Tiis

192 97 9
                                    

Rosena's POV

1st Birthday ni Galaxy ngayon, 1 year old na ang panganay kooo.

Panganay e 'no akala mo ako nag-iri.


Pagkababa ko para maligo, nakita ko sa kitchen counter na may mga vitamins at gatas pang-buntis."Xavier? Nandito ka ba?" Pagtawag ko.

May kwenta na si Xavier? Alam ni Xavier?

"Gico? 'Wag mo 'ko gulatin please." Sabi ko pero wala pa ring lumabas.

Sinong nag-iwan neto? Si Adrie? Umuwi na si Adrie? E teka, alam ni Adrie? Hala baka nanakawan ako tapos ito ipinalit. Alam nung magnanakaw na buntis ako?

"Rosenaaa! Dalian mo hinahanap ka ni Axy!" Sigaw ni Gico mula sa labas. Kararating lang nila kasama si Ate Anne.

"Sandaleee" Sagot ko.

"Pasok mun-" Hindi pa ako tapos e nakapasok na agad siya buhat si Axy at naupo sila sa sofa.

Wala talagang kupas ang kakapalan ng mukh-

"Dalian mo na maligo, kailangan ka sa bahay."

"Ona." Sabi ko sabay irap at punta sa banyo.

Gico's POV

"You did very good na ilagay ang vitamins and milk sa counter niya without her knowing ha." Sabi ni Ate Anne. Malakas pa ang pagkakasabi niya.

"Shh ka lang 'Te Anne, babayaran niya 'yan kapag nalaman niya." Bulong ko.

"Ay sorry, so excited for the baby" Bulong ni Ate Anne.

"Ako hindi, ayaw niya kasi 'yan." Bulong ko pabalik.

"Weshewesheweshe" Bulong ni Axy.

"Mana ka talaga sa Daddy" Sabi ko kay Axy.

"Gico, ikaw ba naglagay dito ng mga 'to?" Tanong ni Rosena na kakalabas lang ng banyo. Hindi naman na bago na nakikita ko siyang nakatwalya kasi ganun kami kakomportable sa isa't-isa. Pero nakita ko panay siya pasa sa binti at braso.

"Hindi, ano nangyari sa iyo?" Tanong ko.

"Wala, nabunggo sa pinto." Sagot niya.

"Lupit mo naman mabunggo sa pinto. Nakipagbugbugan ka ata sa pinto." Pang-aasar ko.

"Psh." Sabi niya tapos inirapan ako at umakyat sa kwarto niya para magbihis.

"Init ng ulo?" Pahabol ko pa.

Pagbaba ni Rosena, sumakay na kami sa van tapos umuwi na sa bahay namin. Nang makadating na kami sa bahay, sinimulan ko nang magpalobo ng balloons, si Rosena naman naglagay na ng mga tablecloth sa mga lamesa at letters sa stage. Si Ate Anne ang nag-ayos ng mga ilaw. Si Axy naglalaro sa tabi ko. Si Rica nasa kwarto sarap ng tulog.

Pinagod ko kasi kagabi. Hehe.

Nang matapos na ang lahat, naghihintay na lang kami ng bisitang darating, naisipan kong pag-tripan si Rosena. Kumuha ako ng balloon at pinalobo sa tabi niya.

"GICOOOO! AYAAAW!" Sigaw ni Rosena habang tumatakbo palayo.

"Gaga, madapa ka." Sabi ko habang patuloy pa rin ang pagpapalobo, hanggang sa pumutok 'yong lobo. Nakita kong umiiyak si Rosena habang nakatakip ang kamay niya sa mga tenga niya. Hahaha, sarap talaga magpaiyak ng buntis.

"Oh 'wag ka na umiyak, bigyan kita ice cream." Sabi ko naman habang hinahatak siya papunta sa dessert station. Pulang-pula ang mukha ni Rosena kakaiyak. Tumahan lang siya nung kumakain na siya ng strawberry ice cream. Maya-maya nasuka siya, ayaw niya daw ata ng lasa ng strawberry ngayon.

Kawawa naman, favorite niya pa naman ang strawberry. Alam ko, kasi paulit-ulit sinasabi ni Adrie. Strawberry paborito niyang pagkain, Sunflower paborito niyang bulaklak, hindi siya nagkakape, creamer lang, hindi siya kumakain ng dinuguan kahit na hindi siya INC, takot siya sa butiki pero hindi sa ipis etc. etc.

Unti-unti nang nagdadatingan ang mga bisita, habang nagggreet ako, nakita ko si Axy na nagpapabuhat kay Rosena. At bubuhatin naman ni Rosena si Axy kaya nagmadali ako papunta sa kanila. "Rosena, 'wag ka nga magbuhat." Sabi ko kay Rosena, napanguso na lang siya dahil gusto niya talagang buhatin si Axy.

Binuhat ko na si Axy at ipinakausap sa mga bisita. Tinabihan naman ni Ate Anne si Rosena.

Rosena's POV

"Baby girl, I know what happened." Panimula ni Ate Anne sa pagkausap niya sa akin."Where's the father?"

"Hay nako si Gico talaga." Sabi ko naman.

"It's not his fault, I forced him to tell me." Sabi ni Ate Anne. "So, what happened?"

"It's my fault." Sabi ko.

Paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko 'yong mga sinabi ni Xavier sa akin.

"I don't believe you." Sabi ni Ate Anne.

"Believe it na lang po." Sabi ko.

"You mean to say, ayaw mo na kay Adrie?" Tanong ni Ate Anne.

Labo: Hate the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon