Luh part 2

7 1 0
                                    

Rosena's POV

"Rosena, kumusta ka?" Tanong ni Tita Liza habang nagkakape siya at ako naman umiinom ng creamer.

"Okay lang ako Ta." Sabi ko.

"Okay lang? Alam mo ba itsura mo? Nakikita mo pa ba ang sarili mo sa salamin? Ano 'yan? Pasa? Chikinini?" Sunod-sunod na tanong ni Tita Liza.

"KakaVolleyball ko lang 'to Ta." Pagsisinungaling ko.

Humigop siya ng kape. "Asus. Kilala kita Rosena. Magsisinungaling ka pa. Ano 'yan buong katawan mo nag-volleyball."

"Talagang kilala mo ako Ta, pamangkin mo 'ko e." Pang-aasar ko.

"Hindi mo sure, malay mo napulot ka lang namin sa may basurahan." Pang-aasar niya sa akin.

"Tita naman e. Mag-ooverthink na ba ako?" Sabi ko.

"Pwede- ano? Ba't hindi mo ako sinasagot nang maayos? Anong NANG YA RI SA I YO?" Sabi ni Tita.

Napalunok ako at hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Wala akong nagawa kundi magpray na magkaroon ng distraction.

"Hi Ate, Hi Ta, order tayo food?" Sabi ni Boyd pagkababa niya.

Hay salamat.

"Anong gusto mong food?" Tanong ko kay Boyd.

"Hmmm... I kinda like Jollibee." Sagot niya.

"Rosena hindi pa tayo tapos mag-usap ha." Sabi ni Tita Liza tapos tumayo na siya at pumunta sa guest room para kausapin sa phone ang girlfriend niya na si Tita Mae.

"Opo." Sagot ko.

"Ano 'yon?" Tanong ni Boyd sa akin.

"Wala." Sagot ko.

"Weh, ganyan kayo, mag-secret lang sige." Tampo niya.

"'Migil ka nga hindi bagay sa iyo." Patawa-tawang sabi ko.

"Mas lalong hindi bagay sa akin ang pangalan na Migil." Sabi niya sa akin na may kasama pang paghawi niya ng buhok.

"Sira ulo ka talaga- anong gusto mong orderin sa Jollibee?" Tanong ko.

-

December 26 ngayon, ito na ang 4 awkward days bago ang New Year.

Ano nga ba ang dapat ko nang iwanan sa taon na 'to?

Napatingin ako sa full length mirror namin na mas matanda pa kaysa sa akin. Nakita kong marami nga akong pasa at kiss marks galing kay Xavier.

Tama na, kung papadala ako sa paulit-ulit na pagbabanta ni Xavier, masasaktan lang ako lalo, isa pa, dami niyang pinagyayabang sa akin pero parang kabaliktaran naman nung ang lahat. Una do'n sa part na mayaman sila, kung talagang mayaman sila e bakit siya nanghihingi ng pera sa akin? Pangalawa, mga politiko daw kamag-anak niya, can be true pero wala naman akong nakikita. Ang totoo niya lang na nasabi ay kapitbahay nila ang Ninong niya at pulis ito.

Tinanggal ko na ang binigay na kwintas sa akin ni Xavier at 'saka iniitsa sa damuhan sa likod ng bahay namin. Nagpasya akong i-chat ang Tito Carlo niya one last time.

start of conversation

ME: Good evening Tito Carlo.

CARLO ARAGON: o rosena napachat ka

ME: May mga sasabihin lang po ako.

CARLO ARAGON: ano yun?

ME: Salamat po sa mabuting pakikitungo niyo sa akin. Gusto ko lang po aminin lahat ng kasinungalingan namin ni Xavier. Una po sa lahat, siya lang po ang nagsabi na maggirlfriend-boyfriend kami. Hindi po ako pumayag. Sabi niya din po nung nagkakilala kami, 20 years old na siya.

Pangalawa po, hindi po ako tinatrato nang maayos ng pamangkin niyo, sinasaktan niya po ako, sa katunayan niyan nung bago mag-pasko naulit pa po.

Pangatlo at huli sa lahat, ni-rape niya lang po ako kaya ako nabuntis, sobrang imposible pong magmahal ako ng isang tao na isang araw ko pa lang kakilala at magpagalaw ako agad-agad. Ayoko hong pakasal sa kanya o kahit ano pa pong gusto niyong gawin namin na pinaniniwalaan ninyong tama dahil nagsimula lang naman po ang lahat sa pagkakamali.

Kung tatakutin niyo po ako, na mayaman kayo, may kamag-anak kayong pulitiko at kung anu-ano pa e nagawa na po ni Xavier 'yan. Hindi rin po ako makapaniwalang mayaman kayo kasi si Xavier sa akin pa nanghihingi ng pera palagi imbis na sa vitamins ko mapunta pera ko, mabuti na lang at may tumutulong kaya kahit papaano meron pa rin akong naiinom na vitamins at gatas. Sa korte na lang po siguro tayong magkita ulit.

CARLO ARAGON: kakausapin ko si off

ME: Hindi na po magbabago 'yan si Xavier kahit anong usap ninyo, salamat na lang po.

*blocked*

end of conversation

Labo: Hate the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon