Push Mommy, sige kaya mo 'yan- Good." Malumanay na pag-encourage ng doctor kay Sharine.

Pahigpit nang pahigpit ang kapit ni Sharine sa braso ko, hindi ako nagrereklamo kahit na ramdam ko na bumabaon na ang mga kuko niya sa braso ko. Pahigpit pa rin nang pahigpit ang kapit niya hanggang sa narinig na namin ang iyak ng baby niya.

"Time of Birth, 11:11 pm, November 11, 2019"

Dinala na sa recovery room si Sharine, ako naman hinintay kong dumating si Kairo para i-update siya sa mga nangyari.

"So ayon, ang ganda ng pagkakapanganak sa anak niyo 11:11pm... Sakto November 11 ngayon. Nasa recovery pa si Sharine pero pwede na natin silipin si baby sa nursery." Masayang pagkwento ko pagkarating ni Kairo.

"Talaga? Sayang, wala ako, napicturan mo ba?" Tanong ni Kairo.

"Hindi e kinapitan ako ni Sharine, tara silipin natin sa nursery ang baby niyo." Sagot ko.

Pumunta na kami sa nursery, kita namin ang anak nilang mahimbing ang tulog. Tuwang-tuwa ako kasi may baby ulit kaming magkakaibigan. Blessing talaga ang mga bata, dumarating kapag kailangan na kailangan mo sila sa buhay mo. Pinicturan ni Kairo ang anak nila, kitang-kita ko na proud siya sa anak nila.

Sana lahat 'di ba?

"Ros, pwede ka nang umuwi para makapahinga ka na. Salamat ha." Sabi ni Kairo.

"Naku maliit na bagay lang 'yon, basta ninang ako a!" Sabi ko.

"Sige ba, ninang ka ni Eleven" Sabi niya.

"Eleven ipapangalan niyo? Ang cute naman. Sige uwi na ako ha, congrats sa inyo. Ingat kayo!" Sabi ko tapos umuwi na ako.

Labo: Hate the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon