Rosena's POV
Ewan ko ba kung bakit bigla na lang tumawag si Adrie kagabi, baka lasing lang. Halata naman sa boses niya.
Ah ewan, bakit ko na naman kasi siya iniisip?
"Ros" Pagtawag sa akin ni Van na tapos na pala magpaliwanag kung saan ko tutulungan ang org nila.
Hindi ba ako napapagod? Kung hindi siguro nila nakikitang napapagod ako, baka hindi nga.
"Sige, walang problema, tutulungan ko kayo sa tournament, basta patapusin muna 'yong seminar. Bago ko asikasuhin 'yan." Sagot ko kay Van.
"Thank you!" Pasasalamat niya.
Pumasok na ako sa klase ko kay Ma'am Celia kasi kahit na maaga pa, basta nauna siya sa classroom bago ako dumating, late na ako. Pagkapasok ko, nando'n na ang mga "anak" niya. Siya wala pa. Buti na lang.
"Hi Ros" Bati ni Kuya Emy, classmate ko."Hello kuys" Bati ko pabalik. "Rina, natanggap mo ba 'yong finorward kong email sa iyo galling sa FMPA?" Sabi ko kay Rina, ang bagong executive secretary ng org naming sa school.
"Huh? Wala naman." Sagot niya na parang gulong-gulo. "Send mo na lang ulit be."
"Sige" Sagot ko tapos naupo na ako.
"Good morning class!" Pagbati ng kararating lang na si Ma'am Celia.
"Good morning Ma'am" Bati naming lahat.
"Maaga ka ata today, Ms. D'rio." Pang-aasar ni Ma'am Celia.
Nginitian ko na lang siya.
Pagkatapos ng klase, inemail ko na agad kay Rina ang invitation ng FMPA sa officers para sa general assembly. Kung hindi niya pa rin mabasa, pwedeng mangyari na ako na lang ang mag-receive ng membership plaque ng Kingdom College. Hindi naman siguro big deal 'yon kung hindi nila pinapansin mga email ng FMPA.
Hayyy. Ang dami kong ganap sa buhay...
Adrie's POV
"Adrie, you can go sa Philippines na if you want," Ate Anne told me while I was eating breakfast and staring at nothing.
"Ikaw? Do you want to?" I asked.
"Sungit mo naman" She answered.
"I'm just asking," I said
"Of course not, gusto ko bantayan si dad" She said.
"Then that's what I want to do too," I said.
She sighed, "But I can see the emptiness in your eyes"
"If my eyes were empty, then I'm blind," I answered.
She rolled her eyes. "Hay naku, Adrie"
I am now working to get my money right so I can get back to Rosena, I hope that her patience doesn't run out of all the years that she will be waiting for me.
Rosena's POV
Papunta ako ngayon sa general assembly ng FMPA hindi kasi sumagot ang officers sa emails, kaya ako na lang ang kumilos. Naaalala ko na naman kung paano ako iligaw ni Adrie, talagang iiwan niya ako at hindi pa isasabay sa kanya papunta sa venue, hihiwalay pa siya ng biyahe tapos halos sabay lang kaming darating sa venue. Ayun ata ang pagkakaintindi niya sa "ligawan""Rosenaaa!" Sigaw ni Ysmael, nasa malayo pa lang ako kilala na agad ako.
"I-smiiiiile" Sigaw ko pabalik.
"Roooos" Sigaw ng mga dating co-trainee ko na officer na ngayon nang makita rin ako.
Pagkalapit ko, nagsipagyakap sila sa akin na parang ngayon lang ako nakita, naluha ako ng slight dahil sa sobrang dami ng nag-hug sa akin. Para akong nasakal."Teka guys, I can't breathe." Pabiro kong sabi.
"Namiss ka namin!" Sabi nila.
Aw
Pagkatapos naming magkumustahan, pumasok na kami sa loob ng venue. Nakikipagmingle ako sa mga sponsor para makuha ko sila sa events namin sa school nang biglang may kumalabit sa akin.
"Oh musta?" Sabi ko.
"Okay lang, ikaw musta?" Tanong ni Waldo na kasama ni Ashley.
"Okay lang rin, staying strong kayo a." Sabi ko sa kanila ni Ashley.
"Issue ka Ms. Ros, hindi naman kami." Sabi ni Ashley. "Ikaw nga crush niya."
"Dang gago nito nambubuking." Sabi naman ni Waldo.
"Nako tigilan mo ako ha, kaya ako napag-initan ni Sir Ian e." Sabi ko sa kanilang dalawa.
"Ay napagalitan ka ba? Sorry a." Sabi ni Waldo.
Pumasok na kami sa AVR ng school na venue ng General Assembly para maupo at makinig.
BINABASA MO ANG
Labo: Hate the Game
RomanceRosena and Adrie's love story had always been filled with uncertainty and distance. As Adrie found himself in the US getting his money right while taking care of his dad, Rosena remained in the Philippines focused on finishing her studies. Their bon...