Gico's POV
"Happy Birthday, Happy Happy Birthday... Happy Birthday Happy, Happy na Birthday pa.. Happy Happy Happy Birthday sa'yo... Happy..." Magulong pagkanta nina Mamay, Papay, mga Ate ko, Rosena, Rica, Paige at Sharine ng Happy Birthday para sa akin.
"Pota, wala akong maintindihan." Sabi ko.Huminto sila saglit. "Okay, one, two..." Sabi ni Rosena.
"Happy Birthday... Birthday na ni Gico Birthday na ni Gico... Happy Birthday Happy na Happy Birthday pa... Happy Happy Happy Birthday sa'yo. Yeyyyy!"
Wala pa rin akong naintindihan, pero okay.
"Make a wish Daddy!" Sigaw ni Rica.
"Baby number 2 please." Sabi ko.
Tumingin lahat kay Rica, "Uh noooo, I'm not gonna do that again Gico."
Ang arte talaga.
Nagwish na ako tapos binlow ko na ang kandila.
Winish ko na maging healthy lang palagi si Axy at magsabi na ng totoo si Rosena.
Ah, alam ko na kung paano siya magsasabi ng totoo.
"Ros, inom tayo Ros." Sabi ko kay Ros na iniinhale na naman ang Carbonara na niluto ko.
"Ayaw ko, bad." Sabi ni Ros.
"Weh, buntis ka 'no?" Panghuhuli ko sa kanya.
"Isang shot lang." Sabi ko sa kanya tapos inabot ko sa kanya ang isang bote ng beer.
Nang maamoy niya ang beer, naduwal siya. Natawa naman ako kasi tama ako. Hindi si Rica ang palaging tama.Hindi ang mga babae ang palaging tama.
Nagsuka si Rosena sa CR namin.
"Ano, hindi ka buntis?" Tanong ko sa kanya pagkabalik niya sa tabi ko.
"Fine, nag-PT ako nung nakaraan tapos faint positive, pero hindi pa ako nagpapacheck-up. Kaya hindi pa talaga sure." Sabi niya.
"Ay? Sira ulo ka ba?" Sabi ko, pinandilatan niya ako. "Hindi ka pa nagpapacheck-up?!" Bulong ko.
"Chill. Ako nang bahala, just don't tell anyone else muna. Please?" Pakiusap niya.
"Fine, pero Ros, pwede 'wag ka na magsinungaling sa akin?" Sabi ko sa kanya.
"Fiiiiiiiiiiiiine" Sabi niya.
"Good, and congrats." Sabi ko sa kanya.
"Again, hindi pa sure, this might just be because, magkakaroon ako soon." Sabi niya pa.
Napailing ako sa sinabi ni Rosena. Kung may kanta na magdedescribe sa babae na 'to ayun ay Great Pretender. Alam kong mukha siyang kalmado pero deep inside nagpapanic na siya. Isa pa, natural na matakaw siya pero hindi ganito katakaw na tipong nagtataob na siya ng kaldero.
Rosena's POVAlam na ni Gico, for sure 'yan sasabihin niya na kay Adrie tapos hindi ko pa naunblock si Adrie kaya iisipin non ayaw ko na sa kanya. Pero andami ko namang kasing iniintindi at ginagawa para mag-FB pa.
"Hoy, pati ilong mo kumakain na ng Carbonara." Sabi ni Gico sa akin.
Hindi ko mapigilan na mapatulala kapag naiisip ko 'yong mga mangyayari pero hindi ko naman na wala na akong magagawa kasi, nandito na e.
"Huy, ayusin mo ang pagkain mo." Sabi ni Gico habang niyuyugyog ang balikat ko.
"O-oo s-sorry." Sabi ko kay Gico."Hay nako Rosena Marie" Sabi ni Gico.
"Hoy walang Marie sa pangalan ko." Sabi ko kay Gico.
"O 'di ba, natauhan ka." Sabi ni Gico habang tumatawa."Ang lala mo." Sabi ko.
-
Natapos ang celebration ng birthday ni Gico, marami akong nakain dahil lahat ng niluto masarap. O may 75% chance na buntis ako, I don't know. Dumaan muna ako kina Xavier bago ako umuwi dahil maghapon ko siyang hindi nakita at mag-aamok na naman siya kapag hindi ko siya pinuntahan.
Dumating ako sa bahay nina Xavier na patay lahat ng ilaw, pagpasok ko, nagpray muna ako, kasi nakakakilabot.God bless their souls. Kung anuman ang nangyari sa kanila at kung bakit sila nandito.
"Xavier?" Pagkatok ko sa nakalock na pinto ng kwarto ni Xavier.
Nakarinig ako ng umuungol.
Makauwi na nga. Mukhang busy siya.
Naglalakad na ako sa hallway palabas nang may humawak sa kamay ko. Parang umalis ang kaluluwa ko mula sa katawan ko sa sobrang gulat ko.

BINABASA MO ANG
Labo: Hate the Game
RomanceRosena and Adrie's love story had always been filled with uncertainty and distance. As Adrie found himself in the US getting his money right while taking care of his dad, Rosena remained in the Philippines focused on finishing her studies. Their bon...